CHAPTER 47

4 0 0
                                    

"Kuya how could you do this to her?!" sigaw ni Macelyn sa akin.

Kinuwento ko sa kaniya lahat-lahat simula noong bumalik na ang aking alaala at sinabi na huwag muna niya itong babanggitin kay Kristine hangga't hindi ko pa nalalaman ang totoo. Kung mahirap kay Kristine, mas mahirap sa'kn dahil unti-unti ko siyang pinapahirapan at sinasaktan.

"Please Mace, mahirap din para sa'kin ito. Ginagawa ko ito para sa ikakabuti ni Kristine"

"Ikakabuti kuya? Look at her! She's in so much pain! Alam mo kung ano pa 'yong mas masakit ha kuya? Iyong araw na nawala ang anak niyo ni Tin!" Mabilis akong napatingin sa kaniya pagkasabi niyang iyon.

So totoo ngang nalaglag ang magiging anak sana namin ni Kristine. Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha at tumayo sa aking kinauupuan.

"Sinoli sa'kin ni Kristine ang bahay na pinundar ko para sa aming dalawa," malungkot kong tugon.

"Dahil gusto ka na niyang kalimutan kuya. Kung gusto mong makita ang anak niyo pumunta ka sa sementeryo malapit sa puntod nila mama at papa." Padabog siyang tumayo at tuluyan nang lumabas ng aking opisina.

Naiwan naman akong tulala at iniisip ang sana'y magiging anak namin ni Kristine. Hindi ko lubos maisip na sobra palang hirap ang dinanas niya noong mawala ako at kasabay naman noon ay ang pagkawala ng magiging anak namin.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako at pabagsak akong naupo sa sofa at niluwagan ko pa ang aking neck tie dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa mga oras na ito.

Kasalanan ito ni Jillian, kaya gusto ko nang malaman ang mga pinaimbestigahan ko para matapos na rin ang pananakit ko kay Kristine at tuluyan na akong makabalik sa kaniya. Gusto ko na ring mahanap ang mga magulang niya dahil alam kong iyon ang matagal na niyang pangarap ang makilala lang ang mga ito kahit hindi siya kilalanin bilang anak.

Inilihim ko ito at maging si Mother Perfecta ay kinausap ko na huwag sabihin kay Kristine na ako ang tumutulong sa kaniya upang mahanap ang kaniyang mga magulang. Minamadali ko na ito at ayoko nang patagalin pa dahil habang nakikita kong nasasaktan si Kristine dahil sa kagagawan ko ay unti-unti namang dinudurog itong puso ko.

Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at mabilis na lumabas ng aking opisina. Nakasalubong ko pa si Seff at hindi ko na siya pinansin dahil gusto kong makita kung saan nakalibing ang aking anak.

"Sir, may meeting ka pa!" sigaw niya nang malagpasan ko siya.

"Cancel all my meetings!" tugon ko naman.

Mabilis naman akong nakarating sa sementeryo at hinanap kung saan ang puntod ng anak namin ni Kristine. Napahinto ako at binasa ang lapida na medyo malapit kung saan naman nakalibing ang aking mga magulang.

Bigla akong napaluha pagkatapos kong mabasa ang pangalan ng anak ko at naupo sa harap no'n. Hinaplos ko ang lapida at napabaling ang tingin ko sa laruan na naroroon. Kinuha ko ito at niyakap na para bang anak ko ang aking kayakap.

"A-anak," garalgal kong wika. "Please forgive your daddy. I'm so sorry if I hurt your mom, dahil sa'kin nawala ka ng tuluyan at hindi nailuwal sa mundong ito. Patawarin mo 'ko baby Ace," umiiyak kong turan.

Sapo ko ang aking mukha at humagulgol nang humagulgol. Hindi ko alintana kung may makakita man sa akin o makita ako kung sino man ang sumusunod sa akin ngayon. Alam kong kahit saan ay pinapasundan ako ni Jillian at kailangan maging maingat ang bawat kinikilos ko. Pero ngayon ay anak ko na ang pinag-uusapan kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong damdamin.

Pinapangako ko sa aking sarili na oras na matapos ko ang kinakaharap ko ngayon at naipakulong ko si Jillian ay kaagad akong babalik kay Kristine at ipaliliwanag sa kaniya ang lahat. Alam kong hindi gano'n kadali yo'n pero gagawin ko ang lahat tulad ng dati mapatawad lang niya ako at handa akong magsakripisyo alang-alang sa aming dalawa.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now