CAHPTER 35

5 0 0
                                    

"What?! Are you sure Kristine na anak nga ni Mazer 'yon? At isa pa kasal ba talaga sila?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Leslie. Nandito kami ngayon sa aking opisina at ikinuwento sa kan'ya ang nangyari sa pagitan namin.

Nakasandal ako sa aking swivel chair at mahinang hinihilot ang aking sentido. Hindi ko na sinabi sa kan'ya na naospital ako dahil malamang sesermonan na naman niya ako. Sinulyapan ko siya at mataman naman siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang aking isasagot.

"Meron siyang DNA test ng anak nila at totoong anak niya 'yon Les," walang gana kong wika sa kan'ya.

"How about you Kristine? Paano na kayo ni Mazer?"

"It's over. Kahit naman ipaglaban ko pa siya wala na akong magagawa. Naisip ko kasi na ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kan'ya gayong hindi na ako ang nasa puso niya"

"My god Kristine! may amnesia si Mazer hindi ka niya maalala kaya iba ang mahal niya ngayon. Kapag naalala ka niya babalik siya sa'yo." Tinignan ko muna siya at ngumiti sa kan'ya ng tipid.

"I want to move on Les. I'm tired, I'm tired of loving him. I'm tired thinking of him. Pagod na 'ko sa lahat Les. Parang gusto ko na ngang dukutin itong puso ko at itapon na lang para hindi ko na maramdaman ang sakit. Pagod na 'ko masaktan Leslie! Pagod na pagod na 'ko!" umiiyak kong turan at sinuntok ko pa ang aking dibdib.

Kaagad naman niya akong dinalohan at niyakap sa aking likuran habang ako nama'y nakaupo. Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala noong panahong mawala siya. Hindi ako sumuko sa paghahanap sa kan'ya at umaasa na buhay pa siya. Pero ngayon gusto ko na sumuko dahil hindi na ako ang mahal niya at nagpapasaya sa kaniya.

Ginugol ko ang atensyon ko sa pagtatrabaho para hindi maisip si Mazer. Paminsan-minsan ay malalim na sa gabi kung umuwi ako at gigising naman ako para pumasok ulit sa aking opisina. Hindi na rin kami madalas nagkikita ni Macelyn dahil sa totoo lang ayoko na munang marinig ang tungkol kay Mazer at sa pagtataksil na ginawa niya sa akin.

Maaga naman natapos ang trabaho ko at nagpaalam na rin si Leslie sa akin na mauuna nang umuwi, nagliligpit na ako ng aking mga gamit at binuksan ko naman ang aking drawer para ilagay doon ang iba pang files nang makita ko ang picture naming dalawa noong nasa France kami.

Kinuha ko ito at pinaka titigan. Bigla namang may tumulong luha sa aking pisngi at mahigpit kong hinawakan ang litrato. Pinunit ko ito at itinapon sa basurahan. Malakas akong napatukod sa aking lamesa at ang isang kamay ko ay sapo ang aking dibdib. Dahil sa sakit na nadarama ko ay hindi ko na napigilan pang mapahagulgol. Ang iyak na ilang araw kong kinimkim ay muli ko ulit nailabas.

Akala ko ay okay na ako, hindi pa pala. Sadyang mahihirapan akong gamutin ang sugat na si Mazer ang may gawa at tanging siya lang ang magpapagaling nito. Ilang minuto pa ako na nasa ganoong ayos ay nagpasya na rin akong umalis. Inayos ko muna ang aking sarili bago ako lumabas sa aking opisina.

Kasalukuyang nagmamaneho ako nang mahagip naman ng aking paningin ang isang madre na tumatawid sa kalsada. Naisip kong bigla ang ampunan kung saan ako iniwan ng mga magulang ko at kung saan din ako lumaki. Nagpasya akong dalawin muna ang mga madre na ngsilbing mga magulang ko noon.

Bago ako dumeretso roon ay nagtungo muna ako sa isang flower shop upang bumili ng mga bulaklak para ibigay kay Mother Perfecta. Napangiti naman ako dahil tiyak magugustuhan niya ito pag nakita niya ang mga paborito niyang mga bulaklak.

Pagtapat ko sa malaking gate ng ampunan ay nilapitan naman ako ng guwardiya at ibinaba ko ang salamin ng aking kotse.

"Ma'am sino po ang hinahanap niyo?" tanong sa akin ng guard.

"Dadalawin ko sana si Mother Perfecta, nariyan pa ba siya?"

"Sino po sila ma'am?"

"Pakisabi si Kristine Veinezz." Umalis muna siya saglit at nagpunta sa guard house at may tinawagan. Ilang sandali pa ay kaagad siyang bumalik.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now