CHAPTER 51

6 0 0
                                    


Mazer POV:

Simula noong umuwi ako ay hindi ko nakaligtaan dalawin si Mother Perfecta, ang nagsilbing ina ni Kristine sa mahabang panahon. Ipinakilala ako ni Kristine sa kan'ya noong bago pa lang kami na magkasintahan at masasabi kong maayos nilang napalaki si Kristine.

Bago ako muling pumunta sa ampunan ay pinalitan ko muna ang plaka ng kotse kung sakali man na magkita kami roon ng hindi sinasadya. Ayokong malaman niya na ako ang tumutulong sa kan'ya para mahanap ang totoo niyang mga magulang. Hindi pa panahon para malaman niya ang totoo dahil ayokong masira ang plano ko at kung paano ko magagantihan si Jillian at ipakulong ito dahil sa mga ginawa niyang pang-aabuso sa'kin habang wala akong maalala.

Pagkarating ko naman doon ay saktong nakita ko ang kotse ni Kristine na nakaparada sa labas. Mabilis akong pumasok ng gate at medyo kinakabahan ako dahil alam kong mamumukhaan niya ang sasakyan ko kaya naisipan ko naman na palitan muna ito ng lumang plate number para hindi siya magtanong kung ano ang ginagawa ko roon.

Bago pa ako bumaba sa aking sasakyan ay sinigurado ko muna na wala na siya sa labas. Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang paalis kaya roon lamang ako lumabas at nakahinga nang maluwag.

Kaagad akong nagtungo sa opisina ni Mother Perfecta at naupo sa kaniyang visitors' chair habang hinihintay siyang dumating. Napadakong bigla ang tingin ko sa gilid ng kaniyang lamesa at nakita kong picture nilang dalawa 'yon ni Kristine. Alam kong nasa kolehiyo pa lang siya noon dahil sa suot niyang uniporme at iyon din ang taon na nakilala ko siya.

Hindi ko makakalimutan ang araw na nakilala ko siya. Hindi ko siya nagawang ligawan noon dahil sa hiya ko at isa pa ay namatay naman bigla ang mga magulang namin ni Macelyn kaya mas pinagtuunan ko ng pansin ang kapatid ko na noon ay may sakit sa puso.

Nalaman ko na lang na umalis na siya ng bansa para doon magtrabaho dahil pangarap niya ang maging isang fashion designer. At natupad nga ang pangarap niyang iyon at masaya ako para sa kan'ya.

Sobrang miss na miss ko na siya. Walang araw at oras na hindi ko siya naiisip gusto ko na talaga siyang mayakap at mahalikan tulad ng dati kaya minamadali ko na ang pag-iimbestiga ko para malaman ko na ang buong detalya at kung sino pa ang mga kasabwat ni Jillian.

Maya-maya pa'y dumating na rin si Mother Perfecta at ikinagulat ko na hindi na pala siya nakakakita pa. Inalalayan naman siya ng isang madre na maupo sa kaniyang upuan at iniwan na rin kaming dalawa rito sa loob ng kaniyang opisina.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo hijo?" saad niya.

"M-mother Perfecta it's me, Mazer." Kita ko pa na nagulat siya at bigla siyang tumayo at pilit na kinakapa ang daan papunta sa akin.

Kaagad ko naman siyang inalalayan at napahinto siyang bigla at kinakapa ang aking mukha. Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawakan ko naman ang dalawang kamay niya na nasa aking mukha.

"I-ikaw nga anak"

"Opo Mother Perfecta, ako nga po ito." Iginiya ko siya sa sofa para doon naman kami maupo.

"Kumusta ka na hijo? Kakaalis lang ni Kristine hindi ba kayo nagkita?" Sandali muna akong natigilan at hinawakan ang dalawang kamay niya.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napahagulgol na lang akong bigla. Ilang buwan kong kinimkim ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa tuwing nasasaktan ko si Kristine ay doble naman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko man siya gustong saktan pero kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti naming dalawa.

Bahagya pa siyang lumapit sa akin at niyakap ako na wari ko'y alam na niya kung ano ang pinagdadaanan naming dalawa. Mas lalo pang lumakas ang iyak ko dahil pareho lang kami ni Kristine na kailangan nang kalinga ng isang ina.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now