CHAPTER 72

9 0 0
                                    

Masyado kong dinibdib ang nangyari sa'kin, hindi ko na magawa ang mga nakasanayang kong gawin. Parati na lang akong nakakulong dito sa loob ng kuwarto at ayokong makipag-usap kahit na kanino. Kahit ang asawa ko ay hindi ko na rin kinakausap at hindi ko na rin naaasikaso gaya ng dati. Oo masakit, masakit para sa'kin na hindi ko mabibigyan na ng anak si Mazer at hindi na rin ako magiging isang ina na matagal ko nang pinapangarap.

Bumalik pa rin kami ni Mazer sa doctor para muling magpatingin at binigyan lang niya ako ng ilang mga gamot na dapat inumin para sa sakit ko. Hindi na rin naman ako umaasa pa na balang araw ay mabubuo ang pamilya namin. Kung si Mazer ay hindi nawawalan ng pag-asa, ako naman ay ayoko nang umasa dahil masakit kapag nalaman ko ang totoo.

Nakahiga ako sa kama at nakatulala sa kawalan nang lumapit naman sa'kin si Mazer at hinalikan ang aking noo. Hindi ko siya pinansin at tumalikod na lang sa kan'ya. Alam kong naaawa siya sa'kin pero ayoko rin na makita siyang dissapointed dahil sa'kin.

"Sweety aalis na 'ko. Bumaba ka na rin para makakain ka ng almusal, nagpaluto ako kay mama ng paborito mo." Hindi ko siya sinagot at ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Narinig ko na ang pagsara ng pinto at doon lamang ako nagmulat ng mata. Kahit hindi ko nakikita ang itsura ni Mazer ay alam kong labis siyang nalulungkot. Kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganoon pero hindi ko maiwasang mag-isip kung paano ko mas mapapasaya ang asawa ko.

Nagpasya akong umalis at puntahan muna ang kapatid kong si Franco. Alam kong sa mga oras na ito ay siya muna ang gusto kong makausap. Dumeretso na ako sa opisina niya at naabutan ko siyang may tinitipa sa kaniyang laptop. Nag-angat siya nang tingin at ngumiti sa akin at saka tumayo para salubungin naman ako.

Niyakap ko siya nang mahigpit at ganoon din naman siya sa'kin. Hindi ko na mapigilang maiyak pa kaya mabilis niya akong inilayo at hinarap.

"Hey little girl what happened? May masakit ba sa'yo?" may pag-aalalang tanong niya.

Umiling ako at hindi ko na mapigilan pang mapahagulgol. Sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi ng doctor ay hindi ko mapigilang masaktan hindi rin para sa'kin kun'di para kay Mazer. At nang mahimasmasan na ako ay naupo kami at hinawakan naman niya ang aking kamay.

"Tell me what happened Kristine"

"K-kuya," garalgal kong saad sa kaniya. "M-may pag-asa pa ba akong sumaya?"

"What do you mean? Nag-away ba kayo ni Mazer?"

"Hindi kuya. Pakiramdam ko kasi na hindi siya magiging masaya sa'kin"

"Kristine__"

"Posibleng hindi na ako magka-anak kuya." Gulat siyang napatingin sa'kin at napabuntong hininga pa siya.

"H-how? I mean, nagpatingin na ba kayo sa doctor? Anong diagnosis sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong sa'kin.

"I have PCOS kuya, posibleng hindi na ako magka-anak pa. Paano na kami ni Mazer kuya?!" Hindi ko na naman mapigilan pang mapahagulgol at niyakap naman niya ako.

"Kristine, magkaka-anak pa kayo. At isa pa nagagamot naman 'yan eh, believe me because I'm a doctor." Humiwalay ako sa kaniya at pinunasan ko naman ang aking mga luha.

"Paano kung hindi na kuya?"

"Just be positive okay? Don't stress yourself dahil mas lalo pang makakasama sa'yo ang mag-isip ng kung ano-ano." Maya-maya pa'y dumating naman ang isang nurse at pinapatawag siya sa emergency.

Nagpaalam na muna siya sa akin at naiwan na muna ako sa loob ng kaniyang opisina. Nagtungo ako sa kaniyang lamesa at umupo muna roon at napadako ang tingin ko sa picture na nasa gilid ng kaniyang lamesa. Kuha nila itong mag-ama at halata roon kung gaano kasaya si kuya. Kinuha ko ito at pinagmasdang maigi.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now