CHAPTER 7

8 0 0
                                    

KRISTINE POV:

Habang nagbo-browse naman ako sa internet ay bigla akong napatigil dahil sa isang headlines na nabasa ko sa aking laptop. Kilala ko ang babaeng nakadikit kay Mazer. Siya lang naman ang malanding modelo na dikit nang dikit kay Mazer noon.

Bigla akong napakuyom ng palad at napakagat labi dahil sa aking nabasa roon.

Kaya ba hindi ako tinatawagan ni Mazer noon dahil pinagpalit na niya ako sa babaeng higad na 'to? Kinalimutan na ba talaga niya ako ng tuluyan? Hindi ko namalayang may pumatak na palang luha sa aking pisngi. Malakas kong isinara ang aking laptop at sinabunutan ang aking mahabang buhok.

Ang sakit ng puso ko ngayon dahil sa nakita ko. Gano'n lang niya ako pinalitan kaagad at sa babaeng haliparot pa.

"Let's go Kristine ang sakit na ng paa ko!" reklamo ni Leslie pagkapasok ng aking opisina. Mabilis akong tumayo sa aking upuan at kinuha ang aking bag.

"Punta tayong bar Les, kung ayaw mo naman akong samahan ako na lang!" Natulala naman si Leslie nang iwan ko siya sa aking opisina. Maya-maya ay naramdaman kong nakasunod na rin siya sa akin.

"Hoy Kristine ano na naman 'yan ha?!"

"Wala, gusto ko lang mag-inom"

"Si Mazer na naman 'yan no? Kristine naman__"

"Oo na Les! Ano sasabihin mo namang tanga ako? Na martir ako? Na ang bobo ko?! Les, anong magagawa ko kung mahal ko talaga siya! Ito 'yong nararamdaman ko eh. Hindi ganoon kadaling makalimot, palibhasa kasi hindi mo pa nararanasang magmahal." Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at pagkasabi kong iyon ay mabilis akong naglakad na palayo.

Pagkarating ko sa parking lot ay sumakay kaagad ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito.

Habang nagmamaneho naman ako ay panay agos naman ng aking luha. Sa loob ng mahigit pitong buwang hindi ko siya nakausap o nakita man lang ay heto may kapalit na pala ako sa puso niya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at panay pahid namang ng aking mga luha sa pisngi.

Nang makarating na ako sa bar ay pinili ko naman ang VIP at um-order kaagad ako ng alak. Ilang minuto pa lang ako sa bar ay dumating namang bigla si Leslie. Hindi na ako nagtaka kung sundan man niya ako rito dahil alam naman niya na madalas dito kami pumupunta.

"Kristine I'm sorry, ayoko lang kasi na nakikita kang nagdudusa ng dahil sa kaniya eh. I'm just concern because I'm your friend. Ayoko lang na nasasaktan ka," wika niya sa akin nang makaupo na siya sa aking tabi.

"I understand Les," dahil doon ay hindi ko na naman napigilan ang maiyak.

"Kristine alam ko kung gaano mo kamahal si Mazer pero sana naman magtira ka naman para sa sarili mo. Kung sakali mang pumunta siya rito para suyuin ka, 'wag na 'wag ka munang bibigay hayaan mo siyang mahirapan. Kung talagang mahal ka niya paghirapan ka muna niyang makuha ulit"

"Hindi na mangyayari 'yon Les. Dahil tuluyan na niya akong kinalimutan," malungkot kong saad sa kan'ya sabay lagok ng aking alak.

"Ha? T-teka lang Kristine anong ibig mong sabihin?"

"Here, uminom na lang tayo," binigay ko ang isang bote ng vodka sa kaniya at hindi na sinagot pa ang tanong niya.

"Hoy Kristine halika na umuwi na tayo lasing ka na eh." Pilit naman niya kinukuha sa akin ang bote ng alak ngunit hindi ko ito binibigay sa kaniya.

"Hayaan mo na muna ako Les please? Kahit ngayon lang. I just want to enjoy"

"Anong enjoy? Hindi ka naman nag-eenjoy eh! Look at you Kristine, para kang may sapi eh!" Natawa naman ako dahil sa kaniyang sinabi.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now