CHAPTER 14

6 0 0
                                    

KRISTINE POV:

Hindi na maipinta ang mukha ko sa inis dahil kanina ko pa tinatawagan si Mazer ngunit hindi naman nito sinasagot ang kaniyang telepono. Iniisip ko na baka nagalit ito sa akin dahil hindi ako nakapagpaalam sa kan'ya na aalis ako ng maaga. At ang masaklap pa nito ay nag-abala pa siya para lang ipagluto ako ng almusal.

Pabagsak akong naupo sa aking swivel chair at umikot paharap sa aking malaking bintana. Nakahalukipkip ako at salubong ang aking mga kilay. At iniisip kung ano ang sasabihin ko sa kan'ya sakali mang makaharap ko siya mamaya.

"Ano kayang magandang sabihin ko sa kan'ya mamaya? Mazer, I'm sorry. No, no, no!" umiling-iling pa ako pagkasabi kong iyon. "Mazer gusto mong ipagluto na lang kita mamaya pag-uwi para makabawi ako sa'yo? Teka, hindi naman ako marunong magluto sinangag nga nasusunog pa. Patawarin ko na ba siya? Makipagbalikan na ba ako sa kan'ya? Kainis naman!" nagpapadyak pa ako at ginulo ko ang aking buhok pagkasabi kong iyon.

"Hoy miss pokmaru!" napaikot akong bigla at bumungad si Leslie na nakataas ang isang kilay at lumapit sa akin at naupo sa aking harapan.

"K-kanina ka pa ba riyan?"

"Oo kanina pa ko rito! At dinig na dinig ko ang mga sinabi mo," napabuntong hininga na lang ako at nakangusong yumuko. "So miss pokmaru you want him back so bad?" tumingin ako sa kan'ya at marahang tumango.

"I love him so much Les, nasaktan man niya ako pero alam ko sa puso at isipan ko na mahal niya ako at nararamdaman ko 'yon. May dahilan naman siguro siya kung bakit ngayon lang siya nagpunta rito, iyon ay hindi ko kasi siya binigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag"

"I want you to be happy Kristine. Ayoko lang naman kasi na nakikita kang nasasaktan ng dahil sa kan'ya eh. Kung siya lang talaga ang makakapagpasaya sa'yo at ibabalik ka sa dating ikaw, I'm happy for that"

"Thank you Leslie. So, hindi ka na tutol? Puwede na ba ulit maging kami?"

"Aba bakit ako ang tinatanong mo miss pokmaru?! Tanungin mo 'yang puso mo kung ready na ba siya ulit?"

"Grabe ka naman Les! Parang gusto mo ulit akong masaktan ah?"

"Hay naku Kristine sa susunod ingatan mo na 'yang puso mo ha? Hindi porket hot papa iyang jowa mo at malaki ang kargada niyan bibigay ka kaagad!" napamulagat naman ako dahil kahit kailan walang preno talaga ang bibig nitong si Leslie.

"Iyang bibig mo naman Leslie!"

"Totoo naman 'di ba sabi mo malaki at masarap?!"

"Leslie naman!" napatapik na lang ako sa aking noo dahil sa mga lumalabas sa bibig niya.

Nagpasya kaming lumabas na ng opisina ko dahil may meeting pa akong dadaluhan at tiyak naghihintay na sa amin si Wilfred sa restaurant. Sinubukan ko ulit tawagan si Mazer ngunit hindi pa rin niya ito sinasagot. At sa wakas ay nakita ko na rin siya sa 'di kalayuan at mabilis ko siyang nilapitan.

"Why you didn't answer your phone? I was loo__" napahinto akong bigla at binalingan ang babaeng kausap niya. Napataas ang kilay ko ng mapagsino ito at bigla na lang kumulo ang dugo ko pagkakita sa kan'ya. "Kaya naman pala hindi mo sinasagot kasi may pinagkakaabalahan ka pala?" baling ko kay Mazer.

"That's not what you think Kristine"

"Ano namang ginagawa mo ritong higad ka?" sa sobrang inis ko ay iyon ang itinawag ko sa kan'ya hanggang ngayon pala ay hiindi pa rin nawawala ang pagtingin niya kay Mazer.

"Kristine, Kristine. I was here because of work, and I really don't know he's here too"

"Really huh?" If I know sinundan mo talaga siya rito, higad ka kasi! Gusto kong sabihin sa kan'ya pero pinigilan ko lang ang aking sarili.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now