CHAPTER 4

13 0 0
                                    

"Hoy Kristine wake up! Mahuhuli na tayo sa appointment mo!" gising sa akin ng manager kong si Leslie. Itinaas niya pa ang blinds ng aking bintana rito sa kuwarto kaya naman tumama ang sinag ng araw sa aking mukha at nagtaklob ako ng kumot. Hinablot naman ito ni Leslie at nakapamewang na humarap sa akin. "Kristine naman! Bumangon ka na riyan!" Muling sigaw nito sa akin. Dahan-dahan naman akong bumangon at pupungas-pungas pa sa aking mga mata. Naupo muna ako at tinignan si Leslie na isang mata ko'y nakapikit pa.

"Please naman Leslie inaantok pa 'ko. Let me sleep okay?"

"Paanong hindi ka aantukin? E anong oras ka na naman umuwi kagabi. I mean, kanina pala. Kristine naman simula noong dumating tayo rito sa France puro bar na lang inaatupag mo, lagi kang naglalasing! Eight months na tayo rito pero ni minsan hindi na kita nakitang sumaya." Napayuko naman ako at ramdam ko ang panunubig ng aking mata.

Napansin naman ito ni Leslie. Umupo siya sa aking tabi at niyakap na lamang niya ako. At dahil doon ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako dahil sa paghihiwalay namin ni Mazer. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako gustong kausapin.

"Kristine, huwag mo namang pahirapan ang sarili mo. Kung ayaw niya na sa'yo e 'di 'wag. Mas maraming lalaking higit sa kan'ya, iyong iintindihin ang propesyon mo. You deserve someone better Kristine." Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kan'ya at tinitigan siya.

"Hindi ganoon kadaling makalimot Leslie. Sana nga paggising ko kinabukasan wala na siya sa puso ko. Pero habang tumatagal Leslie mas lalo akong nasasaktan kasi miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na si Mazer Leslie! Gusto ko na umuwi ng Pilipinas!" Habang sinasabi ko sa kan'ya 'yon ay siyang pagtulo naman ng aking mga luha.

"Kristine__"

"Alam kong tanga ako, martir. Pero anong magagawa ko kung siya pa rin talaga?" Putol ko sa kaniyang sasabihin.

"I know Kristine, pero kung siya ang dahilan kung bakit ka nahihirapan, much better na kalimutan mo na lang siya. Focus on your job, kasi mas lalo kang masasaktan sa tuwing maaalala mo siya. At kung talagang mahal ka pa niya bakit hindi ka man lang niya tinatawagan? O 'di kaya pinuntahan man lang dito? Kung tutuusin kayang-kaya ka niya puntahan dito dahil marami s'yang pera!" Naalala ko namang bigla na nawala nga pala ang telepono ko at naroon lahat ang mga contacts ko. Hindi ko rin naman kabisado ang number ni Mazer at Macelyn dahil laging naka-speed dial sila sa phone ko. Even my social media account hindi ko rin alam ang password noon.

"Siguro tumatawag na siya sa akin sa dati kong number," humihikbi kong wika sa kan'ya.

"O sige Kristine, let's say na ganoon na nga. Bakit hindi ka niya puntahan dito? Hindi ba binigay mo sa kapatid niya ang address kung saan ka tumutuloy?" Tumango lamang ako sa kan'ya at napalabi na lamang. "I told you Kristine na ibaling mo na lang ang pagtingin mo kay Wilfred. He's nice at isa pa matagal ka na niyang nililigawan"

"But I don't like him"

"Magugustuhan mo rin siya. Sinasabi mo lang 'yan kasi puro ka Mazer, Mazer, Mazer! Hindi mo bigyan ng chance 'yong tao." Dapat ko na nga bang kalimutan si Mazer? Wala na ba talaga kaming balak magkabalikan pa?

Papunta na kami ni Leslie sa company kung saan ako nagtatrabaho. Ginawa kong abala ang sarili ko para kahit papaano ay hindi ko s'ya naiisip. Tama si Leslie, mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko. Siguro nga talagang kinalimutan na ako ni Mazer.

"Leslie pakibigay na lang itong design na pinagawa ni Mrs Moore. At pakisabi na rin na lahat ng detalye nariyan na rin." Inabot ko sa kan'ya ang black folder habang papunta kami sa aking opisina. Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad kaagad sa amin si Wilfred na nakaupo sa sofa. Tumayo naman siya para salubungin kami. Nakipag-beso muna siya sa akin at ganoon din kay Leslie.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon