CHAPTER 43

7 0 0
                                    

"Mama Tin!" Sinalubong ako ni Madeline habang siya'y umiiyak at mabilis na yumakap sa akin.

Lumapit naman sa akin si Mace karga ang dalawang taon niyang anak na si Mavi. Hinarap ko si Madeline at pinunasan ang kaniyang mga luha at ngumiti sa kaniya.

"Hey baby Madie what happened?"

"Kanina ko pa nga siya tinatanong Tin kung bakit bigla na lang siyang umiyak ayaw naman niyang sabihin sa akin," wika sa akin ni Mace.

"May umaway ba sa baby namin?"

"Tita Jillian accuse me that I push Art but I won't do anything to him I was playing by myself and I hear him crying. Nilapitan ko siya and I saw him lay down on the floor. Tita Jillian saw that at akala niya tinulak ko si Art," umiiyak na kuwento ni Madeline.

Napapikit naman ako at sinulyapan si Macelyn na gulat na gulat din sa sinabi ng kaniyang anak. Tumayo ako at hinarap si Macelyn dahil baka mamaya ay sinaktan niya si Madeline kaya siya iyak nang iyak.

"Ano bang ugali niyang hipag mo na 'yan Mace?" inis kong wika sa kaniya.

"Actually Tin hindi naman kami madalas nag-uusap no'n at palaging si kuya lang naman ang kinakausap ko. I tried to be close to her pero mukhang ayaw naman din niya"

"Kapal ng mukha," bulong ko.

Maya-maya pa ay nakita naman naming paparating si Jillian at karga niya ang anak nila ni Mazer. Tumaas ang isang kilay ko at napatingin ako kay Madeline na nagtago pa sa likod ng kaniyang ina.

"Oh hi nandito ka pala Kristine," nakangiting bati niya.

"What did you do to Madeline?"

"Wala naman akong ginagawa sa kaniya ah"

"Pinagbintangan mo raw siya na tinulak niya ang anak mo," galit kong sambit sa kaniya at ngumisi pa siya.

"Hindi ko siya pinagbibintangan dahil nakita ko na nakahiga na sa sahig ang anak ko"

"Nakita mo ba na tinulak niya 'yang anak mo?" Hindi siya nagsalita at umiwas sa akin nang tingin.

Maya-maya pa ay dumating naman si Mazer at tila kagagaling lang ito sa opisina. Taka niya kaming tinitigan at kaagad naman siyang lumapit kay Jillian at hinalikan ang kaniyang asawa at anak. Napaiwas ako nang tingin at napakuyom ng palad dahil sa aking nasaksihan. Hindi ko pa talaga kaya ang kalimutan siya hangga't nakikita ko pa rin siya ay lalo akong mahihirapan na kalimutan siya.

"What's happening here?" kunot-noong wika ni Mazer.

"H-hon, pinagsabihan ko lang naman si Madeline na huwag niyang awayin si Arthur tapos nasumbong na siya sa mama niya at kay Kristine"

"No! You never said anything to me! You accuse me that I push him! Pinalo mo pa nga ako ng tatlong beses sa puwet eh," umiiyak na sabi ni Madeline habang nakayakap sa kaniyang ina.

'How dare you Jillian! Sana tinanong mo muna 'yong bata kung ano ang nangyari hindi 'yong pinapalo mo na lang siya!" galit na saad ni Macelyn.

"Hey talk about this in a calm way okay?" wika ni Mazer at nakatingin sa akin.

Binalingan naman niya si Madeline at lumapit pa siya rito habang nakayakap naman si Madeline sa bewang ng kaniyang ina.

"Madeline totoo ba 'yong sinasabi ni Tita Jillian na tinulak mo raw si Art?"

"I never did Papa Mazer"

"E bakit siya nakahiga noong nakita ko siya tapos iyak siya nang iyak?!"

"Stop it Jillian!" sigaw ni Mazer na ikinatahimik naming lahat.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now