CHAPTER 54

5 0 0
                                    

Inaayos ko na ang mga gamit ko rito sa aking opisina at handa na akong umalis para puntahan si Kristine. Namimiss ko na siya at kahit makita ko lamang siya sa malayo ay ayos na sa akin, tutal ay malapit ko na rin naman malaman ang katotohanan at hindi ako magdadalawang isip na ipakulong si Jillian.

Palabas na sana ako ng aking opisina nang pumasok naman si Seff. Seryoso ang mukha nito at lumapit sa aking kinaroroonan. Bago pa siya magsalita ay nagpakawala muna ito nang malakas na buntong hininga at saka ako hinarap.

"Dude," ani Seff.

"What is it? May problema ba?"

"Feeling ko nakakahalata na 'yong tauhan ni Jillian"

"What do you mean?"

"Kasi noong umalis ako kanina para pumunta sa meeting, walang sumunod sa'kin pakiramdam ko may alam na sila. Kaya dude mag-iingat ka dahil baka nakakahalata na si Jillian sa mga kinikilos mo," wika niya sa'kin.

Napahilot na lang ako sa aking batok at matamang nag-isip kung paano naman ako makakaalis rito ng walang sagabal sa'kin. Bigla namang pumasok si Lyka at halatang pauwi na rin ito. Taka siyang nakatitig sa amin ni Seff nang mapansin naman niya na nakatitig din kami sa kaniya.

"Alam kong maganda ako sir pero huwag naman masyadong gan'yan makatitig sa'kin." Napa-irap na lang ako at malakas na bumuga sa hangin dahil sa sinabing iyon ni Lyka.

"Hoy Lyka! Nananaginip ka yata ng gising d'yan, si Kristine lang ang maganda sa paningin ni sir!"

"Alam ko 'yon! Ano ba kasing meron bakit ganiyan kayo makatitig sa'kin?"

"Can I borrow your car?" walang paligoy-ligoy kong saad kay Lyka.

"Bakit? Saka may sasakyan ka naman ah"

"Please Lyka this is urgent." Matagal bago siya nakasagot at pinag krus niya pa ang kaniyang mga braso. "Okay! Dadagdagan ko ang suweldo mo sa katapusan nitong buwan"

"Call!" Sabay pitik naman niya sa ere.

"Ayon, may kapalit pala," pang-aasar ni Seff.

"Syempre naman 'no hindi pa kaya bayad 'yon. Ito pala ang susi sir," sabay kuha ko naman ng susi kay Lyka.

Pinauna ko na muna silang makaalis para malaman kung kaninong sasakyan ang susundan ng mga pinadalang tauhan ni Jillian. Nasa parking lot ako nang tumawag naman sa akin si Lyka na siyang may gamit ng aking sasakyan. Hindi nga nagkamali nang hinala si Seff na nakakhalata na ang tauhan ni Jillian sa amin at mabuti na lamang ay naisipan kong hiramin ang sasakyan ni Lyka kahit ngayong araw lang.

"Sir kanina pa po may sumusunod sa'kin, ito na siguro 'yong sinasabi mo kanina"

"Yes Lyka sila nga 'yan. Ikaw na muna ang bahala may pupuntahan lang ako sandali." Pagkasabi kong iyon ay kaagad akong sumakay sa sasakyan at umalis na.

Nagtungo ako sa bahay ni Krstine at ipinark ko na lang ang kotse sa 'di kalayuan sa bahay niya para lang masilayan ko siya kahit na nasa malayo siya. Pansin ko ang kaniyang sasakyan na nakaparada sa labas at natitiyak kong naroon na si Kristine.

Hindi na rin ako nag-atubiling magtagal pa roon dahil malabong makita ko na siya at dahil na rin sa masyado nang malalim sa gabi. Binuksan ko na ang engine ng kotse at aalis na sana ako nang mamataan ko naman ang isang lalaki na papalabas ng bahay at nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita si Kristine na lumabas din doon.

Mahigpit akong napakapit sa manibela habang nakamasid ako sa kanila at tila masaya pa si Kristine na kasama niya ang doctor na 'yon. Hinatid niya pa si Kristine sa tapat ng bahay niya at hindi muna ito pumasok sa loob.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now