CHAPTER 12

7 0 0
                                    

"What is it Seff?" wika ko sa kabilang linya at umagang-umaga ay kanina pa siya tawag nang tawag sa akin. Kagigising ko lang at nakahiga pa ako sa aking kama at nakapikit pa habang kausap siya.

"Dude hinahanap ka ni Miss Cezil, palagi nga pumupunta rito sa opisina mo eh akala yata tinatago ka namin." Napabangon akong bigla at ginulo ko ang aking buhok. Napahilamos ako ng aking palad at tumayo na sa aking kama.

"Anong sinabi mo?"

"Sabi ko nasa out of town ka at hindi namin alam kung kailan ka babalik. Ayon araw-araw pa rin pumupunta rito sa opisina mo at nagbabakasakali na sumulpot kang bigla"

"Hayaan mo lang siya. Basta ang bilin ko huwag na huwag mong sasabihin kung nasaan ako maliwanag ba?"

"Sure! Saka okay na ba kayo ni Kristine?" napabuntong hininga ako at naupo sa dulo ng aking kama.

"Not yet. Nililigawan ko pa ulit siya"

"Naku dude mukhang mahihirapan ka yata kay Kristine ah"

"Okay lang kahit pahirapan niya pa ako o 'di kaya ipagtabuyan niya 'ko ng ilang beses hindi ako titigil hangga't hindi siya nagiging akin muli"

"Naks naman Mazer! Bakit naman kasi pinaabot mo pa ng ilang buwan? E 'di sana nakaka-ilang putok ka na ngayon!"

"Shut up Seff! Hindi lang naman iyon ang gusto ko, kun'di si Kristine. Gusto kong bumalik ulit siya sa akin"

"At kapag nangyari 'yon anong gagawin mo?"

"Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa at bubuntisin ko na siyang kaagad para wala ng kawala," walang paligoy-ligoy kong sagot sa kan'ya. Pagkatapos naming mag-usap ni Seff ay kaagad na akong lumabas ng kuwarto. Hindi ko pa nasisilayan si Kristine at iniisip ko na baka natutulog pa siya.

Tinignan ko ang wall clock sa sala at pasado alas-sais na ng umaga. Nagtungo ako sa kusina para magluto na ng almusal. Niluto ko ulit ang paborito niyang kinakain tuwing umaga. Hotcake with honey on top at mainit na gatas.

At nang matapos na ako magluto ay hinanda ko na ang aming almusal. Tinignan kong muli ang orasan at alas-siyete na pero hindi pa rin bumabangon si Kristine dahil madalas ay maaga naman siyang nagigising. Pinuntahan ko ang kaniyang kuwarto at kumatok ng ilang beses. Nakaka-ilang katok na ako pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan ng pinto kaya nagpasya na akong pumasok sa kaniyang kuwarto.

Nakita kong maayos na ang kama niya, inilibot ko naman ang aking paningin. Nagtungo ako sa banyo niya at pinakinggan kung nasa loob siya. At ng wala akong marinig na ingay ay binuksan ko ang pinto pero wala rin siya sa loob. Napabuntong hininga ako at kinuha ko ang aking telepono sa bulsa ng short ko at sinubukang tawagan si Leslie.

"O Mazer napatawag ka?" kaagad na bungad niya sa akin,

"Kasama mo ba si Kristine?"

"Kanina pa siya nandito sa office niya pero umalis lang saglit dahil nakipag-meeting kay Wilfred." Napapikit ako ng mariin at parang biglang tumaas ang presyon ko ng marinig ang pangalan ng kumag na 'yon.

"Ano raw ang kailangan nilang pag-meetingan?" may diin kong sabi sa kan'ya.

"May inaalok kasing project ang company ni Wilfred kay Kristine at gusto nilang si Kristine ang maging model noon"

"What?! hindi naman siya modelo ah, kun'di fashion designer s'ya bakit gagawin siyang model?!" sigaw ko sa kabilang linya.

"Aray ko naman Mazer! Mabibingi ako sa'yo eh! Saka bakit ba sa akin ka nagagalit? Itanong mo na lang kay Kristine mamaya." Hindi na ako nakapagsalita pa at binabaan na niya ako ng telepono. Sa inis ko ay padabog akong lumabas ng kaniyang kuwarto at nagtungo sa sarili kong kuwarto.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now