CHAPTER 31

5 0 0
                                    

"Hi Tin!" Napalingon ako sa kung sino ang tumawag at nakita kong si Cezil na papalapit sa akin at malapad ang pagkakangiti niya.

Naging matalik na rin kaming magkaibigan pagkatapos ng maraming taon na pag-iiringan namin. Mas lalo na noong nabalitaan niyang nawawala si Mazer at hindi pa rin makita ang katawan niya. Sila ni Leslie ang naging sandalan ko noong mga panahong nangungulila ako kay Mazer at noong mawala ang aming anak dahil sa kapabayaan ko.

Hindi naging madali para sa akin ang dalawang taong paghihintay sa kaniya. May mga oras na hindi ako makatulog sa gabi at inuubos ko ang oras ko sa pag-iinom para lang hindi ko siya parating iniisip. Mabuti na lang ay may mga mabubuti akong kaibigan na handa akong damayan at palaging nasa tabi ko.

Si Macelyn na muna ang pumalit kay Mazer sa pag-aasikaso ng kanilang kumpanya. Itinuro naman ni Lyka at Seff sa kaniya ang mga dapat gawin at alam kong nahihirapan si Mace dahil ang kuya lang niya ang talagang nagpapatakbo noon pa man ng kanilang kumpanya. Masuwerte pa rin ako kasi may mga tao sa paligid ko na mapagkakatiwalaan ko pa rin.

"O hi Cez!" Niyakap ko siya at ganoon din naman siya sa akin.

"O kumusta ang pictorial?" wika niya at naririto kami ngayon sa studio dahil mayroon akong pictorial para sa gaganaping event sa susunod na linggo.

"Ayos naman. Ikaw wala ka bang trabaho?"

"Wala ako sa mood magtrabaho nag-away kami!" Napairap na lang ako dahil kakabati lang nila noong isang araw tapos heto na naman magkaaway na naman sila ni Wilfred.

Noong nakaraang taon sinabi niya sa akin na nanliligaw si Wilfred sa kan'ya at masaya ako para sa kanilang dalawa dahil nakikita ko naman na pareho silang masaya sa isa't-isa. Iyon nga lang sobrang seloso si Wilfred at ayaw niya na may ibang lalaking lumalapit kay Cezil.

"Sobrang possessive naman kasi niyang jowa mo eh!"

"Wow ha! Mas possessive nga si Mazer eh." Natigilan ako sa kaniyang sinabi at napansin naman ito ni Cezil. "S-sorry Tin hindi ko sinasadya," malungkot niyang wika.

"Ayos lang Cez. Sa totoo lang namimiss ko na siya, miss na miss ko na 'yong pagbabawalan niya akong magsuot ng mga damit na hindi niya gusto. Iyong magagalit siya sa akin kapag pulang-pula ang labi ko na parang kumain daw ako ng sandamakmak na sili. Alam mo ba Cez, hanggang ngayon nag-iiwan pa rin ako ng message sa kaniya sa social media baka sakaling mabasa niya 'yon at bumalik siya kaagad sa 'kin," umiiyak kong turan sa kaniya.

"Tin, huwag kang mawalan ng pag-asa babalik siya sa'yo. Baka sa susunod na araw makita mo na lang siyang bigla na nasa bahay niyo na pala," umiling ako sa kaniya at muli siyang tinitigan na nanunubig ang aking mga mata.

"Nawawalan na ako ng pag-asa Cez! Sana noon pa siya bumalik. Hindi na ba niya ako mahal kaya hanggang ngayon hindi pa rin niya ako binabalikan?"

"Kristine don't say that. Alam natin lahat kung gaano ka kamahal ni Mazer, maging ako nga binasted niya dahil sa sobrang faithful niya sa'yo eh," biro naman niya na ikinangiti ko.

"Salamat Cezil ah? Hindi ko akalain na magiging magkaibigan pala tayo kung kailan naman nawala si Mazer. I'm sure magiging masaya siya kasi nagkaayos na tayo"

"Basta kapag nalulungkot ka tawagan mo lang kami ni Leslie para may magpapasaya sa'yo saka hindi alak ang solusyon sa mga problema magkakasakit ka pa niyan. Kapag bumalik na si Mazer tatadtarin ko siya ng sermon dahil nagiging alcoholic ka na ng dahil sa kan'ya!" pareho naman kaming natawa dahil sa kaniyang sinabi.

Late na nang matapos ang aming pictorial at inaayos na ni Leslie ang aking mga gamit. Humiga muna ako sa sofa at pumikit sandali. Masyado akong napagod ngayong araw na ito dahil sunod-sunod ang project na ginagawa ko ngayon. Sa umaga naman ay nagdedesign ako ng mga damit at sa hapon naman ay may pictorial ako dahil paminsan-minsan ay ako rin mismo ang nagmomodelo ng sarili kong mga obra. Ginawa kong abala ang sarili ko ng sa gayon ay hindi ko masyadong naiisip si Mazer.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon