CHAPTER 64

8 0 0
                                    

Isang taon na rin ang nakalipas simula noong maaksidente si Kristine at mamatay ang kapatid niyang si Isay. Minsan na akong sinabihan ng ibang mga doctor na isuko na lang si Kristine dahil tila wala rin namang pagbabago sa kaniyang kondisyon. Pero katulong ko si Marco at Franco at mariin namin itong tinutulan dahil pareho kaming umaasa na magigising si Kristine at magiging masaya kaming muli. Wala akong pakialam kung maubos man ang pera ko, ang importante sa ngayon ay si Kristine at hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magigising siya.

Nagpaalam na ako kay Mama Salve na papasok na muna sa opisina at siya naman ngayon ang bantay kay Kristine. Palabas na sana ako ng kuwarto ni Kristine dito sa ospital nang pumasok naman si Marco at Franco.

"Hey Mazer," bati sa'kin ni Franco sabay tapik sa aking balikat.

Binalingan muna niya si Kristine at hinaplos ang buhok niya. Pagkuwa'y may kinuha siya sa kaniyang bulsa at nakita kong picture ito ng anak niyang si Arthur. Simula kasi ng ipakilala ko sa kaniya si Arthur ay wala na siyang bukambibig kun'di ang anak na lang niya. Natutuwa naman ako dahil hindi siya nahirapang makuha ang loob ni Arthur kahit na paminsan-minsan ay hinahanap ako ng bata.

Dinadalaw ko naman siya kapag may pagkakataon at nakikipaglaro sa inakala kong anak ko noong panahong wala pa akong maalala. Hindi ko maitatangging namimiss ko si Arthur dahil napamahal na rin siya sa'kin.

"Little girl, look oh ang laki-laki na ng pamangkin mo. Alam mo ba napaka-sweet niyang bata at mabait parang ikaw. Iisa lang ang ibig sabihin no'n na maayos ang naging pagpapalaki ni Mazer sa kan'ya," sabay tingin niya sa'kin at ngumiti.

"Tin wake up, huwag mo na naman pahirapan si Mazer dahil sobra na ang paghihirap na pinagdaanan niya para lang hindi ka mapahamak. Sige ka kapag hindi ka pa nagising diyan baka pikutin ka na lang niya ng hindi mo nalalaman," biro pa ni Marco na ikinatawa naming lahat.

"Salamat sa inyo mga anak dahil maging kayo ay hindi rin nawawalan ng pag-asa na babalik si Kristine. Minsan naiisip ko na isuko na lang siya dahil hindi ko kayang makitang nakaratay siya sa kamang 'yan na para bang wala ng buhay," baling naman sa'min ni Mama Salve na tila maiiyak na.

Niyakap ko siya at pilit na pinakakalma. Alam ko na masakit para sa kaniya ang mawalan ng isang anak at hindi ko hahayaang pati si Kristine ay tuluyan na ring mawala. Kumalas ako sa kaniya nang pagkakayakap at pansin ko ang lungkot sa kaniyang mga mata at halatang wala ito masyadong tulog dahil sa sobrang pag-aalala niya kay Kristine.

"Don't worry ma magtiwala lang tayo sa itaas dahil alam kong hindi niya pababayaan si Kristine"

"Natatakot ako Mazer na baka tuluyan na siyang hindi magising"

"Magigising siya ma dahil naniniwala ako na hindi niya kayo kayang iwang mag-isa." Ngumiti ako sa kaniya at pagkuwa'y sabay na kami nila Marco at Franco na lumabas ng kuwarto.

"Mazer, why can't you do to Kristine what I did to Macelyn then?" baling sa'kin ni Marco nang makalabas na kami ng kuwarto.

"What is it?"

"Marry her." Gulat akong napatitig sa kaniya at ganoon din si Franco.

"Teka lang Marco ha, 'wag niyo namang samantalahin ang kahinaan ni Kristine. Hindi porke patay na patay ang kapatid ko rito kay Mazer ay gagawin niyo na ang gusto niyo," sabay halukipkip nito sa akin at tinaasan pa 'ko ng kilay.

"Don't worry bro, ikaw ang best man ko." Kunwa'y umirap siya sa'kin at natatawa na naiiling na lang siya.

"Alam niyo kayong mag-bayaw hindi ako sang-ayon sa plano niyong 'yan. Paano kung isang araw magising si Kristine tapos malalaman niya na mag-asawa na pala kayo at hindi mo hiningi ang opinyon niya e 'di mas lalo siyang nagalit sa'yo at hindi ka na niya napatawad"

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon