CHAPTER 6

7 0 0
                                    

"Nana Lumen nandiyan na po ba lahat ng mga gamit ko?" Tanong ko sa kaniya habang pababa ako sa hagdanan at dala pa ang isang maleta.

"Oo hijo kumpleto na walang labis walang kulang," masayang saad niya sa akin.

"Nana Lumen ayos lang po ba na mag-isa kayo rito? Baka kasi matagalan ako roon nag-aalala ako sa inyo"

"Naku hijo huwag mo akong alalahanin at kaya ko naman ang sarili ko at isa pa nariyan naman si Domeng kaya may kasama pa rin ako," tukoy niya sa aming hardinero.

"Sige Nana Lumen kapag nagkaroon ng problema tumawag kayo kaagad sa akin ha? Saka padadalawin ko kayo kay Macelyn para naman hindi kayo nalulungkot"

"Naku ikaw talagang bata ka! Ayos lang ako rito, at masaya ako kasi sa wakas magkikita na kayo ni Kristine," nakangiting sambit niya.

"Oo nga po Nana Lumen eh, pagdating ko 'don yayakapin ko siyang kaagad kapag nakita ko siya. Sana lang Nana Lumen mapatawad niya 'ko"

"Mazer, mabait si Kristine at alam kong mapapatawad ka niya at maiintindihan ka niya." Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at maya-maya ay niyakap siya.

"Hindi ko alam ang gagawin ko Nana Lumen kapag wala ka." Napaka-swerte namin ni Macelyn kasi hanggang ngayon ay inaalagan pa rin kami ni Nana Lumen kahit na nagkaroon na rin ng sariling pamilya si Macelyn. Paminsan-minsan ay siya rin ang nag-aalaga kay Jk at Madeline kapag nagagawin naman si Nana Lumen sa bahay nila.

"Alam mo naman anak na hindi ko kayo pababayaan ng kapatid mo hangga't nabubuhay ako," kumalas naman ako sa pagkakayakap at hinarap siya.

"Nana Lumen mabubuhay pa kayo ng matagal at maaabutan niyo pa ang magiging anak namin ni Kristine"

"Naku Mazer bilis-bilisan mo baka mainip ako at mawala na lang ako na parang bula," natatawa niya sabi sa akin. Samantalang ako naman ay seryoso siyang tinitigan. "O hijo bakit?"

"Nana Lumen, huwag mo kami iiwan ni Mace ha?"

"Ano ka bang bata ka? Saan naman ako pupunta?"

"Promise me Nana Lumen. If ever na kailangan mo ng umalis please Nana Lumen magpapaalam ka sa amin ha?" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon sa kaniya. Pero iba ang pakiramdam ko lalo na't parati siyang nagbibilin sa amin ng kung ano-ano na hindi ko na lamang pinapansin.

"Huwag kang mag-alala hijo hindi ko kayo iiwan ni Mace, dahil ako pa ang mag-aalaga sa magiging anak niyo ni Kristine," natawa naman ako dahil sa tinuran ni Nana Lumen.

"Sige po Nana Lumen aalis na rin ako baka kasi mahuli na ako sa flight ko eh"

"O sige hijo mag-iingat ka ha? At saka ikumusta mo ako kay Kristine, pag-uwi niyo rito ipagluluto ko kayo ng masarap at 'yong paborito niyang kaldereta"

"Sige po sasabihin ko sa kaniya." Pagkasabi kong iyon ay hinatid niya lang ako sa labas ng gate at tumawag na lang ako ng taxi papuntang airport.

Nang makarating na ako sa airport ay naupo muna ako sa waiting area habang naghihintay ng flight ko. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag-browse muna saglit sa aking social media account. Natigilan naman ako ng may mahagip ako sa aking social media account. Si Kristine at ang sikat na model na si Wilfred Carmeletti ay mayroon daw na namamagitan sa kanila. At dahil sa inis ay inilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at malakas na bumuntong hininga.

"That's not true, alam ko ako pa rin Kristine," bulong ko sa aking sarili.

Ilang oras din ang binyahe ko at nakarating na rin ako ng France. Binigay naman sa akin ni Macelyn ang address ni Kristine kung saan siya tumutuloy. Dahil noong magkahiwalay kami ay binigay niya kay Macelyn ang address niya kung sakali raw puntahan ko siya. Hindi naman ako nahirapang hanapin 'yon dahil marunong din naman akong magsalita ng lenguwahe nila at dahil na rin sa aking trabaho na iba't-ibang businessman na nakakasalamuha ko.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon