CHAPTER 13

7 0 0
                                    

Pabalik na sana ako sa opisina ni Krsitine ng may mapansin akong isang pamilyar na babae. Napahinto ako at sinisino kung sino ito, kasalukuyang kausap niya ang photographer ni Kristine at nakasuot siya ng sun glasses. At nang matapos na silang mag-usap ay pumihit ito paharap sa akin at ngumiti. Tinanggal nito ang kaniyang sun glasses at marahang lumapit sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko lubos maisip kung paano niya ako natunton dito.

"Oh Mazer nandito ka pala. Anong ginagawa mo rito?" malanding wika niya sa akin.

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan, anong ginagawa mo rito?"

"Well, may offer kasi sa akin dito and so I grab it. Hindi ko alam na naririto ka rin pala. Ang tadhana nga naman"

"How did you know that I was here? Who told you that?"

"Masyadong loyal ang mga alalay mo ayaw nilang sabihin kung nasaan ka. I didn't know that you're here. Business trip I guess?"

"None of your business." Paalis na sana ako nang makita ko naman si Kristine na papalapit sa kinaroroonan namin at kasama nito si Leslie. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan.

"Why you didn't answer your phone I was loo___" napahinto siyang bigla at napatingin kay Cezil , gulat niya itong tinitigan at muli akong binalingan. "So kaya naman pala hindi mo sinasagot kasi may pinagkakaabalahan ka pala"

"That's not what you think Kristine"

"Ano namang ginagawa mo ritong higad ka?"

"Kristine, Kristine. I was here because of work and I really don't know he's here too"

"Really huh?"

"Nandito ako dahil ako ang kinuha nilang endorser"

"So you mean ikaw ang magmomodel ng mga gawa ko?"

"Exactly! Why don't you ask your boss? At syempre mas lalo akong maeenganyo dahil nandito si Mazer." Mariin akong napapikit nang kumawit si Cezil sa aking braso. Pansin ko ang matatalim na titig ni Kristine at tila nagpipigil lang ng kaniyang galit.

"Whatever! Huwag mo na pala akong ihatid Mazer kasi nakakahiya naman diyan sa higad na kasama mo kung iiwan mo siya, we gotta go! Marami pa akong meeting na dadalohan." Hindi pa siya nakakahakbang nang humarang naman ako sa kaniyang harapan.

"Let me take you to your destination"

"No thanks I can take care of myself! Let's go Leslie, I'm sure kanina pa naghihintay sa atin si Wilfred." Pagkasabi niyang iyon ay mabilis siyang tumalikod at naglakad na sa amin palayo. Hindi ko na siya pinigilan at hinayaan ko na lang muna siya dahil alam ko kung saan hahantong ang diskusyunan namin.

Iniwan ko na si Cezil at nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Panay ang tawag naman niya sa ngunit hindi ko na ito pinansin. At nang maabutan niya ako ay hinaklit niya ang isang braso ko at umikot siya paharap sa akin.

"Do you still love her huh?"

"Yes!"

"Why her? I mean pareho naman kami pero bakit siya pa rin?"

"Dahil wala siyang katulad. At for your information magkaiba kayo"

"You love her that much? Seryoso niya akong tinitigan at ng hindi ako makasagot ay pilit naman siyang ngumiti sa akin.

"I love her, and I want her back. Hindi ko na alam pa ang magiging buhay ko kapag tuluyan na siyang nawala sa akin at sisiguraduhin kong siya na ang una at huli kong mamahalin." Matapos kong sabihin iyon ay nilagpasan ko na siya at tuluyan na siyang iniwan.

Pasado alas otse na ng gabi pero hindi pa rin bumabalik sila Kristine. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko. Alam kong sinasadya niya 'yon hindi sagutin dahil sa nakita niya kami ni Cezil magkausap. Matagal ng magkakompetensiya ang dalawa sa trabaho at siya rin ang madalas niyang pagselosan noong magkasintahan pa kami. At lalo na ngayon magkakatrabaho pa ang dalawa at si Cezil ang magiging endorser ng mga gawa ni Kristine.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now