CHAPTER 9

7 0 0
                                    

What?!" Sigaw ko sa mga staff. Narito kami sa studio at hindi lang naman dumating ang model na kinuha ng isa sa mga staff ko dahil may biglang event daw itong pupuntahan.

"Madame, nous sommes desoles de vous informer que__"(ma'am we're sorry to inform you that__")

"Okay je vais le faire!" (okay I'm gonna to do it!")

Napatingin si Leslie at Mazer sa aking sinabi habang tinatanggal ko ang suot kong blazer. Lumapit pa si Leslie sa akin at bumulong.

"Hoy Kristine sigurado ka ba diyan? Hindi kaya maggalaiti 'yang ex mo kapag nakita niya kung anong klase iyang imomodel mo?" Mariing wika niya sa akin na hindi man lang niya binubuka ang bibig niya.

"Wala siyang karapatang pagbawalan ako dahil hindi ko siya boyfriend at kailangan kong tapusin ang trabahong ito dahil kung hindi madedelay tayo sa deadline," mariing wika ko naman kay Leslie.

"Ikaw ang bahala Kris, pinapaalalahanan lang kita dahil kilala ko 'yang ex mo mula ulo hanggang ulo"

"Anong mula ulo hanggang ulo?" Takang tanong ko naman sa kaniya.

"E 'di mula ulo hanggang ulo niya sa baba," sabay ngisi niya sa akin na ikinalaki ng mata ko. Magsasalita pa sana ako nang lumapit naman sa kinaroroonan namin si Mazer.

"Ikaw ang magmomodel?"hinarap ko naman siya at humalukipkip sa kaniya.

"Yes! Wala namang ibang gagawa kaysa tumawag pa kami ng ibang model magagahol lang kami sa oras at marami rin akong meeting na dadaluhan ngayong araw"

"Anong imomodel mo?"

"Damit"

"Like what?"

"Basta damit! Wala ka na ro'n at saka puwede ba huwag mo akong pakialaman you're my bodyguard, driver and also my P.A only"

"And your suitor also," dagdag naman niya. Napatulala ako sa kaniya at kalauna'y nag-iwas rin ng tingin dahil baka biglang bumigay ako sa kaniya kapag hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Miss Veiness, soyes prete, dans quelques minutes nous allons commencer" ("Miss Veinezz be ready, in a few minutes we're about to start")

Tinalikuran ko na siya at pumunta na ako sa dressing room para isuot ang aking imomodel. Sumunod naman sa akin si Leslie para umalalay sa akin.

"Naku Kristine ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niyang si Mazer kapag nakita niya ang itsura mo," saad sa akin ni Leslie nang matapos kong isuot ang two piece swim suit na imomodel ko. Nakalugay naman ang ang alon-alon kong buhok.

"Wala siyang magagawa trabaho ko 'to. At kung ayaw niyang makita ang itsura ko lumabas na lang siya ng studio!"

"Weeeh?! Maka-ganiyan ka kaya after ng shoot mo? Naku Kristine salita lang ni Mazer baka matameme ka"

"Kanino ka ba kampi ha?" Inis ko siyang tinignan sa salamin at nakaupo naman siya sa may sofa.

"Sinasabi ko lang Kristine, parang hindi mo naman kilala 'yang ex mo, sobrang possessive grabe! Parang bata na ayaw maagawan ng candy." Gano'n si Mazer, laging iyon ang pinagdidiskusyunan namin kapag ayaw niya ang mga isinusuot ko. At higit sa lahat ayaw niya na ako ang nagmomodel ng mga gawa ko kapag sobrang daring nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na rin ako ng assistant para simulan na ang shoot. Sinuot ko muna ang ward robe ko bago ako lumabas ng dressing room.

"Goodluck Kristine," sabay ngisi ni Leslie sa akin bago siya lumabas na alam ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam pero bigla naman akong kinabahan. Napabuntong hininga naman ako bago lumabas ng dressing room.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now