CHAPTER 22 WARNING!

10 0 0
                                    

At sa wakas ay naayos ko na ang aking mga dapat ayusin dito sa France at handa na akong umuwi sa Pilipinas. Nasa opisina ako at inilalagay ko na ang mga gamit ko sa kahon ng bigla ko namang matabig ang litrato namin ni Mazer na nakapatong sa gilid ng aking lamesa. Pinulot ko ito sa sahig at nakitang basag na basag ito. Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinabahan, ipinagkibit balikat ko na lamang ito at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Pumasok naman si Leslie sa aking opisina na may dalang isang bouquet ng bulaklak.

"Para kanino 'yan Leslie? Don't tell me may manliligaw ka na?" wika ko nang ilapag niya ang bulaklak sa aking lamesa.

"Baliw! Hindi akin 'yan. Para sa'yo 'yan"

"Para sa'kin? Kanino naman galing?"

"E 'di kanino pa, kay Wilfred." Tinignan ko naman ang mga bulaklak at binalingan si Leslie na ngayo'y nakaupo sa aking harapan. Kinuha ko ang bulaklak at nakitang may maliit na sobre na nakalagay doon. Binasa ko naman ang nakasulat.

Take care Kristine, I'm gonna miss you. You are the most special girl that I met. And I'm always here when you need a friend and someone to talk to. Love lots, Wilfred Carmeletti.

Pagkatapos kong basahin iyon ay muli kong ibinaba ang bulaklak at napaupo na lang sa aking upuan at malungkot na tinitigan ang mga bulaklak. Naging mabait sa akin si Wilfred at kita ko naman kung paano niya ako tratuhin kahit na alam niyang wala akong pagtingin sa kan'ya at parati kong sinasabi na hindi pa ako handang magmahal muli dahil tanging si Mazer lang ang laman ng aking puso't isipan.

"O ano girl parang bigla ka yata naguilty diyan? Si papa Wilfred na ba ang pipiliin mo?" Sinamaan ko naman ng tingin si Leslie at pagkuwa'y inirapan siya. "Joke lang Kristine! ito naman hindi mabiro"

"Kaibigan lang talaga Les ang turing ko sa kan'ya kahit na hindi pa kami magkabalikan ni Mazer, baka nga magmadre na lang ako if ever"

"Hoy gaga ka talaga! Sayang naman ang ganda mo kung ganoon." Nangingiti na lang ako sa kaniyang tinuran at umikot naman ako mula sa aking lamesa para daluhan siya. Niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran habang siya nama'y nakaupo.

"Thank you so much Les. Dahil kahit papaano ay naiintindihan mo ang pagiging martir ko. Pinakinggan mo pa rin ako kahit na rinding-rindi ka na." Pinalo naman niya ng mahina ang kamay ko. Tumayo siya at hinarap naman ako.

"Kristine hindi lang ako basta manager mo lang, kun'di kaibigan mo rin ako. Alam mo naman na always supportive ako sa'yo kahit na sa kagagahan mo. Basta ayoko lang na makikita ka ulit na iiyak dahil sa kan'ya, dahil kung hindi mawawalan siya ng kaligayahan"

"Sobra ka naman! Bakit iyon pa?"

"Ay sorry naman, ikaw din pala mawawalan," natatawa niyang wika sa akin.

Maaga akong umuwi sa aking penthouse bitbit ang mga gamit galing sa aking opisina. Saktong pagkapasok ko ay bigla namang tumunog ang aking telepono. Kinuha ko naman ito mula sa bulsa ng aking pantalon at nakitang si Mazer ang tumatawag. Nagtaka naman ako at tinignan ang orasan gabi na rito sa France at madaling araw naman sa Pilipinas. Pinindot ko naman ang answer button, ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay naririnig ko na ang boses ni Macelyn at ganoon din si Marco. Napataas na lang bigla ang kilay ko nang magsalita si Mazer na wari ko'y lasing ito base na rin sa kaniyang pananalita.

"Call my sweety Mace! I want to talk to her!" sigaw niya kay Macelyn.

"Ito na nga kuya tinatawagan ko na siya, ang kulit mo naman eh!"

"I told her not to wear that kind of shit! Tapos bakit ang sweet nila ng kumag na 'yon?! That small dick!" napatapik na lang ako sa aking noo at malakas na bumuntong hininga.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon