CHAPTER 44

9 0 0
                                    


Nasa meeting ako ngayon pero wala roon ang aking atensyon. Kanina pa ako ganito at iniisip ang nangyari sa bahay. Alam kong hindi magagawa iyon ni Madeline kay Arthur. Napasandal ako sa aking upuan at napapikit, napansin naman ito ni Seff na nasa aking tabi lamang.

"Sir, may problema ba?" mahinang wika sa akin ni Seff.

Binalingan ko siya at umayos nang upo. "W-wala naman may iniisip lang ako.

Pagkatapos ng aming meeting ay kaagad ako dumeretso sa aking opisina at pabagsak na naupo sa aking swivel chair. Hinilot ko ang aking sentido at hindi ko namalayan na nasa aking harapan na pala si Seff.

"Hey any problem? Kanina ka pa kasi gan'yan eh"

"May iniisip lang ako"

"Si Jillian?" Bumuntong hininga ako at pinagmasdan naman ang larawan ni Jillian at Arthur sa kaliwang bahagi ng aking mesa.

"Madeline hates me so much Seff. She didn't talk to me again after what happened in the fast food"

"Bakit hindi mo ibalik 'yong dati? Iyong closeness niyo ng mga pamangkin mo?" Sandali akong natahimik at pagkuwa'y muli siyang binalingan.

"Soon Seff." Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na rin si Seff.

Binuksan ko ang aking drawer at kinuha roon ang picture ni Kristine. Mapait akong napangiti dahil alam ko na sobra-sobra ko siyang nasasaktan. Hindi tama itong ginagawa kong pagpapahirap sa kaniya pero wala akong magawa kun'di ang piliing saktan siya.

"Just wait, I just need to confirm something," bulong ko sa aking sarili.

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko naman na nasa kusina si Macelyn at nagtitimpla ng gatas. Umupo muna ako at napansin niya ako kaya umupo na rin siya sa aking tabi.

"You want coffee kuya?"

"Yes please." Pinagtimpla niya ako ng kape at nuling naupo sa aking tabi.

Pareho kaming tahimik at wati ko'y hinihintay lang niya akong magsalita. Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.

"Kuya, " tawag niya sa akin kaya nag-angat ko nang tingin sa kan'ya.

"Yes Mace?"

"Kahit katiting ba wala kang naaalala kay Kristine?"

"W-what do you mean?"

"Hanggang ngayon kuya hindi nawala ang pagmamahal niya sa'yo kahit na alam niyang may pamilya ka na. Pinili niyang saktan ang sarili niya kaysa siya ang manakit." Napayuko ako at mahigpit kong nahawakan ang aking tasa.

"Nagkaroon ba kami ng anak ni Kristine?" wika ko nang nakayuko.

"She didn't know that she's pregnant that time. Noong panahong hinahanap ka namin at sinabing hindi pa nakikita ang katawan mo nalaglag ang magiging anak niyo sana." Kasabay naman nang pagkasabi niyang iyon ay pagbagsak naman ng aking luha.

Nanikip bigla ang aking dibdib ahil hindi ko inaasahan na ganoon pala ang nangyari sa kaniya makalipas ang dalawang taon.

"I-I'm s-sorry," garalgal kong wika sa kaniya.

"Sobra siyang nasaktan kuya lalo na noong dumating ka rito at may asawa ka na"

"Mace, someday I'll explain it to you"

"Why kuya? Ano pa ba ang hindi namin alam? Si Jillian na ba talaga ang tinitibok niyang puso mo? Alam kong wala ka pang naaalala kuya pero pakinggan mo 'yang tibok ng puso mo hindi iyong kung sino lang ang naaalala mo." Pagkasabi niyang iyon ay tumayo na siya at naiwan naman ako.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now