CHAPTER 21

7 0 0
                                    

"Ano Kristine? Sigurado ka ba sa desisyon mong iyan?!" sigaw sa akin ni Leslie.

Nandito kami ngayon sa aking penthouse at inaayos ko ang mga gamit ko na iuuwi sa Pilipinas.

"Oo Les, I decided to go back to the Philippines. Mas gusto kong manatili roon kasama si Mazer"

"Ano pa nga bang magagawa ko? You chose love over career," umirap pa siya sa'kin pagkasabi no'n.

"Yes I chose him. Matagal na 'ko nagbabanat ng buto para sa sarili ko. Ito na siguro ang tamang panahon para maging masaya naman ako." Lumapit sa akin si Leslie at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"I'm happy for you Kristine dahil sa wakas nakikita ko na ulit 'yong totoong mga ngiti mo. Basta masaya ka masaya na rin ako para sa'yo. Alam mo naman supportive friend mo 'ko kahit na nagpapaka-martir ka na"

"Sobra ka naman sa martir"

"At least ngayon hindi ka na iiyak kasi magkakasama na ulit kayo. Sana naman Kristine hindi na kita makita sa mga bar ha! Dahil kung hindi reresbakan ko na 'yang hot fafabols mo!" Natawa naman ako dahil sa tinawag niya kay Mazer.

"Ikaw Les dapat may love life ka na rin para naman hindi boring 'yang life mo"

"Hay naku Kristine ayoko sumakit ang ulo ko no! Nakikita na nga lang kita kung paano ka humagulgol kay Mazer noon parang ayoko ng mag-asawa"

"Alam mo Leslie masarap kaya magmahal. Dadaan talaga kayo sa ganoong pagsubok. Kapag nagmahal ka ready ka dapat sa mga consequences. Doon niyo malalaman kung gaano katatag ang pagmamahal niyo sa isa't-isa"

"Wow! Ikaw na talaga Kristine." Naiiling na lang ako sa kaniyang tinuran.

Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit ko ay umuwi na rin si Leslie. Naupo muna ako sa sofa at isinandal ang aking likod. Pumikit muna ako sandali at maya-maya pa ay narinig ko ang pagtunog ng aking telepono. Mabilis akong tumayo at hinanap kung saan ko ito ipinatong. Nang makita ko ito ay biglang lumukso ang aking puso pagkabasa ng pangalan ni Mazer sa screen ng cellphone ko. Mag-iisang buwan na rin ng simulang umalis si Mazer para umuwi muna ng Pilipinas. Araw-araw naman kaming nagkakausap pero isang beses lang siyang tumatawag sa akin sa loob ng isang araw dahil kapag gabi naman dito umaga naman sa kanila. Kaya gabi siya sa'kin tumatawag kapag wala na akong trabaho.

"Hi my heart!" Nakangiti kong sinagot ang tawag na animoy nakikita niya.

"Hi sweety how's your day?"

"Ito namimiss ka na"

"Don't worry sweety kapag naayos ko ang mga dapat kong ayusin dito babalik kaagad ako riyan. At isa pa hindi ko maiwan si Nana Lumen eh"

"Oo nga pala how is she? Okay na ba si Nana Lumen?"

"Yes sweety she's okay pero hindi na siya tulad ng dati na malakas pa. Kailangan din niya ng sapat na pahinga"

"Okay lang my heart, Nana Lumen needs you. Paki-kumusta mo na lang ako sa kan'ya okay?"

"Sure sweeety, namimiss ka na nga niya eh. Gustong-gusto ka niyang makita ulit"

"Talaga? Soon kamo my heart at marami kaming pagkukuwentuhan kapag nagkita kami"

"I love you sweety and I miss you." Bigla akong natigilan sa sinabi niyang iyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagpatak ng aking luha pero sadyang taksil ang aking mga mata. Napa-singhot naman ako at narinig ito ni Mazer sa kabilang linya.

"Hey sweety are you okay? Are you sick?" Pinunasan ko naman ang mga luha ko at huminga ng malalim bago muling magsalita.

"No my heart, I'm okay. It's just that I miss you soo much." Sobrang miss ko na siya dalawang linggo pa bago ako makauwi sa Pilipinas dahil kailangan pang aprubahan ang resignation letter ko at need ko pa rin hintayin ang resulta ng pinapaayos ko sa attorney ko dahil sa nasira kong kontrata rito sa France. Mawala na sa'kin ang lahat 'wag lang si Mazer.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now