CHAPTER 39

6 0 0
                                    

Maaga akong pumasok sa aking opisina dahil marami akong designs na kailangang tapusin. Pagkapasok ko pa lang ay ramdam ko ang mga titig ng aking mga empleyado sa akin at 'yong iba pa ay pinupuri naman ako sa aking bagong itsura.

Dumeretso ako kaagad sa aking opisina at umupo sa aking swivel chair. Binuksan ko ang laptop ko at sabay pasok naman ni Leslie na alam kong takang nakatingin sa akin.

Hindi niya kasi akalain na magpapagupit ako ng gano'n kaikli. Ayaw na ayaw ko pa naman ang hindi mahaba ang buhok dahil kay Mazer mas gusto niya raw kasi ang mahaba ang buhok ko dahil mas bagay daw ito sa akin. Kaya simula noon ay hindi ako nagpapaigsi ng buhok, kung ano ang sabihin niyang bagay sa akin ay siyang ginagawa ko at lahat ng ayaw niya ay sinusunod ko naman.

Pero ngayon iba na. Lahat ng ayaw niya ay pwede ko ng gawin dahil hindi na siya parte ng buhay ko. May kani-kaniya na kaming buhay at isa pa may pamilya na siya. Gustohin ko mang kalimutan siya kaagad ay sobrang hirap naman gawin. Hindi gano'n kadali ang kalimutan lang siya dahil ilang taon din siyang naging parte ng buhay ko at minahal ko ng lubos.

Gusto kong ipakita sa kan'ya at iparamdam na okay na 'ko kahit na sa loob-loob ko ay masakit pa rin pero kailangan ko ng tanggapin na hanggang doon na lang nagtatapos ang pagmamahal namin sa isa't-isa.

Hindi ko siya tiningala at ramdam ko ang mga titig niya sa'kin na para bang gusto niyang magtanong. At nang hindi siya nagsalita ay ako na ang unang kumausap sa kan'ya.

"Speak up Les"

"What happened to you Kristine? 'Yan ba ang way mo para makalimutan na si Mazer?" Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakatayo naman siya sa aking harapan.

"Kailangan kong gawin Les. Hindi pupwedeng sa kan'ya lagi nakatuon ang atensyon ko. He has his own family Les at ako? I want to throw my heart and forget him," malungkot na saad ko sa kan'ya.

"Are you sure Kristine? Kaya mo ba siyang kalimutan na lang basta-basta?" Saglit akong hindi nakapagsalita at tumayo sa aking pagkakaupo at humarap sa bintana.

"Anong kailangan kong gawin Les? Una sa lahat nagtaksil siya. At iyong babae na pinakilala niyang asawa niya ang nabuntis niya. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Kailangan ko pa bang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kaniya?" garalgal kong wika sa kaniya.

Lumapit naman siya at hinarap ako. "Why don't you find out the truth? Kung talagang asawa na nga niya 'yong babaeng 'yon at anak talaga ni Mazer.

"For what Leslie? Para masaktan ulit ako kung sakaling totoo nga talaga na anak niya ang batang 'yon?" Napabuntong hininga na lang siya at hinarap ako sa kan'ya hawak ang aking magkabilang balikat.

"I understand Kristine. Kita ko kung paano ka masaktan noon kay Mazer nang mawala siya ng dalawang taon at bumalik na may asawa't anak na. Sana nga Kristine tama 'yang naging desisyon mo na kalimutan na siya." Mapait naman akong ngumiti sa kan'ya at pagkuwa'y niyakap siya.

"Thank you Les for always supporting me and for always there for me. I know you're tired of listening to my grievances but you're still there for me." Kumalas siya sa'kin nang pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko na dumaloy sa aking pisngi.

"Gaga ka! Syempre lagi lang ako sa tabi mo hindi bilang manager mo kun'di bilang isang kaibigan." Sabay naman kaming natawa sa kaniyang sinabi at muli akong humarap sa bintana at pinag krus ko ang aking mga braso.

"What if kung maaga kong nalaman na buntis na pala ako? At bigla namang dumating si Mazer? Kailangan ko pa bang ipaglaban ang karapatan namin ng anak ko?"

"Hindi rin niya maaalala 'yon Kristine kasi ang tanging naaalala lang niya ay 'yong ngayon." Mariin akong napapikit at kinagat ang ibabang labi ko dahil sa sinabing iyon ni Leslie.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now