CHAPTER 24

5 0 0
                                    


Maaga akong nagising at iniwan ko muna si Mazer na himbing na himbing pa sa kaniyang pagtulog. Masyado siyang napagod kagabi dahil dalawang beses na sunod lang naman niya akong inangkin at humirit pa siya ng madaling araw. Desidido na talaga siyang buntisin ako, gusto ko rin naman 'yon dahil gusto ko na ring bumuo kami ng sariling pamilya. Bumaba ako at nagtungo sa kusina nakita ko si Nana Lumen na nagluluto na ng almusal. Lumapit naman ako sa kan'ya at binati siya.

"Good morning po Nana Lumen"

"O hija gising ka na pala. Ang aga mo naman yata?"

"Gusto ko po kasing ipagluto sana si Mazer ng almusal"

"Talaga ba? O sige hija tutulungan kita. Alam mo bang masaya ako kasi nagkabalikan na kayong dalawa," masayang wika niya sa akin.

"Ako rin po Nana Lumen. Akala ko nga po hindi na niya ako mahal noon kasi ayaw niya akong kausapin at dahil galit siya sa'kin sa pag-iwan ko sa kan'ya.

"Hija, mahal na mahal ka ng alaga ko. Simula noon hanggang ngayon wala siyang ibang minahal kun'di ikaw lang. nasaktan lang siya sa pag-alis mo pero aminado naman siya na may pagkakamali siya at hindi niya maitatanggi na mahal ka pa niya," paliwanag naman sa akin ni Nana Lumen. Lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya.

"Thank you Nana Lumen sa pagpapalaki mo sa kan'ya. Nawalan man siya ng mga magulang pero nand'yan ka pa rin at kasama niya." Kumalas ako ng pagkakayakap sa kan'ya at hinarap siya. "Kaya Nana Lumen magpalakas ka okay?" Ngumiti lamang siya sa akin at binalingan ang kaniyang niluluto.

Nagpatulong naman akong magluto sa kan'ya dahil ang gusto ko kapag mag-asawa na kami ni Mazer ay ako mismo ang magluluto ng mga paborito niyang pagkain. At nang matapos na kami ay napangiti ako nang makita ko ang niluto ko para sa kan'ya. Simpleng pagkain lang pero masaya ako dahil ito ang unang araw na ipinagluto ko siya. Siya kasi ang madalas na nagluluto para sa akin at ngayon ay ako naman ang nagluto para sa kan'ya.

Nagtungo na ako sa kuwarto niya dala ang pagkaing niluto ko. Binuksan ako ang pintuan at nakita kong natutulog pa si Mazer. Inilapag ko muna sa side table ang tray na may lamang pagkain at tumabi muna sa kan'ya. Niyakap ko siya at nagsumiksik sa kaniyang katawan. Ang sarap lang niyang yakapin at hindi ako magsasawang yakapin siya buong maghapon. Gumalaw naman siya ng bahagya at niyakap din ako. Hinalikan niya ang aking noo at idinilat ang isa niyang mata.

"Good morning sweety," paos niyang wika.

"Good morning my heart. Tara breakfast ka na pinagluto kita," pagmamalaki kong saad sa kaniya. Gulat niya akong tinitigan na hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Really? Marunong ka nang magluto?"

"Hmmn. Tinuruan ako ni Nana Lumen. Gusto ko kasi ako ang magluluto sa'yo lalo na pagkagaling mo sa office." Malapad siyang ngumiti sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I like that sweety. I love you so much Kristine," paos niyang wika. Kumalas ako sa kaniyang pagkakayakap at tinitigan siya.

"I love you more my heart." Hinalikan naman niya ako at mas lalo pang lumalim ang aming mga halik. Ako na ang kumalas dahil kilala ko si Mazer kapag nagiging ganoon na siya ay iba na ang iniisip ko. Tumayo na ako at inilapag sa kama ang tray. Namangha naman si Mazer dahil sa mga pagkaing hinanda ko.

"Are you sure sweety na ikaw ang nagluto niyan?"

"Oo naman bakit?"

"Kasi last time na nagluto ka ng hotdog kulang na lang maging lechon hotdog 'yon eh. Saka iyong itlog imbes na sunny side up naging giniling na itlog," natatawa niyang wika sa akin. Napanguso naman ako at kunwa'y nagtampo sa kan'ya.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now