CHAPTER 10

7 0 0
                                    

Nagising ako sa isang mabangong amoy na pumapasok sa loob ng aking kuwarto. Napabangon ako at isinuot ang aking roba bago ako lumabas ng aking kuwarto. Tinungo ko ang kusina at nakita ko si Mazer na nakasuot ng apron at abala sa kaniyang pagluluto. Napansin ko naman na may nakahain na sa lamesa na pagkain, napaawang ang aking labi ng makita ko na puro paborito ko ang mga niluto niya.

Nakasandal naman ako sa pader at pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Nakakamiss ang mga panahong pinagsisilbihan niya ako ng ganito. Parati niya akong pinagluluto sa condo ko sa tuwing magagawi siya roon o 'di kaya kapag ako naman ang pumupunta sa bahay niya. Gusto ko siyang yakapin sa kaniyang likuran na madalas kong ginagawa kapag pinagluluto niya ako. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko at hindi magpapatalo sa isinisigaw ng aking isip kahit na gustong-gusto ko na itong gawin.

Pagkaharap niya sa akin ay hinubad na niya ang suot niyang apron at inilagay sa ibabaw ng mesa. Lumapit siya sa akin at tinukod niya ang kamay niya pader at mataman akong tinitigan.

"Remember this?"

"Remember what?" pagmamaangan ko namang sagot sa kaniya.

"I cooked your favorite food"

"I didn't ask to cook for me"

"Gusto kitang pagsilbihan kaya ko ginagawa ito"

"Ang sabi ko driver,bodyguard at P.A lang kita. Wala naman akong sinabing magigig chef din kita"

"Kristine__" umalis ako sa puwesto ko at sa sink naman ako sumandal at pinag-krus ko ang aking mga braso.

"Why you're doing this? Para mabawasan ang kasalanan mo sa'kin?"

"It's because I loved you and I want you back sweety!" napapikit ako dahil sa klase ng tawag niya sa akin. Akmang lalapitan niya ako nang pigilan ko naman siya sa paghakbang niya.

"Stop right there! Hanggang diyan ka lang! napabuntong hininga na lang siya at seryoso akong tinitigan.

"Kahit na ano pang pagpapahirap at kasungitan ang gawin mo sa akin hindi ako tatablan niyan Kristine. Tulad ng sinabi ko sa'yo." Putol naman niya sa susunod niyang sasabihin at dahan-dahang lumapit sa akin. Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko at inilapit niya pa ang sarili niya sa akin. Hindi naman ako nagpahalata na kinakabahan at tinitigan ko naman siya na walang emosyon. Kailangan kong ipakita sa kan'ya na hindi ako basta-basta bibigay sa mga pang-aakit niya at mga salita niya. "Two weeks Kristine. Kung tutuusin nga mahaba pa 'yon eh." Ngumisi naman ako sa kaniya at saka bumulong.

"Anong akala mo sa'kin Mazer easy to get? Magdusa ka. Tabi nga!" sabay tulak ko sa kan'ya at umupo na sa hapag kainan. Tumabi naman siya sa akin at magsasandok na sana ako ng pagkain ng siya na gumawa nito.

"Let me." Hinayaan ko na lamang siyang gawin ito at hindi na nagsalita pa.

Hindi ko naman napansin na napaparami na pala ako ng kain. An totoo nito ay namiss ko talaga ang luto niya. Kadalasan ay si Leslie ang naguluto sa akin o 'di kaya naman ay nagpapadeliver na lang ako ng mga pagkain. Hindi rin naman kasi ako marunong magluto at isa pa wala rin akong oras na gawin pa 'yon.

Bago pa ulit ako sumubo ay napansin ko naman na nakahalumbaba siyang nakatingin sa akin at pinagmamasdan lang ang bawat galaw ko. Napahinto naman ako at tinaasan siya ng kilay.

"Wala ka bang balak kumain at panunuorin mo lang ba ako?"

"Mas gusto kong panuorin kang kumain. Pero mas gusto ko iyong pinapanuod mo akong kumain," ngumisi naman siya sa akin na ikinataka ko. Ilang saglit pa ay nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin. Pabagsak ko namang ibinaba ang hawak kong kubyertos at humalukipkip sa kan'ya.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now