CHAPTER 53

7 0 0
                                    


Dahan-dahan naman akong naglalakad sa loob ng ospital upang puntahan ang aking ina at anak niya. Ngayon sila lalabas at gusto ko rin kumustahin ang kalagayan ng anak niya. Nasa labas na ako ng kuwarto ay huminto muna ako at saka huminga nang malalim.

Nanlalamig ang mga palad ko dahil ngayong araw ko rin sasabihn sa kaniya ang totoo kung ano talaga ako sa buhay niya. Kung hindi niya ako matanggap niya ay ayos lang naman sa'kin, kahit masakit ay malugod ko itong tatanggapin.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko ito binuksan. Una ko kaagad nabungaran si Franco na nakangiti sa akin at alam kong alam na niya na pupunta ako ngayon. Binalingan ko naman si Aling Salve na takang nakatingin sa akin at ganoon din ang kaniyang anak.

Marahan akong lumapit sa kanila at tipid na ngumiti. "Kumusta na po siya?" tukoy ko sa kaniyang anak.

"A-ayos naman siya Kristine. Ang sabi ni Doctor Franco inumin lang daw niya sa oras ang mga gamot niya at kumain ng mga masustansyang pagkain"

"Sino po siya mama?" baling ng kaniyang anak na nakatayo sa kaniyang likuran.

Pansin ko ang namumutla niyang mgaa labi at ang mga mata ay namumungay. May ilang pasa rin siya sa kaniyang braso sanhi na rin ng kaniyang sakit. Naawa akong bigla sa kaniya dahil alam kong hindi na magtatagal ang buhay niya at maiiwan niyang mag-isa ang kaniyang ina.

Masuwerte pa rin siya dahil kahit papaano ay may kinagisnan siyang ina at mahal na mahal siya. Samantalang ako ay hindi ko masabi sa kaniya na ako ang kaniyang anak at pakiwari ko'y kinalimutan na rin niya ako.

Binalingan ko ang anak niya at ngumiti sa kaniya nang tipid. "Ako pala si Kristine Vienezz, kaibigan ako ng mama mo. Ikaw ano ang pangalan mo?"

"Isay po ate. Ikaw po pala si Ate Kristine? Nakuwento ka po kasi sa'kin ni mama ang bait niyo raw po saka ang ganda niyo pa. Alam mo ba ate pangarap ko ang magkaroon ng kapatid noon kaya lang maagang namatay si papa," malungkot naman niyang wika.

"Puwede mo naman maging ate si Kristine eh." Napatingin ako kay Franco na nasa aking tabi at pasimple niya pa akong kinindatan.

"Talaga po?" masayang wika sa akin ni Isay.

"O-oo naman, ituring mo ako na kapatid mo"

"Naku hija salamat sa lahat ng tulong mo at pasensya ka na rin kung pati kayo naabala ko," hinging paumanhin ni Aling Salve.

Lumapit ako nang bahagya sa kaniya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Ito ang pinaka masarap sa pakiramdam ang mahawakan ang kamay ng aking ina.

"Walang anuman po ma__ I mean Aling Salve. Kapag kailangan niyo po ng tulong puwede naman po kayong lumapit sa akin"

"Salamat hija," nakangiting wika niya.

Nagpresinta na rin akong ihatid sila sa kanilang bahay. Ayaw pa ni Aling Salve na ihatid ko sila dahil masyado na raw siyang nahihiya sa akin. Pero 'di kalauna'y napapayag ko na rin siya dahil gusto ko rin naman siyang makasama pati na rin ang kapatid kong si Isay.

Inihatid ko sila sa mismong bahay nila ay inalalayan naman namin si Isay na mahiga sa kaniyang kuwarto upang makapagpahinga. Paalis na sana ako nang pigilan naman ako ni Aling Salve at maya-maya ay may kinuha sa kusina.

Nakita ko naman siyang may bitbit na isang supot na wari ko'y naglalaman ng paninda niyang kakanin at iniabot nito sa akin. Napatingin ako sa kaniya at siya nama'y malapad ang pagkakangiti sa akin.

"Tanggapin mo ito hija, alam kong maliit na bagay lang ito bilang pasasalamat ko sa kabutihan mo"

"Hindi mo naman po kailangan gawin 'yan Aling Salve. Masaya po ako na kahit papano natulungan ko kayo." Nagulat na lang ako nang yakapin niya akong bigla.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon