CHAPTER 71

12 0 0
                                    

"Hoy Mrs. Kristine Veinezz Brilliantes bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang hindi pinagbigyan kagabi." Sinamaan ko naman nang tingin si Leslie habang nandito kami sa coffee shop.

Kasama rin namin si Cezil dito na ngayo'y tatlong buwan ng buntis. Nakasimangot naman ako dahil parati na lang maagang umaalis si Mazer at hindi naman ako ginigising nito para magpaalam. Samantalang noon kahit na tulog ako ay hahalik pa siya sa pisngi ko at gigisingin ako para magpaalam lang sa'kin.

Pero ngayon iba na, magigising na lang ako na wala na siya sa tabi ko at kapag tatawagan ko naman siya sa kaniyang opisina ay busy naman siya o 'di kaya'y nakaalis na dahil may meeting siya sa isang client.

Humalukipkip ako at para bang maiiyak na ako sa tuwing maiisip ko 'yon. Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil para na akong sasabog sa galit.

"Feeling ko may babae si Mazer." Naibuga naman ni Leslie ang iniinom niyang cold coffee at si Cezil naman ay natawa naman sa aking sinabi.

"Shit naman Kristine ngayon ka pa naghinala! Para kang tanga riyan!" ani ni Leslie sabay iling niya sa'kin.

"Totoo nga! Siguro nagsawa na siya sa'kin dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya mabigyan ng anak," maluha-luha kong turan habang nakatingin sa nakaumbok ng tiyan ni Cezil.

Kinuha ni Cezil ang isang kamay ko na nakapatong sa lamesa kaya naman napatingin ako sa kan'ya at tipid naman siyang ngumiti. Doon na bumagsak ang luha ko at sabay naman silang tumayo ni Leslie at niyakap ako sa aking likuran.

"Kristine, hindi gano'n si Mazer saka ang dami niyo nang pinagdaanan ngayon pa siya mabababae? Magtiwala ka lang sa kan'ya dahil nakikita ko naman kay Mazer na hindi niya 'yon magagawa sa'yo," pag-aalo sa'kin ni Leslie.

"That's right Tin, he love's you so much. Ako nga ang ganda-ganda ko na at mas sexy pa sa'yo ni-reject niya eh." Tiningnan ko naman ng masama si Cezil at nag-peace sign naman siya sa'kin.

"Kung hindi ka lang talaga buntis kanina pa kita sinikmuraan eh," sabay irap ko sa kaniya.

"Ito naman pinapatawa lang kita eh. Huwag ka ng sad okay? Mahal na mahal ka ng asawa mo at hindi ka niya magagawang lokohin," saad sa'kin ni Cezil.

Alas otso na ng gabi ako nakauwi at sinalubong naman ako ni Rhodora na halatang katatapos lang nitong magligpit. Kinuha niya ang mga pinamili ko sa mall at naupo muna ako sa mahabang sofa at itinaas ko pa ang dalawang paa ko sa center table.

Pagkatapos naming kumain sa labas nila Leslie at Cezil ay nag-shopping na rin kami para kahit papaano ay hindi ko maisip si Mazer at mawala ang mga pagdududa ko sa kaniya. Binilhan ko rin siya ng iba pang mga gamit niya sa pang-araw-araw na tiyak magugustuhan niya. Ang totoo niyan ay hindi ko rin naman siya matiis kahit na minsan nagtatampo ako sa kaniya, konting lambing lang niya sa'kin ay nagiging marupok na ako.

"Ate kakain ka pa ba?" tanong sa'kin ni Rhodora nang makalapit na siya sa'kin.

"Hindi na Rhodora busog na 'ko kumain na rin kasi kami ng mga kaibigan ko sa labas"

"Sige ate aakyat na 'ko ah"

"Sandali lang Rhodora." Napahinto siya sa kaniyang paghakbang at muli akong harapin.

"Bakit ate?"

"Ang kuya mo umuwi na ba?"

"Hindi pa po ate. Hindi po ba tumawag sa inyo?" Kumunot ang noo ko at napaayos akong bigla ng aking upo.

Kapag male-late siya nang uwi ay kaagad niya akong tinatawagan dahil ayaw niya na nag-aalala ako sa kaniya. Kapag may meeting naman siya ay magtetext naman siya para hindi siya maistorbo at mauuna siyang tumawag sa akin.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon