CHAPTER 45

5 0 0
                                    

Mazer POV:

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at nakita ko ang aking sarili na nasa isang ospital. Tiningnan ko ang kanang kamay ko at may nakakabit naman itong dextrose. Pumikit ako sandali at pilit na inaalala ang nangyari, ang naalala ko ay sumakit ang aking ulo at nawalan na lang akong bigla nang malay.

Muli akong dumilat at naalala naman si Kristine. Alam kong nag-aalala na siya sa akin at tiyak hinahanap na ako. Naaalala ko na ang lahat lahat sa akin pati ang tunay kong pagkatao at kung sino ang parati kong nakikita sa aking panaginip at kahit saan iyon ay walang iba kung hindi si Kristine.

Akmang tatayo na sana ako nang makarinig naman ako ng tila nag-uusap sa labas at boses iyon ni Jillian. Nakita kong bumukas ang pintuan at muli ko naman ipinikit ang aking mga mata at nagkunwaring wala pa ring malay. Gusto kong malaman ang totoo kung bakit nagpanggap si Jillian na nabuntis ko.

"Doc kumusta na ang lagay ni Mazer?" narinig kong tanong ni Jillian.

"Well, he's fine. Hintayin na lang natin siyang magkamalay"

"Sa tingin mo ba doc bumabalik na ang memory niya?"

"Hindi ko pa masasabi 'yan hangga't hindi pa siya nagigising at isa pa pinapainom mo ba 'yong mga gamot na binigay ko sa'yo?"

"Lahat ng gamot na binibigay mo pinapainom ko sa kan'ya na alam niyang makakabuti sa paggaling niya. Ang hindi niya alam mas hindi pa siya makakaalala ro'n at wala akong balak na gumaling pa siya." Napakuyom ako ng aking palad dahil sa sinabi ni Jillian.

Sinasabi ko na nga ba na may masamang balak siya sa akin kaya pala kapag hindi ako nakakainom ng gamot ay madalas sumakit ang ulo ko at may mga naaalala ako ng hindi ko naman pinipilit alalahanin.

Mabuti na lamang at nagpasya na akong hindi na inumin ang mga gamot na ibinibigay niya sa akin. Kung sakali mang siya ang nagpapainom sa akin ay hindi ko ito iniinom at iniluluwa ko ito kapag hindi na siya nakaharap sa'kin.

"Ano na ang plano mo ngayon?" tanong sa kaniya ng doctor.

"Hindi ko hahayaang makaalala pa siya at kung sakali man na mangyari 'yon, sisiguraduhin kong nasa pangalan na namin ng anak ko ang lahat ng ari-arian niya"

"Teka lang Jillian, you mean hindi pa kayo kasal ni Mazer?" narinig ko pa ang pagtawa niya nang mahina na lalo kong ikinainis.

Kapag kaharap ko siya mukha siyang maamong tupa at 'di makabasag pinggan. Pero sa tono ng kaniyang pananalita ay asal demonyo pala siya.

"Hindi kami kasal, fake lang 'yon dahil ang gusto kong mangyari ay ikasal kami sa mismong simbahan. Syempre pipiliin ko na ang engrandeng kasal 'no at dapat sa araw na 'yon ay wala pa rin siyang maalala"

"Kaya dapat ipagpatuloy mo lang pagpapainom sa kan'ya ng mga gamot na binibigay ko sa'yo"

"Salamat sa mga gamot na 'yon dahil hanggang ngayon tanga pa rin siya at hindi ko na hahayaan pa na bumalik siya sa dati niyang kasintahan dahil kapag nagkataon, sisiguraduhin kong hindi sila magiging maligaya kailanman at papatayin ko silang pareho kung hindi lang din mapupunta sa akin ng tuluyan si Mazer." Gusto kong dumilat at ipaalam na kay Jillian ang lahat pero may naisip akong paraan para makaganti sa lahat nang ginawa niya sa akin lalo na kay Kristine na alam kong nagdudusa na ngayon.

"Basta huwag mo lang akong kalimutan alam mo naman siguro ang mangyayari kapag binigo mo ako"

"Huwang kang mag-alala Doctor Romualdez, hindi ko makakalimutan ang tulong na binigay mo sa'kin." Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nila at pagkuwa'y lumabas muna sila sa kuwarto.

Dumilat ako at tiningnan ang pintuan at malakas akong napabuntong hininga. Hindi ko natatandaan ang mukha ni Jillian kung isa ba siya sa mga naging sekretarya ko na tinanggal noon dahil sa pang-aakit nila sa akin.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon