CHAPTER 16 WARNING! SPG

13 0 0
                                    

Lakad takbo ang ginagawa ko sa paghahanap kay Mazer. Nagpunta ako sa Cafeteria pero wala siya roon. Nagpunta rin ako sa studio ngunit wala namang tao roon at kung saan-saan ko na rin siya hinanap pero hindi ko pa rin siya makita. Hinihingal naman akong umakyat ng hagdan papunta sa sixth floor para sana hanapin siya nang mamataan ko naman siyang kausap niya iyong babaeng model na humaharot sa kan'ya napataas bigla ang kilay ko dahil kaya hindi ko siya mahanap at hindi niya rin sinasagot ang telepono niya ay ito pala ang pinagkakaabalahan niyang maigi. Mas lalong lumaki ang butas ng ilong ko nang hawakan niya ang braso ni Mazer at hinimas pa ito. At ang loko gustong-gusto naman. Hindi lang pala si Cezil ang karibal ko kun'di may isa pa palang pagala-galang haliparot dito sa loob ng building.

Malalaki ang aking mga hakbang na patungo sa kanilang kinaroroonan at umangkla naman akong bigla kay Mazer na ikinagulat nilang pareho. Tinaasan ko pa siya ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa at alam kong ikinailang niya ito dahil sa klase ng mga titig ko sa kan'ya.

"Que faitas-vous ici? As-tu fini ta photo?" ("What are you doing here? Have you finish your pictorial?") sarkastikong wika ko.

"Qui je suis__" (Yes I'm__")

"Tu peux partir maintenant" ("You can go now") putol ko sa muli niyang sasabihin. Tumalikod na siya at si Mazer naman ang hinarap ko. "I'm looking for you and you didn't answer my call"

"Sorry naka-silent ang phone ko"

"Galit ka pa ba?" mahinang wiika ko.

"I'm not. Wala naman akong karapatang magalit eh. Nakita mo kami sa ganoong ayos syempre ano nga naman ang iisipin mo"

"I'm sorry. I was wrong. Hindi kita hinayaang magpaliwanag at hindi ako naniwala sa'yo"

"Hindi ka naniwala sa pagmamahal ko sa'yo"

"Hindi sa gano'n Mazer"

"Then why?"

"I'm afraid"

"Afraid of what?"

"Na baka sa susunod hindi na ako ang mahal mo dahil naagaw ka na nila. I'm just jealous! Kahit kailan naman hindi ka nawala sa puso ko simula noong maghiwalay tayo. Ikaw pa rin ang laman nito wala ng iba, kaya nga araw-araw akong umaasa na babalik ka at pupuntahan ako rito. Hindi ko naman talaga intensiyon na pahirapan ko, gusto ko lang naman gumanti at maramdaman kung gaano mo pa rin ako kamahal. Mahal na mahal kita Mazer! Mahal na mahal kita...My heart," umiiyak kong turan sa kan'ya.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at pinunasan ang aking mga luha at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na hinding-hindi na kita iiwan pa?" I promise that it won't happen again. Kahit na ilang babae pa ang maghubad sa harapan ko at ilang babae pa ang kumandong sa 'kin ay hindi kita ipagpapalit sa kanila. I love you so much Kristine, I don't know how to live my life without you. Kahit na ipagpalit ko pa ang trabaho ko para lang makasama ka gagawin ko"

"Pero Mazer hindi mo naman kailangang gawin 'yon"

"Kaya ko just for you"

"Pero__" hindi na niya ako pinatapos nang sakupin na niya ang aking mga labi. Napapikit na lamang ako at napakapit sa kaniyang braso at ang isang kamay niya ay naka-suporta sa aking bewang. Mapupusok ang iginawad niyang mga halik sa akin dahil na rin sa sabik na sabik kami sa isa't-isa. Hinihingal kaming pareho ng maghiwalay ang aming mga labi at pinagdikit niya ang aming mga noo.

"I can't wait any longer sweety," paos niyang saad sa akin.

"Me too my heart. Let's go home?" Gulat niya akong tinitigan at hindi makapaniwala sa aking sinabi.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now