CHAPTER 37

7 0 0
                                    

"Hi Tin, bakit ang aga niyo naman yata umuwi ng mga bata? At saka bakit magkasama kayo ni kuya?" wika ni Macelyn nang mapansin niya si Mazer sa aking likuran.

"Nag-insist siya na samahan ang mga bata dahil gusto ni Madel na kasama ang Papa Mazer niya." Sabay kaming napalingon ni Macelyn kung sino ang nagsalita.

Nakita namin na pababa si Jillian at karga nito ang kanilang anak. Lihim akong napairap at napabuga sa hangin. Lumapit naman siya kay Mazer at humalik pa ito sa kaniyang pisngi. Kahit anong pigil ko at tanggi ko ay sobrang sakit pa rin lalo na 'yong nangyari sa amin kanina at sa sinabi niya kay Madeline.

Tuluyan na nga talaga niya akong kinalimutan at wala na akong halaga sa buhay niya. Gusto kong maibalik ang mga alaala niya pero paano naman mangyayari 'yon kung nakikita kong masaya na siya sa piling ng pamilya niya?

"Sige Mace aalis na 'ko kailangan ko na rin kasi pumasok sa office eh"

"Mama Tin, kailan ka ulit babalik? Puwede ba ulit kami pumunta sa house mo?" malungkot na wika ni Madeline sa'kin.

"Of course baby Madie anytime puwede kang pumunta sa bahay." Tumingin naman si Madeline kay Mazer at sumimangot na wari ko'y alam ko na ang dahilan. "Sige na baby akyat na kayo ni Jk aalis na rin ako." Sumunod namang kaagad ang kambal at saka ko muling hinarap si Macelyn.

"Ingat ka Tin ha?" Tumango lamang ako kay Macelyn at pagkuwa'y napabaling naman ang tingin ko kay Mazer at Jillian na matamang nakatingin din sa akin. Lalagpasan ko na sana sila nang magsalita naman si Mazer na ikinatigil ko.

"I'm sorry," saad ni Mazer.

"Hon, may nangyari ba? Why you say sorry to her?"

"Wala 'yon Jillian, naabala ko kasi siya kaya siya nagsosorry sa'kin nothing happened." Hindi ko na hinintay na si Mazer ang magpaliwanag sa kaniyang asawa. Pagkasabi kong iyon ay tumalikod na 'ko at dere-deretso sa aking sasakyan.

At nang makasakay na ako ay doon ko naman ibinuhos ang aking luha na kanina pa ulit gustong kumawala. Sapo ko ang aking dibdib at mariin ko namang kinagat ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking paghagulgol. Ngunit sadyang sobrang sakit at ang bigat ng dibdib ko ngayon.

Hindi ko lubos maisip kung paano ko ba nakakaya ang lahat ng ito. Simula noong mawala si Mazer at hanggang ngayong dumating siya ay puro na lang pasakit ang nararanasan ko. Wala na siguro akong karapatang sumaya at ito na ang kapalaran ko.

Imbes na sa opisina ako dumeretso ay nagpunta ako ng mall para maglakad-lakad dahil sa kalagayan kong ito ay hindi rin ako makakapagtrabaho ng maayos. Tinawagan ko na lamang si Leslie na meron lang akong mahalagang aasikasuhin kaya hindi ako makakapunta sa opisina.

Lakad lang ako nang lakad sa loob ng mall at walang direksyon kung saan talaga ako patungo. Hanggang sa napahinto ako sa isang shop at napatingin dito. Mapait akong napangiti dahil kung hindi sana naaksidente si Mazer malamang ay kami ang mag-asawa ngayon at masaya na sa aming anak.

Pumasok ako sa loob at tinignan isa-isa ang mga naka display na gown. Pangarap ko ring igawa ang sarili ko ng gown na susuotin ko sana sa kasal namin ni Mazer. Pero ang pangarap na 'yon ay kailanman hindi na matutupad dahil nakalaan na siya sa iba. Mahirap lumaban na ikaw lang ang lumalaban at siya ay matagal ka na palang binitawan.

"Ano po sa inyo ma'am?" wika sa akin ng isang sales lady nang makalapit na siya sa akin.

"W-wala naman tinitignan ko lang itong mga gown niyo ang gaganda kasi eh"

"Naku ma'am hindi ba't kayo si Kristine Veinezz iyong sikat na fashion designer?!" masayang saad naman ng sales lady.

"Ah, ako nga"

"Grabe ma'am ang ganda niyo po pala talaga sa personal!" tipid lang akong ngumiti. "Wedding gown po ba hanap niyo ma'am? Siguro mas gusto niyo na iba ang gagawa ng gown niyo?"

"H-hindi ako ikakasal napadaan lang ako rito. Sige mauuna na 'ko salamat." Kaagad naman akong lumabas sa boutique na 'yon.

Napadako ang tingin ko sa salamin ng boutique at pinagmasdan ang aking sarili. Mukha akong nakakaawa at hindi na tulad ng dati na masigla ang aking itsura. Si Mazer ang dahilan kung bakit ako masaya at siya rin ang dahilan kung bakit durog na durog ako ngayon.

Hindi ko puwedeng pabayaan ang sarili ko at ayokong magmukhang kawawa at katawa-tawa sa harap niya at lalong-lalo na sa kaniyang asawang si Jillian. Alam ko ang bawat mga titig niya sa akin kung ano ang ibig sabihin no'n. Ayokong magpaka ipokrita sa harap niya dahil siya na ngayon ang hipag ni Macelyn at ako nama'y walang papel sa buhay nila.

Naisipan kong pumunta sa salon at ipaayos ng kaunti ang aking itsura. Ang aking mahabang buhok na abot hanggang bewang ko ay ipapagupit ko na hanggang balikat.

Nasa loob na 'ko ng salon at pumwesto na ako para magpagupit. Sinabi ko sa stylist kung ano ang gusto ko sa aking buhok at sinunod naman niya ito. Nakapikit naman ako habang ginugupitan niya ako dahil ayokong makita kung ano kalalabasan nito.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpapagupit ako na hanggang balikat lang dahil karaniwang gusto ni Mazer ay mahaba ang aking buhok dahil mas bagay raw sa akin 'yon. Pero iba na ngayon, buburahin ko na si Mazer sa aking isipan at aalisin ko na rin siya sa puso ko katulad ng paglimot niya sa'kin.

At nang matapos na akong gupitan ay pina wavy ko ang aking buhok at pinakulayan ng ash gray dahil iyon daw ang uso ngayon sabi ng gumupit sa akin. Namangha naman ako sa bagong itsura ko at malapad akong napangiti. Ibang-iba ang awra ko ngayon at kanina, mas umaliwalas ang mukha ko o baka dahil lang sa stress ako kay Mazer kaya ganoon na lamang ako.

Pagkatapos kong magpa-ayos ay dumeretso na ako sa bahay at takang-taka naman sa akin si Mang Domeng at anak niyang si Rhodora pagkapasok ko sa loob ng bahay.

"Mang Domeng pangit ho ba?" nahihiya kong wika sa kan'ya.

"N-naku ma'am hindi ho! Ang ganda-ganda niyo nga po mas lalong maiin-love sa inyo niyan si Sir Mazer." Pansin ko naman na siniko ni Rhodora ang kaniyang ama dahil sa sinabi nito.

Alam na rin nila ang nangyari kay Mazer dahil naikuwento ko na rin ito sa kanila. Nagulat pa nga sila nang sabihin ko na may asawa na ito at hindi naman makapaniwala sa nangyari.

"Ate pasensya na po kayo sa tatay ko ha?"

"Wala 'yon Rhodora, sige aakyat na muna ako sa taas." Umakyat na kaagad ako sa aking kuwarto at pabagsak na nahiga sa aking kama.

Maya-maya ay napadako ang tingin ko sa side table at nakita roon ang picture naming dalawa ni Mazer noong nasa France kami. Napabangon ako at mabilis itong kinuha. Tinitigan ko muna ito saglit at walang sabi-sabing itinapon ito sa basurahan malapit sa aking kama.

Napabuntong hininga na lang ako at naisuklay ko ang aking mga daliri sa aking buhok. Kailangan kong magpakatatag ngayon at piliin ang aking sarili, mahal ko pa rin si Mazer at alam kong hindi madali ang basta na lang siyang kalimutan pero kapag naiisip ko na pinagtaksilan niya ako ay galit ang nanunuot sa aking dibdib.

Tinignan ko ang kabuuan ng kuwarto at napaisip akong bigla dahil itong bahay na ito dapat kung saan kami bubuo ng masaya at kumpletong pamilya. Siguro kailangan ko na ring ibalik sa kaniya ito dahil hindi naman ito para sa akin kun'di para sa mag-ina niya.

Nagpasya na ako na aalis na ako sa bahay na ito oras na makabili ako ng aking sariling bahay at ibabalik ko sa kan'ya itong binili niyang bahay para sana sa amin. Napaluha na lang akong bigla nang maisip na iiwan ko ang bahay na ito na minsan kong naranasan panandalian ang makasama siya sa iisang bubong.

Hindi matatapos ang sakit na nararamdaman ko kapag mayroon pa rin akong kaugnayan sa kaniya at parati ko pa rin siyang naaalala.

"Im setting you free now my heart," wika ko sa aking sarili sabay patak ng aking mga luha.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now