CHAPTER 15

8 0 0
                                    

Masaya ako dahil ngayong araw na ito ay nagkabalikan na kami ni Mazer. Lulan naman kami ng sasakyan papunta sa opisina at hawak niya ang isa kong kamay at ang isang kamay naman niya ay nasa manibela. Maya't-maya naman ang halik niya sa aking kamay kapag may pagkakataon. Napapangiti na lang ako kasi tulad pa rin siya ng dati na sobrang caring at napaka-lambing pa rin.

"Baka naman mapudpod na 'yong kamay ko kakahalik mo?" biro ko sa kan'ya kaya napabaling saglit ang tingin niya sa akin.

"Mas lalo kang mapupudpod mamaya pag-uwi natin," nakangisi naman niyang sagot. Pinalo ko siya ng mahina sa kan'yang braso at sinamaan ng tingin.

"Hoy Mr. Mazer Brilliantes! Hindi porke tayo na ulit gagawin mo na kung ano 'yong gusto mo ha"

"Don't tell me sweety hindi mo na-miss?" napakurap-kurap naman akong tinitigan siya habang siya nama'y nakatingin sa daan. At nang magtraffic ay binalingan naman niya ako. "I want to do that later sweety," paos niyang wika.

"H-ha?"

"Take a day-off tomorrow sweety"

"At bakit?" takang tanong ko na nakataas pa ang isang kilay.

"Dahil lulumpuhin kita mamaya," kakaiba naman ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi lang basta sex ang mangyayari nito. He's wild like a beast at kung saan-saang parte ng bahay ka niya dadalhin. All I can say is I'm satisfied of was he was doing.

"Hindi ako puwedeng magday-off dahil napaka-rami ko pang dapat asikasuhin at isa pa sa isang linggo na ang pictorial namin ni Wilfred." Narinig ko pa ang mahinang pagbuntong hininga at muli ng pinaandar ang sasakyan.

Nang makarating na kami sa parking lot ay kaagad siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pansin ko naman ang lungkot sa kaniyang mukha at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Are you mad?" malumanay kong wika sa kan'ya.

"I just missed you. All I want is to spend time with you"

"Me too, kaso nagkataon lang talaga na maraming trabaho ngayon eh"

"I understand Kristine. Let's go baka ma-late ka pa eh." Napasimangot naman ako dahil kanina sweety ang tawag niya sa'kin tapos ngayon Kristine na lang.

Magkahawak kamay naman kami habang tinatahak ang daan papunta sa aking opisina. Alam kong pinagtitinginan kami ng mga taong nakakakilala sa akin dahil ever since ay wala naman silang nakikitang nanliligaw sa akin o napapabalitang nakaka-date ko maliban na lang kay Wilfred. Nakita ko namang bigla ang isang modelo na humaharot noon kay Mazer at pansin ko sa mukha niya ang pagtataka. Ikinawit ko pa ang mga braso ko sa kaniyang braso para ipamukha sa kan'ya na may nagmamay-ari na sa nilalandi niya. Napangisi na lang ako ng batiin niya si Mazer ngunit tinignan lang siya nito. At nang malapit na kami sa aking opisina ay siya namang nakita naming si Cezil na papalapit sa amin kaya napahinto kaming bigla.

"Oh mukhang nagkakamabutihan na kayo ng ex mo?" wika niya pagkalapit sa amin. Napa-ikot naman ang mata ko dahil sa inis at hinarap siya.

"Correction boyfriend ko na siya ulit at hindi na ex. Puwede bang tumabi-tabi ka riyan sa dinaraanan namin dahil baka hindi kita matantya at tusukin ko ang nguso mo ng takong ko"

"Wow Kristine kailan ka pa naging ugaling kalye?"

"Ngayon lang, simula nang dumating ka rito." Nagsukatan naman kami ng tingin at 'di kalauna'y binalingan naman ni Cezil si Mazer.

"We're not done yet Mazer." Pagkasabi niyang iyon ay umalis na kaagad siya at napakuyom na lang ako ng palad dahil sa inis.

"Don't mind her iniinis ka lang niya"

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now