CHAPTER 67

8 0 0
                                    

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at medyo nanlalabo pa ito kaya muli akong pumikit. Ilang minuto pa ay sinubukan ko ulit imulat ang aking mga mata at doon ay nakakita ako ng munting liwanag. Nakatingin lang ako sa aking harapan at sinusuri kung nasaan ako. Wala akong matandaan kung anong nangyari sa akin at para bang dumaan ako sa isang masamang panaginip.

Napansin ko ang isang lalaki sa aking tabi at inaayos ang isang machine na wari ko'y nakakabit sa akin. Dahan-dahan ko namang inangat ang kanang kamay ko at tiningnan ito, may nakakabit sa aking dextrose at nakaipit sa aking daliri.

Maya-maya pa ay napabaling na sa akin nang tingin ang isang lalaki at gulat na gulat ang kaniyang mukha pagkakita sa akin. Kaagad niyang hinawakan ang aking kamay at maluha-luha niya akong tinitigan. Naalala ko na, siya ang kuya ko na si Franco. Pero hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin at kung bakit ako naririto ngayon sa hindi ko matukoy na lugar.

"Oh my god little girl you're awake," maluha-luha niyang sambit sa'kin.

"K-kuya?"

"Yes it's me Kristine, masaya ako dahil sa wakas nagising ka na"

"Where am I? Saka anong nangyari? Naaksidente ba 'ko?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.

"Naaksidente ka Kristine at muntikan ka nang mamatay." Namilog ang aking mata pagkasabi niyang iyon at napapikit pa ako.

Ngayon naaalala ko na kung ano ang nangyari sa'kin. I was about to leave because I was hurt that time. I was with my mom and__. Natigilan ako sa aking pag-iisip dahil parang may wala ako maalala at hindi ko alam kung sino.

Nagmulat ako at napadako ang tingin ko sa bandang kaliwa ko at nakita ko si Mazer na himbing sa kaniyang pagtulog. Hawak pa nito ang isang photo album at parang alam ko na kung ano ang nilalaman noon.

Pinilit kong makatayo sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni kuya at tinanggal na rin niya ang dextrose sa aking kamay at oxygen. Napatingin ako sa salamin na nasa aking harapan at nagtaka dahil parang kay bilis naman humaba ng aking buhok.

"Wait Kristine gigisingin ko lang si Mazer para ibalita sa kaniya na nagkamalay ka na tiyak matutuwa siya." Gigisingin na sana niya ito nang pigilan ko siya.

Taka niya akong tinitigan at hinihintay naman ang aking isasagot. Marami akong katanungan sa aking isipan at naguguluhan din ako na para bang may kulang.

"Kuya I want to talk to you first." Tumango lamang siya at nagpasya akong yayain siya sa labas upang makapag-usap.

Noong una ay medyo mabigat ang aking paghakbang kaya nakaalalay sa akin si kuya. Nagtungo kami sa may salas at inilibot ko ang aking paningin dito. Naririto pala ako sa bahay ni Mazer, ang bahay kung saan dapat kami bubuo ng aming sariling pamilya. Pero paanong nangyaring magkasama kami? Alam ko bago kami umalis ng bansa ay ikakasal na siya kay Jillian.

"Anong pakiramdam mo Kristine? May masakit ba sa'yo?" may pag-aalalang tanong sa'kin ni kuya.

Umiling lang ako at tipid na ngumiti sa kaniya. "Tell me what happened kuya." Saglit siyang hindi nakapagsalita at saka yumuko.

"You want me tell you everything? Ayaw mo bang si Mazer mismo ang magsabi sa'yo?"

"Hindi ko alam kuya kung kaya ko siyang tanungin," malungkot na wika ko sa kan'ya.

Lumapit siya sa aking tabi at marahang hinaplos ang aking kamay na nakapatong sa aking hita. Napatingin ako sa kan'ya at ngumiti lang siya sa'kin at sabay pisil sa aking pisngi.

"I miss you little girl." Nakatitig lang ako s kan'ya at walang ano mang salita ang lumabas sa aking bibig.

Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako nang pagka-ilang sa kan'ya kaya umiwas na lang ako nang tingin. Tumikhim muna siya na para bang may nakabara sa kaniyang lalamunan bago muling nagsalita.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now