CHAPTER 58

5 0 0
                                    

"Alam mo ba anak sobrang saya ko, kasi hindi ko akalain na makikita pa kita," mangiyak-ngiyak na wika sa akin ni daddy.

Mahigpit niyang hawak ang aking isang kamay ko habang nakangiti sa kan'ya. Napabaling naman ako kay Franco na nakamasid sa amin at halata sa mukha niya ang kasiyahan.

"Ako rin po daddy masayang-masaya ako kasi sa tagal na panahon hindi ko akalaing makikita ko pa ang tunay kong mga magulang"

"Nakita mo na rin ba ang mama mo?"

"Yes dad, sa bahay ko na siya nakatira kasama ang kapatid kong si Isay." Pansin ko ang kaniyang pagtahimik at saka yumuko.

"Dad are you okay?"

"Hija, I'm sorry dahil naging duwag ako. Hinayaan kong maghirap ang mama mo," malungkot niyang turan.

"Dad, huwag mong sisihin ang sarili mo"

"Anak, I want to talk to her for the first time. Gusto kong humingi nang tawad sa kan'ya"

"Okay dad. Dadalhin kita sa kan'ya, " nakangiting wika ko.

Nagpunta na kaagad kami sa bahay at nauna akong bumaba sa aking sasakyan, samantalang si daddy at Franco naman ang magkasama sa sasakyan nila. Binuksan ni Mang Domeng ang gate at kaagad naman kaming pumasok.

Pagkapasok namin ng bahay ay nakita kong kaagad si mama na nagliligpit sa sala. Napansin naman niya ako at kaagad na lumapit sa akin at humalik naman ako sa kaniyang pisngi.

"M-ma, may bisita po tayo." Tumingin naman siya sa bandang likuran ko at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makilala kung sino ang kasama ko.

"A-arman?"

"Kumusta ka na Salve?" Hindi makapagsalita si mama at lumapit naman siya sa kinaroroonan namin.

"Mama, nakilala ko na po si daddy." Tumungin sa akin si mama na may panunubig ang mga mata.

"Salve puwede ba kitang makausap kahit na sandali lang?"

"Mama maiwan po namin muna kayo para makapag-usap kayo nang masinsinan." Lumabas na muna kami ni Franco at iniwan na muna namin sila mama at daddy sa loob.

Pumunta kami ni Franco sa coffee shop at ramdam ko ang kaniyang pagka-ilang. Nagkatinginan pa kami at pagkuwa'y natawa sa isa't-isa.

"Sobra na yata ang pagiging coincidence nito," wika niya.

"Oo nga eh, hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito. Pero alam mo masaya ako kasi hindi lang kita naging kaibigan kun'di kapatid na rin." Ngumiti lang siya at ininom ang kaniyang kape.

"Are you okay Kristine?"

"Ha? W-what do you mean?"

"What I mean is your heart." Natigilan ako at mataman siyang nakatingin sa akin.

Iyong tingin niyang iyon na wari ko'y sinusukat ang aking emosyon. Kahit na magsinungaling pa ako sa kaniya ay alam kong malalaman din naman niya ang totoo kong nararamdaman.

"He's getting married Franco. He's getting married again. And the worst part is, I'm their fashion designer," nakangising wika ko.

"But you still love him right?"

"I do Franco. Pero hanggang dito na lang kami hindi na kami puwede bumalik sa dati"

"What if there is a chance, would you accept it?" Seryosong nakatingin sa akin si Franco na parang may ibig sabihin ang mga titig niyang iyon.

"There is no chance Franco. And I'm willing to accept the truth that we can't be together again"

"Kristine__"

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now