CHAPTER 73

16 0 0
                                    

Galit akong nagtungo sa aking opisina at pabagsak ko namang ibinaba ang aking bag nang mailagay ko na ito sa lamesa. Napatingala ako at pinakakalma ko lang ang aking inis. Halos hindi na kami nagkikita ng asawa ko sa bahay. Sa tuwing gigising naman ako sa umaga ay wala na siya at uuwi naman akong wala pa siya sa bahay at nakakatulugan ko na rin ang paghihintay sa kaniya.

Pakiramdam ko ay may hindi tama. Naging okay naman kami nitong mga nakaraang araw at hindi ko naman alam kung bakit bigla na lang kami naging ganito. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtataksilan na ako ng asawa ko.

"Hi frenemy!" masayang bati sa'kin ni Cezil.

May kalakihan na rin ang tiyan niya pero ang sexy pa rin niyang tingnan. Bigla na lang nawala ang galit ko nang makita ang umbok niyang tiyan at hinimas pa ito.

Magkasosyo na ang kumpanya ko at ang kumpanya niya at isa rin siya sa model ko kaya madalas din kaming magkita. Pero ngayon ay hindi muna siya rumarampa sa mga event at madalas pictorial lang muna at ang mga minomodel niya ay mga damit na pang-buntis na ako ang gumawa.

"Kumusta na ang inaanak ko?" wika ko na animo'y naririnig ng baby niya sa kaniyang sinapupunan.

"Super likot na niya grabe!" Naupo naman kami sa sofa at nakangiti niya akong tinitigan. "Parang may kakaiba sa'yo frenemy?"

"Ano naman 'yon? Lalo ba akong gumanda?" biro ko sa kaniya.

"Ang haggard mong tingnan." Napasimangot naman ako dahil sa kaniyang sinabi.

"Sabihin mo nga sa'kin Cezil, pangit na ba ako?"

"Hoy frenemy! Sinabi ko lang na ang haggard mo pangit ka na agad, kahit kailan hindi ka pumangit 'no. Ano ba kasing pinaggagawa mo bakit parang ang haggard mo ngayon? Kakarating mo lang dito sa opisina pero mukhang pauwi ka na dahil sa itsura mo"

"Si Mazer kasi eh," naiiyak ko namang turan.

"What about him? Don't tell me nag-away na naman kayo? Normal lang naman sa mag-asawa ang nag-aaway eh"

"It's not normal for me Cezil. Halos hindi na nga kami nagkikita sa bahay eh. Kapag uuwi naman ako wala pa siya. Sa umaga naman paggising ko nakaalis na siya. Feeling ko may babae si Mazer eh!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw dahil sa inis.

Tumayo pa ako at humarap sa malaking binta sa likod ng aking lamesa. May mga oras naman na napapansin kong may kausap siya sa kaniyang telepono at narinig kong may kikitain siya o 'di kaya'y susunduin. Ipinagsawalang bahala ko na lang ito dahil baka kliyente lamang niya ito at makikipag-meeting siya.

Pero nang buksan ako ang telepono niya noon ay may lock code na ito na hindi niya naman dating nilalagyan at hinahayaan lang niya ito sa kung saan. Kaya isa lang ang naiisip ko na baka may tinatawagan ng babae ang asawa ko.

"Kristine, paano mo naman nasasabing may babae ang asawa mo? Mahal na mahal ka no'n eh. Hindi ba't ganiyan din ang hinala mo noon? Pero wala naman talaga"

"Baka naman pinahupa lang niya ang nararamdaman ko noon dahil sa depression ko. Pero noong nakikita niyang mabuti na ako saka sila ulit nagkikita ng babae niya," umiiyak kong wika sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at hinarap naman ako. "Don't you trust him Kristine? Saka malay mo naman kasi__"

"Enough Cezil," pigil ko sa kaniyang sasabihin. Huwag mo na siyang kampihan pa. Imbes na ako dapat ang kinakampihan mo parang lumalabas na walang kasalanan si Mazer eh," inis kong baling sa kaniya.

"E kasi naman frenemy nagpapadalos-dalos ka kaagad eh, kausapin mo kaya ang asawa mo hindi 'yong naghihinala ka kaagad"

"Sa tingin mo Cezil sinong tangang lalaki ang aamin kung may babae ba siya?" Tinalikuran ko na siya at hindi pa ako nakakahakbang nang sumakit naman bigla sa may bandang puson ko at napahawak na lang ako rito.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon