CHAPTER 36

7 0 0
                                    

Paalis pa lang ako sa aking bahay ng bigla namang tumunog ang aking telepono. Nakita kong si Macelyn ang tumatawag, tumikhim muna ako bago ito sagutin.

"Hello Mace?"

"Mama Tin!" Napangiti naman ako nang marinig ko ang masayang pagtawag sa akin ni Madeline.

"Yes baby Madie?"

"Can you come over?"

"Why? Is there something wrong baby?" Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya na siyang ikinabahala ko.

"You love papa Mazer right?"

"H-ha?" gulat kong wika sa kaniya.

"Bakit may babae rito na sabi niya she's Papa Mazer's wife." Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kan'ya ang totoo. Mariin ko namang kinagat ang ibabang labi ko.

Matagal na panahon naming pinagtakpan sa mga bata ang totoo at parati kaming nagpapadala ng mga laruan sa kanila na kunwari ay ang Papa Mazer nila ang may bigay. Ayaw namin silang masaktan kaya ginawa namin ang mga bagay na 'yon. Pero mukhang mas masasaktan pa yata sila kapag nalaman nila ang totoo.

"B-baby I think sila mommy at daddy mo na lang ang magpapaliwanag sa'yo"

"Mama Tin 'di ba ikaw ang magiging wife ni Papa Mazer? Tell me mama 'di ba ikaw dapat?!" Umiiyak niyang wika sa akin at sumisigaw na siya.

Sapo ko ang aking dibdib dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Wala akong magawa dahil hindi na sa akin si Mazer at pag-aari na siya ng iba. Pinunasan ko naman ang aking mga luha na dumaloy sa aking pisngi at saka muli siyang kinausap.

"Baby Madie__"

"Hello Tin, I'm sorry sa inasal ni Madel ha? She's badly hurt of what happened," saad naman sa akin ni Macelyn sa kabilang linya.

"It's okay Mace I think kailangan kong pumunta riyan para na rin kausapin ang mga bata"

"Are you sure Tin? Nandito kasi si kuya at 'yong asawa niya ayos lang ba na makita mo sila rito?" may pag-aalalang saad niya. Saglit akong natigilan at nag-isip.

Ang totoo niyan ay hindi ko alam ang aking gagawin kapag nakita ko sila at lalong-lalo na kapag nakikita ko silang masaya sa piling ng bawat isa. Mapait akong ngumiti saka muling nagsalita.

"O-oo Mace. Ang mga bata naman ang pupuntahan ko at hindi siya"

"Okay sige Tin ikaw ang bahala." Ibinaba ko na ang tawag pagkatapos naming mag-usap.

Lulan naman ako ng aking sasakyan papunta sa bahay nila Mace ay hindi ko naman mapigilang isipin ang posibleng mangyari kapag nagkita kami ni Mazer. Kailangan kong maging natural sa harap nila, pero paano? Paano ko magagawa 'yon na alam kong nasasaktan ako?

Hindi ko namalayan na nakalagpas na pala ako sa kanilang bahay kaya bumalik pa ulit ako. Ipinarada ko ang aking sasakyan at mabilis na bumaba.

Pagkapasok ko naman sa kanilang bahay ay nabungaran ko kaagad si Mazer na nilalaro ang dalawang taong gulang niyang anak. Natigilan ako at mataman lang silang pinagmamasdan. Kita ko sa mukha ni Mazer ang tuwa habang nilalaro niya ang anak niyang lalaki. Bigla kong naalala ang sana'y magiging anak namin kung hindi lang ako nakunan. Naalala ko naman ang kataksilang ginawa niya at wala ako sa sarili kong napakuyom ng palad.

"I-ikaw pala Kristine." Napalingon ako sa kung sino ang nagssalita.

Nakangiti sa akin si Jillian at may hawak na tray na may lamang pagkain at wari ko'y sa mag-ama niya ito. Napatingin naman ako kay Mazer na ngayo'y nakatingin na rin sa akin. Dahan-dahan naman siyang tumayo at taka akong tinitigan.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now