CHAPTER 46

6 0 0
                                    

Dinala kami ni Seff sa kaniyang tinutuluyan dahil bago pa niya ako puntahan ay sinabi ko na sa kan'ya kung ano ang dapat niyang gawin. Hinintay ko naman muna na makatulog si Jillian at si Arthur at sinabi ko kay Seff na sa isang bar na lang kami magkikita para doon kami makapag-usap ng masinsinan dahil hindi ako kumportable lalo na at kasama ko si Jillian ngayon.

VIP ang kinuha ni Seff para kami lamang ang naroroon at walang ibang taong makakarinig sa amin dahil iniiisp ko na baka pinapasundan din niya ako kaya kailangan namin mag-ingat. Ayokong masira ang plano namin at lalo na ayokong may masamang mangyari kay Kristine.

Pagkapasok ko kaagad ay may inabot sa'kin si Seff na isang brown envelope. Tinitigan ko muna ito at nagdadalawang isip kung dapat ko na ba itong buksan. Nagpakawala ako nang malakas na buntong hininga at pagkuwa'y binuksan ito.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat pagkakita pa lang sa litrato na kaagad na bumungad sa akin. Tinitigan ko si Seff na nakakunot ang aking noo habang umiinom siya ng kaniyang alak.

"Si Rica ito ah. Siya 'yong huli kong naging sekretarya bago ikaw," wika ko sa kaniya.

"Exactly! Tingnan mo pa ang isang picture d'yan." Kinuha ko ang isang picture na kasunod ng picture ni Rica at taka ko itong tinitigan.

Ang totoo niyan ay hindi ko naman tinatandaan ang mga mukha na nagiging sekretarya ko dahil balewala naman sila sa akin at hindi ko pinagtutuunan ng pansin. Tanging si Rica lang ang nakilala ko dahil siya ang medyo nagtagal sa akin.

"Teka, si Jillian ito ah. Anong kinalaman niya kay Rica?"

"Si Jillian at Rica ay iisa lang." Napasandal akong bigla sa couch at hindi ko inaalis ang pagkakatitig kay Seff.

Kinuha niya sa akin ang envelope at may kinuha pa roon na isang papel at muli nitong iniabot sa akin. Nanginginig ang kamay kong kinuha ito at mas lalo pa akong nagulat sa nabasa roon. Nilakumos ko ito at nagpipigil lamang ako ng aking galit na malaman ang katotohanan.

"Fuck," mahinang mura ko.

"So dude, what's your plan anyway? Nagparetoke pa talaga siya para lang hindi mo makilala"

"Basta ayoko munang may makaalam na bumalik na ang alaala ko kahit ang kapatid ko. Meron na akong naisip at gagawin ko 'yon ay sa mismong kasal namin ni Jillian"

"What?! Magpapakasal ka?" gulat niyang turan.

"Hindi ako tanga para pakasalanan siya Seff. It's just a game, and I want you to be part of this game Seff. Kilala mo naman siguro kung sino ang babaeng pakakasalan ko hindi ba?"

"How about Kristine? Masasaktan siya, kaya mo bang gawin 'yon?" saglit akong natigilan at nag-isip.

Hindi ko man siya gustong saktan pero ito lang ang paraan para hindi siya mapahamak. Matapos ko lang ito ay ipapaliwanag ko sa kan'ya lahat lahat kung bakit ko ito ginagawa. Napag-alaman din ni Seff na pinasusundan ako ni Jillian sa kinuha niyang tao at tama nga ang hinala ko kaya maingat naman ang bawat galaw namin.

Lumabas kami ng sabay ni Seff sa bar at tanging siya muna ang humawak ng ebidensiya tungkol kay Jillian. Hinihintay niya pa ang isang resulta ng imbestigasyon kung meron pa siyang isang kasabwat.

"Sir mauuna na po ako. Basta sir ako na po ang bahala magturo sa inyo kung ano ang mga kailangan niyong gawin sa kumpanya dahil alam ko naman po na wala pa kayong naaalala." Sadyang ipinarinig 'yon ni Seff baka kasi nasa paligid lang ang mga alipores ni Jillian.

Tumango lang ako at pinauna ko na siyang umalis. Naisipan ko naman magtungo sa isang shop para bilhan ng pasalubong si Arthur. Iyon pa ang isang ipinagtataka ko kung sino ang nakabuntis kay Jillian. Imposibleng ako ang ama noon dahil kahit kailan ay hindi ko magagawang magtaksil kay Kristine. Hihintayin pa namin ang resulta ng imbestigasyon kung ano pa ang tinatago ni Jillian.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now