CHAPTER 34

6 0 0
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napansin ko na nasa isang maliit na kuwarto ako at puro puti ang aking nakikita. Iisa lang ang ibig sabihin nito, nasa ospital na naman ako. Tatayo sana ako ng biglang may pumasok na isang doctor at nurse. Napatulala akong bigla dahil napaka guwapo niyang doctor, puwede siyang maging modelo pag nagkataon. Napaiwas naman ako ng tingin nang ngumiti naman siya sa akin.

"So, how do you feel?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin

"I'm fine"

"By the way ako nga pala si Doctor Franco Greyson, ako 'yong nakakita sa'yo kagabi," taka ko siyang tinitigan. Doon ko lang napagtanto na may isang lalaking lumapit sa akin at malamang ay siya nga ang lalaking iyon.

"Ikaw ang lumapit sa akin kagabi?"

"Absolutely." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binalingan naman ako ng nurse upang kuhanan ng vitals at pagkatapos ay lumabas na rin ang nurse at kami na lang dalawa ang naiwan.

"S-salamat nga pala at pasensiya ka na ha? Naabala pa tuloy kita.

"Buti na lang talaga nakita kita dahil kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa'yo"

"Bakit ka pala nandoon?"

"Nakita kasi kita na parang wala ka sa sarili mo no'n tapos basang-basa ka pa ng ulan kaya sinundan kita delikado pa naman sa lugar na 'yon dahil wala masyadong dumadaang tao"

"Ah ganoon ba?" nakayuko kong wika sa kan'ya.

"My problema ka ba no'n?" Doon lang ako nag-angat ng tingin at mataman naman siyang nakatitig sa akin.

Kung sino siguro ang babaeng makakakita sa kan'ya ay mahuhumaling sa doctor na ito. Mayroon siyang kulay abo na mga mata at ang labi ay sobrang nipis lang at sadyang mapupula. Pero wala pa ring tatalo kay Mazer, siya lang ang napaka guwapong lalaki para sa akin. Pero wala ng pag-asang bumalik kami sa dati dahil sa mayroon na siyang asawa at anak. Napansin ko naman na may tumulong luha sa aking pisngi at kaagad ko naman itong pinunasan at binalingan ang guwapong doctor na ngayon ay takang nakatingin sa akin.

"I'm sorry doc"

"It's okay. Masyado yatang personal 'yong problema mo. Puwede ka ng lumabas mamaya tutal wala namang nakita sa laboratory mo eh, you are totally fine"

"Salamat po ulit Doctor Franco"

"It's okay Miss Kristine Veinezz"

"How did you know my name?" kunot-noo kong wika sa kan'ya.

"Kilala ka ng mga nurse ko noong dalhin kita rito. Isa ka raw sikat na fashion designer," nakangiti niyang saad.

"O-oo"

"Siya nga pala nagpabili na muna ako ng susuotin mong damit para may maisuot ka paglabas mo rito"

"Hindi ka na sana nag-abala pa," nahihiya kong saad.

"No worries kaysa naman lumabas ka na hospital gown ang suot mo." Napangiti na lang ako dahil sa kaniyang biro at ganoon din siya. "Maiwan na muna kita aasikasuhin ko lang ang discharge mo." Tumango lamang ako sa kan'ya at lumabas na siya sa akibg kuwarto.

Napatingin naman ako sa suot kong singsing na binigay sa akin ni Mazer noong magpropose siya sa akin dalawang taon na ang nakakaraan. Ang pagmamahal na pinaramdam namin sa isa't-isa ay tuluyan ng naglaho. Naglaho na ang pagmamahal niya sa akin at tanging si Jillian na ngayon ang nasa puso niya.

Bigla namang kumirot ang puso ko ng muli ko na namang maalala ang naganap sa amin. Hindi ko matanggap na ganoon sa akin si Mazer, at mas lalong hindi ko matanggap na pag-aari na siya ng iba. Dapat na ba akong sumuko at itigil na ang pagmamahal ko sa kaniya? Hindi ko lubos maisip na magagawa sa akin ni Mazer ang lokohin ako, kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya akong pagtaksilan dahil alam kong mahal niya ako. Paano ko naman maibabalik ang pagmamahal niya sa akin kung hindi naman niya ako naaalala?

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now