CHAPTER 42

7 0 0
                                    

Pagpasok ko ng aking opisina ay kasunod ko naman si Leslie, ipinatong ko muna ang mga dala kong gown sa couch at nagtungo sa aking mesa. Alam kong pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko at wari ko'y may gusto siyang itanong sa akin kaya napahinto ako sa aking ginagawa at binalingan siya.

"May gusto ka ba itanong sa'kin Leslie?" Umupo muna siya sa aking harapan at naka halumbabang hinarap ako.

"Who is he my dear Kristine?" nakangisi niyang wika.

Taka ko naman siyang tinitigan at hinarap siyang nakahalukipkip. Bumuntong hininga muna ako at itinaas ko pa ang aking isang kilay.

"Ano na namang tingin 'yan ha Leslie?"

"Ikaw Kristine ha! Naglilihim ka na sa'kin. Sino 'yong guwapong doctor na 'yon? At saka in fairness ang hot ah!" Umiling lang ako sa kan'ya at pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

"Nagkakilala lang kami no'n sa 'di inaasahang pagkakataon"

"Tulad ng ano?" Natigilan ako at naalalang bigla ang pangyayari kung paano ako masaktan noong nalaman kong ikinasal na si Mazer.

Muli ko siyang binalingan at binigay ang folder. "Here pakibigay mo na lang kay Thess 'yan dahil 'yan ang mga designs na gusto ni Ma'am Lalaine para sa kasal niya"

"Ayaw mo talagang magkuwento?"

"Wala akong ikukuwento Leslie. Magkaibigan lang kami no'n"

"Ay wow! Friends agad?" Inirapan ko lang siya at pagkuwa'y tumayo ako para lumabas naman ng aking opisina.

"Bahala ka na nga riyan labas na muna ako!"

"Hoy teka nga lang kinakausap pa kita eh!" Sumunod naman sa'kin si Leslie at talaga namang makulit ang kaibigan kong ito.

Napahinto ako sa paglalakad ng muli kong makita si Franco na may kasamang babae. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan at ang kasama naman niya ay kausap ang isa kong empleyado.

Napadako namang bigla ang tingin niya sa'kin at napatayo naman siya para puntahan ako. Napalunok ako dahil parang matutunaw ako sa mga ngiti niya. Hindi ko naman ito pinahalata sa kan'ya at gumanti rin ako nang ngiti.

"Hi!" bati niya sa'kin.

"Oh i-ikaw pala, s-sino 'yong kasama mo?"

"Ah si Lalaine siya 'yong ikakasal"

"Ah, I see." Siniko naman ako ni Leslie at ngumuso pa kay Franco na alam ko kung ano ang ibig sabihin noon. "Siya nga pala si Leslie siya 'yong nasa office ko noon"

"Hi pogi!" Napatapik na lang ako sa aking noo dahil sa kaniyang tinuran.

"Nice to meet you Leslie"

"Me too pogi! O siya maiwan ko na muna kayo at ibibigay ko lang itong designs kay Ma'am Lalaine." Pagkasabi niyang iyon ay umalis na rin si Leslie.

"Oo nga pala nakalimutan ko kumustahin 'yong paa, okay ka na ba? Hindi na ba masakit?"

"Okay na 'ko saka remember nakapag jogging na nga ako"

"Oo nga pala," nangingiti niyang wika. "If you don't mind can I invite you for a dinner? Pero kung busy ka naman it's okay maybe some other time"

"May pupuntahan kasi ako mamaya eh, maybe next time?"

"Sure no problem! Medyo maluwag lang kasi ang sched ko eh. Sige puntahan ko muna si Lalaine ha?" tumango lang ako sa kan'ya.

Nakatanaw naman ako sa kanila at pinagmamasdan siya. Ang suwerte siguro ng mapapangasawa niya kung sakali. Hindi lang siya guwapo kun'di mabait din.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now