CHAPTER 62

6 0 0
                                    

Kaagad namang dumating ang ambulansiya at isinakay si Kristine roon. Hinawakan ko nang mahigpit ang isang kamay niya na may bahid din ng dugo at napabaling ang tingin ko sa parte ng katawan niya kung saan siya binaril. Napaluha na lang ako dahil sa sinapit niya at ang masama pa nito ay tumama pa ang ulo niya dahil sa pagkakabangga. Kaagad kong tinawagan si Marco at sinabi sa kan'ya ang nangyari kay Kristine. Sinabi ko sa kan'ya na papunta na kami sa ospital at siya ang gusto kong gumamot sa kaniya sa mga oras na ito.

Pagkarating namin sa mismong ospital ay kaagad siyang ibinaba at naroroon na rin sa labas ng emergency ang ilang nurse at doctor at kabilang na roon si Marco. Sinuri niya ito at mahina pang napamura nang makita niya ang kalagayn ni Kristine. Binalingan niya ako malakas na napabuntong hininga.

"Marco how is she?" kinakabahang wika ko.

"Mazer, we need to have an operation. Kailangan na rin natin matanggal ang bala sa kanang balikat niya at sa may bandang tiyan niya"

"Gawin mo ang lahat Marco mabuhay lang siya," umiiyak kong turan.

"And one more thing Mazer"

"What is it?" Saglit siyang hindi nakapagsalita at seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Malakas ang pagkakabagok ng ulo niya at isa pa may pasa ang balakang niya na kailangan din operahan dahil may namuong dugo roon." Napasabunot ako sa aking buhok at naihilamos ko rin ang aking mga palad.

Ang hindi inaasahan ni Marco ang sunod kong ginawa. Lumuhod ako sa harapan niya na alam kong ikinagulat niya at pilit niya akong itinatayo pero nanatili pa rin ako sa ganoong ayos. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao na naririto.

"M-marco p-please, save her! I know you can do it. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag tuluyan siyang nawala sa'kin Marco!" sigaw ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

Inalalayan niya akong makatayo at tinapik ang aking balikat. Tumingin ako sa kan'ya at tipid naman siyang ngumiti sa akin.

"Salamat sa pagtitiwala mo Mazer, gagawin ko ang lahat para mailigtas lang si Kristine. She's so brave Mazer at alam kong malalagpasan niya 'yan"

"Salamat Marco." Pagkatapos nang pag-uusap namin ay kaagad siyang dinala sa operating room.

Matyaga na lang akong naghintay sa labas at taimtim siyang ipinagdarasal. Maya-maya pa ay dumating na ang mama ni Kristine na si Aling Salve at ang kapatid niyang si Isay. Tinawagan ko sila at sinabi ang nangyari kay Kristine. Malakas na umiyak ang mama niya at nagpupumilit na pumasok sa loob ng operating room. Niyakap ko na lang siya at pilit kong pinakakalma. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil isa siyang ina at alam ko rin na ganito ang naramdaman ni Kristine sa aming anak.

"Hijo ang anak ko, mabubuhay naman siya 'di ba?" umiiyak niyang turan.

"Huwag po kayong mag-alala dahil magaling na doctor po ang bayaw ko gagawin niya ang lahat mabuhay lang si Kristine"

"Kuya, she's a good sister at ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin kahit na ngayon lang kami nagkita," sambit naman ng kapatid ni Kristine.

"Yeah, she's too kind at hindi niya deserve ang ganito. It's all my fault, pinahirapan ko siya. Tinago ko sa kaniya ang totoo, I deserve the pain instead of her," garalgal kong wika.

Hinawakan ni Aling Salve ang dalawang kamay ko at pinisil ito. Malapad siyang ngumiti sa akin at marahang tumango na wari ko'y naiitindihan niya ako.

"Hindi ko man alam ang dahilan pero natitiyak kong mahal mo ang anak ko. Ayaw kitang husgahan dahil hindi ako hinusgahan ng anak ko noong magkita kami." Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan pang maiyak at niyakap na lang niya ako.

My Last Love (Mazer & Kristine)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن