CHAPTER 60

9 0 0
                                    

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ito ay ang kasal namin ni Jillian. Nakaupo ako sa gilid ng kama at nakayuko nang kumatok naman si Seff sa aking kuwarto. Binuksan ko ito at hawak na niya ang isang brown envelope na naglalaman ng mga ebidensiya. Pinapasok ko siya at umupo sa pang-isahan at ako naman sa mahabang sofa at kaagad niyang inabot sa aking ang envelope.

Tinitigan ko muna ito at malakas na bumuntong hininga. Tiningnan ko ito isa-isa at mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga papel at litrato na halos malakumos na ito. Pabagsak ko namang ipinatong ang mga ito sa lamesa at mabilis na tumayo at inilagay ko ang dalawang kamay ko sa aking baywang at saka tumingala.

"Ganiyan ka-demonyo ang ama niya pati na rin ang kapatid niya para sa kayamanan," wika ni Seff at saka ko naman siya muling binalingan.

"Franco is a good man pero bakit niya nagawa ito sa kaniya," galit ko namang saad.

"Katulad nang sinabi ko, it's because of money. Hiniwalayan niya si Franco dahil hindi niya makuha ang gusto niya at purpose niya talagang mag-apply sa isang malaking kumpanya para makabingwit ng isang milyonaryo"

"It's time Seff, sa kulungan ang bagsak nilang mag-aama. Kung tutuusin nga matagal ko na sanang ginawa ito kung hindi lang ako naaawa kay Arthur, at isa pa gusto ko ring tulungang mahanap ang mga magulang ni Kristine. Ngayon tapos na ang misyon ko, panahon na rin siguro para sumaya naman ako, kami ni Kristine." Tumayo si Seff at hinarap ako ng may ngiti sa kaniyang mga labi.

"You deserve to be happy dude, deserve rin ni Kristine na maging masaya sa piling ng taong lubos na minahal niya. Naniniwala ako na hindi ka niya kayang kalimutan kahit na ilang beses na siyang nasaktan kasi ikaw lang ang lalaking nagbigay ng halaga sa kaniya." Pagkasabi niyang iyon ay tinapik niya ako sa aking balikat at tuluyan nang lumabas sa kuwarto.

Ilang minuto pa akong nagtagal sa loob ay kinuha ko na ang coat na nakalagay sa gitna ng kama at isinuot ko na ito. Pinasadahan ko pa nang tingin ang aking kabuuan sa salamin at ngumiti na lang ako nang tipid.

"Wait for me Kristine, I'll be back," wika ko sa aking sarili.

Ako na ang nagmaneho ng aking sasakyan papuntang simbahan at sina Macelyn at Marco naman ay nauna na roon. Panay naman ang buntong hininga ko habang tinatahak ko ang daan papuntang simbahan at mahigpit ang kapit ko sa manibela. Nang makarating na ako ay hindi muna ako bumaba sa aking sasakyan at sumadal muna ako sa aking upuan at pumikit.

Sa wakas ay matatapos na rin ang paghihirap ko at pasakit na ibinigay ko kay Kristine. ilang araw ko rin itong tiniis dahil ayoko siyang ilagay sa alanganin kapag nalaman niya ang mga pinaplano ko. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ni Jillian maging ang kaniyang ama na sinisante ko dahil sa pagnanakaw niya sa kumpanya.

Dumilat ako at tumingin naman sa simbahan na medyo marami na ring tao. Tiningnan ko muna ang aking sarili sa rear view mirror at saka ako nagpasyang bumaba. Sinalubong naman ako ni Seff at Lyka pagkababa ko at palihim ko namang tinanguan si Seff hudyat na handa na ako sa magaganap mamaya.

Ilang sandali pa ay nag-umpisa na rin ang martsa at nasa malapit naman ako sa altar at hinihintay ang pagdating ni Jillian. Napadako naman ang tingin ko kay Franco sa 'di kalayuan at matamang nakatitig sa akin. Mabuti na lamang at pumunta siya ngayon na akala ko ay hindi siya makakarating dahil hindi naman niya alam kung ano ang plano ko at para na rin masaksihan niya kung sino talaga si Jillian.

Nang si Jillian na ang maglalakad ay ang lahat ng tao ay nasa kaniya ang atensyon. Hindi mapagkakailang maganda siya kahit na hindi niya pa pinapabago ang kaniyang itsura pero hindi ko talaga magawang lokohin si Kristine noon pa man. Nagkahiwalay kami pero kahit katiting ay hindi siya naalis sa puso ko at nang magkabalikan naman kami ay mas lalo ko pa siyang minahal.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon