CHAPTER 68 SPG

12 0 0
                                    

Nang magising na si Kristine ay kaagad naman kami nagpunta kinabukasan kay Marco upang ipatingin siya at para masiguro na rin na okay na ang pangangatawan niya. Kailangan kong itanong din sa kaniya kung bakit may mga bagay na wala siyang maalala at iyon ay ang kapatid niya pa at ang anak naming si Ace.

Nasa ospital na kami at deretso naman kaming nagtungo sa opisina ni Marco. Naabutan namin siya na kausap ang isang nurse at naupo muna kami sa kaniyang sofa at hinintay na lang siyang matapos. At nang matapos na siyang makipag-usap ay saka naman niya kami nilapitan at naupo sa aming harapan.

"Good to see you Kristine that you're totally fine," masayang bati ni Marco kay Kristine.

"Yeah, thanks to you and Kuya Franco dahil magagaling ang naging doctor ko," nakangiting wika naman niya.

"It's not us Tin. You should be thankful to your husband dahil siya mismo ang nag-alaga sa'yo. Kami ng kuya mo umalalay lang kami sa'yo at paminsan-minsan pumupunta kami to check on you. You're so lucky to have him dahil kahit na pagod sa trabaho ikaw pa rin ang inuuna niya." Tumingin sa'kin si Kristine at ngumiti lang ako ng malapad sa kaniya.

Pagkuwa'y umiwas siya nang tingin at yumuko. "Hey sweety are you okay? May masakit ba sa'yo?"

"I'm sorry my heart"

"Why you say sorry?" Tumingin siya sa'kin na may panunubig ang mga mata.

"Dahil ilang taon kang nahirapan sa pag-aalaga sa'kin. I'm so sorry my heart"

"Ssssh, you don't have to, obligasyon ko 'yon bilang asawa mo at wala akong pakialam kahit na mahirapan pa 'ko. I want to take care of you for the rest of my life"

"Pero 'di ba dapat ako ang gumagawa no'n?" umiiyak niyang turan.

"Yes sweety, pero sa ngayon ako muna ang mag-aalaga sa'yo." Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at pinunasan ang kaniyang mga luha.

Tumikhim naman si Marco at mabilis kaming napabaling nang tingin sa kaniya. Nakahalukipkip ito at nakalimutan namin na nasa harapan nga pala namin siya.

"So shall we start?" tumango lang kami sa kan'ya at binalingan si Kristine. "How do you feel Kristine?"

"Sa ngayon maayos naman ako wala naman akong nararamdaman sa katawan ko maliban sa sakit ng ulo ko pagkagising ko"

"Well that's normal kasi matagal kang tulog at medyo nabigla yata ang katawan mo. Have you already talked your mom?"

"Yes nakausap ko na siya at sobra ko talagang namiss si mama parang kahapon lang ang aksidente hindi ko akalain na umabot na pala 'yon ng mahigit isang taon," malungkot niyang saad.

"Natatandaan mo ba kung paano ka nabaril that day?" Sandali siyang natahimik at humigpit ang pagkakakapit niya sa aking kamay.

Alam kong hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya dahil sa nangyari sa kaniya. Pero kailangan naming malaman ni Marco kung bakit mayroon siyang hindi matandaan.

Bago kami pumunta rito ay tumawag muna ako kay Marco at sinabi sa kan'ya ang lahat. Nagulat siya nang malaman niya 'yon at ang suspetsa niya ay nagkaroon niya ng Retrogade Amnesia kung tawagin. Hindi niya matandaan ang ibang bagay na nangyari sa kan'ya o hindi niya makilala ang ibang tao na nag-eexist sa buhay niya. Mabuti na lamang ay kahit papaano ay nakikilala niya ako at ang iba pa niyang kamag-anak.

"Ahhm, a-actually I really don't know how it happened. Ang naaalala ko lang is aalis ako ng bansa together with my mom tapos may bigla na lang bumaril sa'kin na hindi ko kilala," paliwang naman niya.

"Si Tita Salve lang ba ang kasama mo noong time na 'yon?"

"Yes, I think." Nagkatinginan kami ni Marco dahil mukhang tama nga ang hinala namin na nagkaroon siya ng Retrogade Amnesia.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon