CHAPTER 26

5 0 0
                                    

Sweety sure ka ba na ayos lang iwan kita sa bahay?" nag-aalalang tanong ni Mazer. Nasa airport na kami dahil may biglaang event naman siyang dadalohan para sa kanilang kumpanya.

"Ano ka ba my heart ayos lang naman ako saka kasama ko naman si mang Domeng sa bahay at iyong isang anak niya na si Rhodora." Sadyang kinuha na rin ni Mazer ang anak ni mang Domeng bago siya umalis dahil ayaw niya akong iwan na walang kasama sa bahay.

"Okay sige kapag may problema tumawag ka kaagad sa akin okay? Saka 'wag ka magpakapagod sa trabaho mo kaya lagi kang nahihilo dahil masyado kang workaholic eh"

"Opo," natatawa kong turan sa kan'ya.

"Behave ka ha? Saka gusto ko kahit busy ako parati mo 'ko itetext o kaya ichachat para mabasa ko kapag tapos na 'ko sa trabaho ko"

"Mazer one week ka lang naman mawawala hindi isang taon," napaikot na lang ang mata ko at napapailing na lang sa kan'ya.

"Kahit na ayoko kasing mamiss kita masyado eh"

"Opo oras-oras magchachat ako sa'yo." Pagkasabi kong iyon ay niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang aking buhok.

Hindi ko alam ang pakiramdam ko ngayon para akong maiiyak simula noong malaman kong aalis si Mazer para sa kaniyang business events. Hindi naman ako ganito dati at gusto ko ay palagi lang siyang nasa tabi ko. May mga oras pa nga na pumupunta ako mismo sa kaniyang opisina para makita siya at dalhan siya ng mga paborito niyang pagkain na natutunan kong lutuin kay Mace. Ngayon lang ulit kami magkakahiwalay at pakiramdam ko ay isang taon na para sa akin. Naramdaman naman ni Mazer ang aking paghikbi kaya bigla siyang kumalas sa akin ng pagkakayakap.

"Hey sweety why are you crying?" Pinunasan naman niya ang aking mga luha pero patuloy pa rin itong bumabagsak sa aking pisngi.

"Sumama na lang kaya ako sa'yo? I promise I'll behave," garalgal kong wika sa kan'ya.

"Sweety ikaw na ang nagsabi na isang linggo lang naman ako do'n pero ikaw pa yata ang sobra makamiss sa'kin," nakangiti niyang wika.

"Ikaw ang magbehave Mazer ah! Kapag may nabalitaan akong may umaaligid sa'yo do'n hihiwalayan talaga kita walang kasal na magaganap!" sinamaan ko siya ng tingin pero nakatitig lang siya sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi at at hinalikan ako sa noo.

"Ikaw lang po at wala ng iba because you are my last love sweety." Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ayoko na siyang pakawalan pa. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin siya dahil kailangan na niyang umalis.

Habang naglalakad naman ako palabas ng airport at para rin magtungo na sa aking sasakyan ay biglang kumirot ang aking tiyan kaya bigla akong napakapit sa poste at kinagat ko pa ang aking ibabang labi. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili at para medyo mawala ang sakit na nararamdaman ko. Siguro ay kailangan ko na rin magpatingin sa doctor dahil parang may hindi na tama sa akin madalas ko itong nararamdaman ngunit hindi ko lamang ito pinapansin kaya bukas na bukas ay pupunta ako ng ospital upang magpatingin.

Nang makarating na ako sa bahay ay pinagbuksan naman ako ng gate ni mang Domeng na siyang hardinero namin at matagal na ring namamasukan kay Mazer. Binati niya ako at dumeretso ako sa kusina at naabutan ko naman si Rhodora na naghahanda na ng aming hapunan. Tinignan ko ang wall clock at pasado alas-sais na pala ng gabi. Kinuha ko ang aking telepono sa pouch bag ko at nag-iwan ng mensahe kay Mazer.

"Ate Kristine kain na po kayo," yaya sa akin ni Rhodora. Lumapit ako sa hapag at naupo na.

"Tawagin mo si mang Domeng sumabay na rin kayo kumain sa akin"

"Naku ate mamaya na lang po kami nakakahiya naman po"

"Ano ka ba Rhodora nakakalungkot naman kumain mag-isa kaya sige na sabayan niyo na ako," nakanguso kong turan sa kan'ya.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now