CHAPTER 65

7 0 0
                                    

Dalawang beses na rin kami nakapag-celebrate ng birthday ni Kristine na hindi pa rin siya nagkakamalay. Anim na buwan na simula noong ikasal kami ay nagpasya na rin sila Marco at Franco na iuwi ko na lang si Kristine sa bahay. Nandito ulit kami sa bahay kung saan namin bubuuhin ang mga pangarap namin at magkakaroon ng maraming anak.

Parati ring nandito sila Macelyn kasama ang mga kambal at dito ko na rin pinatuloy si Mama Salve sa bahay namin ni Kristine. Sa tuwing darating ako galing sa trabaho ay parati ko siyang kinukuwentuhan sa mga nangyayari sa'kin sa araw-araw dahil mas mainam daw 'yon at mas mabilis ang kaniyang paggaling kung sakali man.

Nandito ako ngayon sa kuwarto namin at ako naman ang nag-aasikaso kay Kristine. Nag-file muna ako ng isang buwang bakasyon para mas lalo kong matutukan si Kristine tutal ay wala na rin namang masyadong gagawin sa opisina at isa pa ay naroon naman si Macelyn na siya ring may-ari ng kumpanya simula noong ibigay ko ang shares niya roon.

Kinuha ko ang photo album namin at nahiga sa kaniyang tabi. May mga nakakabit pa rin sa kaniya katulad ng sa ospital at kumuha na rin ako ng private nurse para may nag-aasikaso rin sa kaniya. At paminsan-minsan din ay dumadalaw ang kapatid niyang si Franco para imonitor naman siya.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang mga larawan namin ni Kristine noong nasa college pa lang kami. Hindi ko na rin inasahan na magkikita pa kaming muli dahil matagal na panahon din siyang nawala rito sa Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon ay si Kristine lang ang babaeng minahal ko at wala ng iba. Kung hindi lang si Kristine ang makakatuluyan ko ay mas maigi pang tumandang binata na lang ako dahil wala ng ibang babaeng papalit pa sa kaniya.

"Sweety remember this?" tukoy ko sa picture na magkasama kami. "Ito 'yong unang picture natin noong intrams. Naging muse ka pa nga rito 'di ba? Naalala ko pa no'n na lagi ka nilang kinukuhang muse pa'no ba naman kasi ikaw lang yata ang pinaka maganda sa buong campus. Tapos ang dami mo pang manliligaw noon kaya hindi rin ako makadiskarte sa'yo dahil halos lahat sila basted kaya natakot ako na baka ma-reject din ako tulad nila," natatawa ko namang kuwento sa kaniya.

Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay sa kaniyang mga labi naman. Wala pa ring katulad malambot pa rin ang mga labi niya magpa-hanggang ngayon at hindi ako magsasawang halikan siya hanggang sa pagtanda namin. Mapait naman akong ngumiti habang nakatitig sa kaniya at tulog na tulog pa rin. Walang nakakaalam kung kailan siya magigising, madalas sabihin sa'kin ng iba na isuko ko na siya pero para sa'kin ay kailanman hindi ko siya kayang isuko dahil naniniwala pa rin ako na babalik siya sa'kin at magiging masaya.

Dahil sa pakikipagkuwentuhan ko kay Kristine ay hindi ko namalayang nakatulog na ako na katabi ang photo album naming dalawa. Araw-araw kong pinapanalangin na sana paggising ko ay makita ko siyang nakamulat na ang mga mata at nakangiti sa'kin. Miss na miss ko na talaga siya lalo na ang mga ngiti niya na kailanman ay hindi ko nakalimutan.

Kunot noo akong nagising dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa aking mukha. Dahan-dahan naman akong tumayo sa aking higaan at bumaba sa kama, tiningnan ko muna ang wall clock na nasa aking harapan at alas-otse na ng umaga. Medyo tinanghali ako ng gising dahil mukhang napasarap 'ata ang tulog ko kagabi. Maglalakad na sana ako patungo sa banyo nang may mapansin akong kakaiba kaya naman dahan-dahan akong pumihit paharap sa aming kama at nakita kong wala na roon si Kristine. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad kong nilapitan ang machine na nakakabit sa kan'ya at nakita kong nakapatay na ito.

Iisa lang ang ibig sabihin nito nagising na si Kristine. Kaagad akong lumabas sa aming kuwarto at hinanap siya. Una akong nagtungo sa library at bumaba naman ako at nagtungo sa pool pero wala rin siya roon. Hindi ko rin makita sina Rhodora at Mang Domeng na siyang kasama namin dito sa bahay. Bahagya ko pang ginulo ang aking buhok at tumingala at malakas na bumuntong hininga. Iniisip ko na lang na kaya hindi niya ako ginising ay baka dahil umalis na lang siya nang tuluyan dahil galit siya sa'kin sa pananakit na ginawa ko sa kan'ya.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon