CHAPTER 49

6 0 0
                                    

Maaga naman kami umalis ni Franco para pumunta sa bahay ampunan at kotse na lang niya ang aming dinala. Nanlalamig ang aking mga palad dahil na rin sa kaba at excitement dahil sa wakas ay makikilala ko na rin ang mga magulang ko na matagal ko nang hinihiling na makita.

Noong bata pa ako ay parati kong ipinagdarasal na sana ay dumating ang araw na puntahan nila ako sa ampunan para kunin. Pero ilang taon na ang lumipas ay hindi ko na sila nakilala at iniisip na kinalimutan na nila ako.

Hindi ko magawang magalit sa kanila, bagkus ay ipinagpapasalamat ko pa ito dahil binuhay pa rin nila ako at ginawa pa rin ang lahat para maging isang successful para kapag nagkita kami ay maipagmalaki nila ako. Ang palagi ko namang ipinagdadasal ay sadyang dininig na ng diyos kahit na ngayon lang, mayakap ko lang sila ay masaya na 'ko.

Nasa bahay ampunan na kami ngunit hindi pa rin ako bumababa. Hinawakan ni Franco ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa aking hita kaya napapitlag ako dahil sa gulat. Ngumiti siya sa'kin at marahan namang tumango.

"Let's go Kristine." Nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako.

Nagtungo kami sa opisina kung nasaan naman si Mother Perfecta. Nasa loob na kami at hinihintay na lang ang kaniyang pagdating at nakaupo naman kami ni Franco sa sofa.

"Nervous?" baling sa'kin ni Franco.

"M-medyo," tipid akong ngumiti.

"Finally makikilala mo na rin ang mga magulang mo"

"Salamat pala Franco sa pagsama mo sa'kin dito"

"No worries Kristine." Maya-maya pa ay dumating na rin si Mother Perfecta at inalalayan ko naman itong makaupo sa aking tabi.

Nakangiti siya at hawak naman niya ang aking dalawang kamay. Ipinilig pa niya ang kaniyang ulo na wari ko'y alam niya na hindi ako nag-iisa. Binalingan ko si Franco at ipinakilala naman siya kay Mother Perfecta.

"Siya nga po pala Mother Perfecta, si Doctor Franco po kaibigan ko"

"Ah oo kilala kita hijo ikaw ang madalas na magpunta rito para magbigay ng mga regalo sa mga bata at makipaglaro sa kanila," masayang wika naman ni Mother Perfecta.

"Opo Mother Perfecta. Actually sinamahan ko na rin po si Kristine"

"Salamat hijo at napaka buti mo." Tumingin naman sa'kin si Franco at ngumiti.

"Mother Perfecta nahanap niyo na po kung saan nakatira ang mga magulang ko?"

"Oo anak, pero ang mama mo lang dahil napag-alaman namin na nabuntis lang siya ng kaniyang amo at hindi pinanagutan." Nalungkot ako sa isiniwalat niya sa akin.

"Saan ko po siya puwedeng matagpuan Mother Perfecta?" garalgal kong tanong sa kaniya.

"Hija, kahit ano pa ang kasalanan ng magulang mo sa'yo patawarin mo sana siya. Hindi ka man niya gustong iwan pero nagawa niya lang iyon dahil wala siyang magawa." Tinitigan ko si Mother Perfecta at nagtaka ako dahil parang alam na niya ang dahilan kung bakit ako iniwan ng aking ina.

Pagkatapos naming makipag-usap kay Mother Perfecta ay binigay niya sa amin kung saan siya maaaring matagpuan. Tinanong ko na rin s'ya kung sino ang matiyagang naghanap sa aking mga magulang ngunit hindi niya ito sinabi at balang araw ay malalaman ko na rin daw kung sino ito.

Huminto naman kami sa isang squatters area at ipinagtanong si Salve Loreto. Napalunok akong bigla dahil nakakatakot ang mga tao sa lugar na ito. May mga nag-iinuman sa tabi ng kalsada at may nakita pa kaming naghahabulan ng itak. Mahigpit akong napakapit sa braso ni Franco at kinabig naman niya ako palapit sa kaniya dahil muntikan na akong mabunggo ng mga nagtatakbuhan kabataan.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now