CHAPTER 33

7 0 0
                                    

Bumalik kami sa loob ng bahay ni Macelyn dahil sa kaniyang pakiusap. Hiniling niya na pakinggan muna namin ang paliwanag ni Mazer kung ano talaga ang nangyari sa kan'ya. Kahit na masakit ay pinilit ko pa ring humarap sa kan'ya lalo na't kasama niya ang sinasabi niyang asawa at anak.

Naupo kami sa kanilang harapan at kita ko ang pag-akbay niya sa kaniyang asawa na mas lalong ikinasakit ng puso ko. Napakuyom na lang ako ng palad at napansin naman ito ni Macelyn kung kaya't hinawakan niya ang aking kamay na palihim at ngumiti sa akin.

"Kuya wala ka ba talagang naaalala?" simula ni Macelyn.

"Wala akong maalala kahit na ano. Noong naaksidente ako si Jillian ang nakita kong nasa tabi ko at siya ang tumulong sa akin noong mga panahong nasa ospital ako"

"Hindi mo ba hinanap Jillian kung may pamilya pa siya?" Hindi na ako nakapagpigil kaya ako na ang nagtanong sa kan'ya.

"Sinabi ko sa kan'ya na wala na siyang pamilya dahil nalaman ko noon na may naghahanap sa kan'ya at gusto siyang patayin. Para sa kaligtasan niya sinabi ko sa kan'ya 'yon upang protektahan siya"

"Patayin? Pero sino wala namang kaaway ang kuya ko ah," takang tanong ni Macelyn.

"Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan? Baka naman wala ka lang talagang balak sabihin sa pamilya niya na buhay si Mazer?" inis kong wika kay Jillian.

"Katulad ng sabi ko kanina pinoprotektahan ko lang si Mazer noon dahil narinig ko na may gustong pumatay sa kaniya.

"At paano kayo naging mag-asawa?" sabat naman ni Marco at tumingin muna sa akin si Mazer.

Ang mga tingin na 'yon ay hindi na katulad ng dati na puno ng pagmamahal. Ang tingin na lang niya sa akin ay isang estranghera na parang ngayon lang kami nagkita. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na muli siyang makita, pero hindi naman niya ako nakikilala at ang masakit pa nito ay may sariling pamilya na siya.

"We got married after the accident"

"What?!" sabay naming sigaw sa kan'ya.

"Teka lang kuya ha. Paanong nangyari na asawa mo na si Jillian?" takang tanong ni Macelyn. Maging ako ay nagtataka kung bakit bigla na lang sila nagpakasal. Malamang ay pinlalo lang ito ni Jillian at sinamantala para mapasakanya si Mazer.

"Bago pa ang maganap ang aksidente sinundan ko siya papuntang ibang bansa"

"Why?" tanong ko.

"Dahil nabuntis niya ako." Parang gusto kong magwala dahil sa aking narinig.

Pinagtaksilan ako ni Mazer noong panahong wala pa ako rito sa Pilipinas? No, hindi niya magagawa sa akin 'yon. Mahal niya ako at kailanman ay hindi niya ako magagawang lokohin. Napatayo akong bigla at pagak na tumawa. Taka naman nila akong tinignan dahil sa aking tinuran.

"I don't believe you! You're such a liar! Hindi magagawa ni Mazer ang lokohin ako! Paano kang nakakasigurong anak nga niya ang batang 'yan?!" duro ko sa bata na kalong ni Jillian.

"I have a result of DNA test." Kinuha niya sa kaniyang bag ang isang puting papel at iniabot naman nito sa akin. Tinignan ko lamang iyon at 'di kalauna'y si Marco na ang kumuha no'n.

Napabuntong hininga na lang si Marco matapos niyang basahin ang resulta at maya-maya ay si Macelyn naman ang nagbasa noon.

"T-tin, anak nga ni kuya ang batang 'yan." Napapikit ako ng mariin at naikuyom ko ang aking palad. Gusto kong umiyak pero ni isang butil ay wala man lang pumatak. Mas nangingibabaw ang galit at poot na nararamdaman ko ngayon. Kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya akong lokohin.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now