CHAPTER 28

6 0 0
                                    

Marami akong nilutong iba't-ibang mga putahe na paborito ni Mazer. Nagpatulong ako kay Macelyn na magluto para dadalhin namin sa sementeryo dahil ngayong araw ang kaniyang kaarawan at death anniversary ng kanilang mga magulang. Sabay-sabay na kaming pumunta doon kasama rin ang kanilang mga anak.

Walong buwan na ang tiyan ni Macelyn ngayon sa pangalawang anak nila ni Marco. At ang maganda pa noon ay kambal ulit ang kanilang magiging anak. Kung sana ay maaga kong nalaman na buntis na pala ako e 'di sana sabay kami ni Macelyn na manganganak. Ang kaso naging pabaya ako, hindi ko man lang naisip noon na buntis na pala ako.

Maaga kaming nakarating sa puntod ng kanilang mga magulang at nagsindi na rin kami ng kandila at nag-alay ng mga bulaklak. Inihain na namin ang mga pagkaing dala namin at syempre ipinatong ko sa gitna ng mesa ang litrato ni Mazer. Mapait akong ngumiti at pilit na pinapakalma ang aking sarili dahil alam kong nagbabadya na namang bumagsak ang aking luha. Napansin naman ito ni Macelyn kaya kaagad niya akong nilapitan at niyakap sa aking likuran at hinihimas ang aking braso.

"I miss him Mace"

"I miss him too Tin. At lalo na ang mga bata, hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ang totoong nangyari sa kanilang papa Mazer." Humarap ako sa kan'ya at pinunasan ang takas kong luha.

"I miss him soo much Mace. Gabi-gabi akong nagdadasal na sana buhay siya at nasa mabuting kalagayan. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sana bumalik na siya," naiiyak kong turan.

"Babalik s'ya Tin. Dahil alam niyang hihintayin mo siya at hindi niya hahayaang masaktan ka ulit." Tinignan ko ang malaki na niyang tiyan at hinimas ito.

"I'm jealous. Kung nalaman ko lang sana ng maaga na buntis na pala ako e 'di sana pareho tayong malaki ang tiyan ngayon," natawa na lang ako ng pagak habang hinihimas ang tiyan ni Macelyn.

"Wala kang kasalanan Tin, kahit naman noong pinagbubuntis ko sina Madeline at Jk hindi ko rin naman alam 'yon at nalagay pa sa peligro ang buhay naming mag-iina. May awa rin ang diyos Tin, mahahanap natin si kuya at magkakaroon kayo ng maraming anak," sabay naman kaming tumawa at lumapit naman sa amin si Marco.

"How are you Kristine?" saad sa akin ni Marco at nakaakbay naman siya sa kaniyang asawa.

Hindi ko naman lubos maisip na mabilis akong naka-move on sa kan'ya noon. Siguro ay alam kong hindi kami ang para sa isa't-isa at nakalaan na siya kay Macelyn. Masaya naman ako dahil natagpuan nila ang tunay na pagmamahal at ganoon din naman ako kay Mazer. Kaya lang ay muli na naman kaming nagkahiwalay sa hindi inaasahang pangyayari at patuloy pa rin naman akong umaasa na isang araw ay kakatok siya sa pintuan ng bahay namin.

"Pinipilit kong maging okay Marco dahil ayokong umuwi si Mazer na losyang na ang itsura ko magagalit sa 'kin 'yon dahil ayaw niya na pinababayaan ko ang sarili ko, " biro ko sa kan'ya.

"Good to hear that Tin. Kapag may kailangan ka nandito naman kami ni Mace, puwede mo kaming tawagan anytime." Ngumiti naman ako sa kan'ya at maya-maya pa ay ang kambal naman ang lumapit sa amin.

"Mommy, when will papa Mazer go home? We miss him soo much," wika ni Madeline sa kaniyang ina. Napatingin naman sa akin si Macelyn at muling binalingan si Madeline.

"A-anak medyo matatagalan pang makauwi si papa Mazer niyo eh, busy pa kasi siya sa trabaho niya"

"Let's call him na lang mommy baka hindi na siya busy right mama Tin?" baling naman sa akin ni Jk.

"Jazz, nakausap ko kasi ang papa Mazer niyo sabi niya sa 'kin busy daw talaga siya kaya hindi muna natin s'ya makakausap. Pero don't worry nagsabi naman siya na bibilhan niya kayo ng pasalubong"

"Totoo mama Tin?!"

"Yes Jazz," nakangiti kong wika sa kan'ya.

"Mama Tin can we sleep over at your house? Miss ko na kasi si papa Mazer eh. We promise na behave lang kami," pakiusap naman ni Madeline.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now