CHAPTER 70 SPG

11 0 0
                                    

Naging masaya ang pagsasama namin ni Mazer sa mga lumipas na buwan. Kinausap ko siya na kung puwede na akong bumalik sa trabaho ko tutal ay ilang buwan na rin naman akong nakapahinga at isa pa magaling na rin naman ako. Napagkasunduan namin na babalik ako sa trabaho kapag nabuntis na ako sa panganay namin at nanganak. Sinubukan naming magka-anak ni Mazer pero sadyang hindi pa yata napapanahon para biyayaan kami ng anak.

Nalulungkot ako kapag dumadating ang buwanang dalaw ko dahil parati akong nag-eexpect na magkakaroon na kami ng anak. Alam kong sabik na sabik na si Mazer na magkaroon ng anak dahil ito ang parati niyang binabanggit sa'kin. Ako rin naman ay gusto ko na magkaroon ng munting anghel para kahit papaano ay mapasaya ko ang asawa ko at mabuo na ang aming pamilya.

Kasalukuyang nag-aayos ako ng aming kuwarto at maaga namang pumasok si Mazer sa kaniyang opisina at si Rhodora naman ay pumasok na rin sa kaniyang school. Naging abala na rin si mama sa kaniyang negosyo ngayon at masaya naman ako dahil nakikita kong masaya naman siya sa kaniyang ginagawa.

Inaayos ko ang mga damit ng asawa ko at binuksan ko pa ang drawer niya nang may makita akong isang puting sobre roon. Ipinilig ko pa ang ulo ko dahil tanging iyon lamang ang nakalagay roon at wala ng iba. Kinuha ko ito at tiningnan kung may nakasulat ba sa labas ng sobre.

"To Ate Kristine?" Basa ko sa nakasulat sa may bandang ibaba roon. "It's for me, kanino naman kaya galing ito?" wika ko sa aking sarili.

Lumabas muna ako sa aming walk-in closet at naupo sa dulo ng kama at sinimulang buksan ang sobre. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako nang kaba habang binubuksan ito at tila nanginginig pa ang aking mga kamay.

"Hi ate, I just want to say I'm happy because I met you. Thank you for everything, for taking care of me at minahal mo 'ko kahit na maikling panahon pa lang tayong nagkakasama. Naramdaman ko 'yon ate sa tuwing inaalagaan mo 'ko. Ate, kung mabasa mo man ito siguro ay nasa malayong lugar na ako, sa tahimik at hindi na nakakaramdam ng ano mang sakit. Sana mabasa mo ito kapag nagising ka na at sana huwag kang malungkot dahil matagal ko namang alam na hindi na talaga ako magtatagal, gustuhin ko mang hintayin kang magising pero hinihintay na ako sa itaas. Salamat ate sa konting panahon na nagkasama tayo kahit na maikli man 'yon ay wala akong pinagsisisihan at sobrang suwerte ko sa inyo ni Mama. Please take care of our mom ate, iyan na lang ang huling kahilingan ko sa'yo at sana dumating na ang araw na muli kang maging masaya sa piling ng taong lubos mong minahal. I love you Ate Kristine, always and forever. Love, Monalisa "Isay" Loreto." Dahan-dahan kong ibinaba ang sulat at nahulog ito sa sahig matapos ko itong basahin.

Sapo ko ang aking dibdib na para bang naninikip ito. Sabay naman ang pagbagsak ng aking mga luha at na hindi ko naman maintindihan ang aking sarili kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon. Sinabunutan ko pa ang aking buhok at parang biglang sumakit ang aking ulo kaya bumagsak ako sa sahig habang hawak-hawak ito.

"I-isay? Ace?" Kusang lumabas na lang sa aking bibig na mas lalo pang ikinasakit ng aking ulo.

Pinilit kong makatayo pero hindi ko na makayanan dahil sa matinding kirot ng aking ulo na para bang binibiyak ito. Napadapa na lang ako at unti-unti akong nakakaramdam ng pagkahilo dahilan nang pagkawala ng aking malay.

Nagmulat ako ng aking mga mata at natagpuan ko ang sarili ko na nasa isang ospital. Nakita ko si Mazer na kausap ang kapatid ko sa 'di kalayuan sa aking puwesto at halata sa kanila na seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

Napabaling ang tingin ng asawa ko sa'kin at nagulat pa siya nang makita niya akong gising at kaagad niya akong nilapitan. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Pansin ko ang panunubig ng kaniyang mga mata na labis kong ikinabahala. Lumapit na rin sa tabi ko si kuya at mataman niya akong pinagmasdan.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now