CHAPTER 55

8 0 0
                                    

"Hon, saan ka galing kagabi?" wika sa akin ni Jillian habang sinusuot ko ang aking necktie.

Hinarap ko siya at tipid na ngumiti. "May pinuntahan lang akong kliyente kahapon"

"Sobra naman yatang late ang pagtatrabaho mo at isa pa kaninong sasakyan ang gamit mo? Nasaan 'yong sasakyan mo?" wika niya na nakataas pa ang isa niyang kilay.

Pansin ko sa mukha niya ang pagdududa at kailangan kong mag-ingat hangga't hindi pa kumpleto ang binibigay sa aking impormasyon. Kapag nalaman ko na ang lahat ay paplanuhin ko na kung paano naman mahuhuli ang mga salarin.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang baywang. Kailangan kong ituloy ang pagpapanggap ko at para hindi rin niya ako mahalata dahil kung hindi ay masisira lang ang mga plano ko at posible pang mapahamak si Kristine.

"Hiniram muna ni Lyka 'yong sasakyan ko kasi huhulihin daw niya 'yong boyfriend niya may ibang babae raw kasi," pagdadahilan ko sa kan'ya.

"Are you sure na 'yong boyfriend niya ang may iba?" Niyakap ko na lang siya dahil ayokong magduda pa siya at baka iba pa ang maisagot ko sa kan'ya kapag nagpatuloy pa siya.

"Hon, 'wag ka mag-alala wala akong iba. Ikaw lang ang nasa puso ko at isa pa mahal ko kayo ni Arthur." Kumalas ako sa kaniya nang pagkakayakap at tinitigan siya.

Nakaramdam akong bigla nang galit sa puso ko, dahil sa kaniya ay nagdurusa ngayon si Kristine at napilitan akong saktan siya. Pero konting panahon na lang at makakamit ko na rin ang hustisya at isa pa ibibigay ko si Arthur kay Franco na siyang tunay na ama nito.

"I'm sorry nadala lang ako ng selos eh"

"You don't have to. At saka remember 'yong sinabi ko sa'yo na may surprise ako?"

"What is it?" Kita ko ang pagningning sa kaniyang mga mata at napangisi na lang ako dahil wala pa rin siyang ideya na nakakaalala na ako ngayon.

"You want to get married?"

"A-ano?"

"Let's get married then. Alam ko na gusto mong magpakasal sa mismong simbahan kaya pakakasalan kita Jillian." Saglit siyang natigilan at pagkuwa'y mahigpit naman niya akong niyakap.."

"Salamat Mazer. Mahal na mahal kita at mas lalo pa kitang mamahalin." Lihim akong napakuyom ng aking palad dahil kay Kristine ko dapat sinasabi ang mga bagay na ito at hindi kay Jillian.

Lumayo siya sa akin at malapad na ngumiti. "May gusto sana akong hilingin sa'yo kung maaari sana?"

"Okay Jillian kahit ano"

"Are you sure kahit na ano?" Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niyang iyon at parang nararamdaman ko na kung ano ang hihilingin niyang iyon.

Tumango lamang ako sa kaniya at sana ay mali ang kutob ko dahil kapag nagkataon ay mas lalo niya akong kamumuhian at higit sa lahat ay mas lalo ko siyang masasaktan.

"O-oo kahit na ano, anything for you Jillian." Lumapit siya sa akin at kinawit niya pa ang mga braso niya sa aking leeg.

"Gusto kong si Kristine ang gumawa ng wedding gown ko." Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkasabing iyon ni Jillian.

Alam kong may binabalak siya at ayoko na sanang dagdagan pa ang mga pasakit na nararanasan ngayon ni Kristine. Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi pinahalata na nagulat ako dahil alam kong mahahalata niya ako oras na magkamali lang ako nang kilos.

"Bakit siya ang gusto mong gumawa ng gown mo?"

"Hindi ba't isa siyang sikat na fashion designer? At isa pa magaganda kasi ang mga designs niya nakita ko kasi sa magazine kaya naisipan ko kung sakali mang yayain mo 'ko magpakasal siya ang gusto kong gumawa ng gown ko"

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now