CHAPTER 30

5 0 0
                                    

"Hon, aalis muna ako ah? pupuntahan ko lang 'yong doktor mo saka bibili na rin ako ng mga gamot mo," wika sa akin ng aking asawang si Jillian.

Narito naman ako sa tabing dagat at inaayos ang bangkang ginamit namin kanina ni Obet. lumapit ako sa kan'ya pagkatapos kong itali ang bangka at hinalikan siya sa noo.

"Hindi ba dapat kasama ako?"

"Kahit hindi na kasi medyo okay ka na naman daw eh. Kukuha lang din naman ako ng mga gamot mo kasi kokonti na lang din iyong nandiyan," tumango lamang ako at tipid na ngumiti.

"Siyanga pala, wala ka bang nababalitaan na pinaghahanap ako?" saglit siyang natigilan at pagkuwa'y ngumiti sa akin.

"W-wala naman akong nababalitaan hon. Noong nakita kita wala kang maalala at hindi ko alam kung saan hahanapin ang pamilya mo kaya nagpasya akong isama ka na lang kaysa naman pabayaan kita"

"Ah oo nga pala, sige mag-iingat ka, ako na ang bahala kay Arthur." Hinalikan ko siya sa pisngi at pagkuwa'y umalis na siya habang ako nama'y tinatanaw siya papalayo.

"May tinatago kaya siya sa 'kin?" wika ko sa aking sarili.

"Mazer!" Napalingon naman ako at nakita ko si mang Jerry na papalapit sa aking kinaroroonan.

"Ikaw po pala mang Jerry," wika ko nang nakalapit na siya sa akin.

"Ito ang parte mo dahil sa pagtulong sa aking anak," sabay abot niya sa akin ng isang libong piso.

"Naku mang Jerry hindi na ho! Saka may parte na naman po ako noong maubos namin 'yong paninda.

"Sige na tanggapin mo na 'to isipin mo na lang na bigay ko 'yan sa anak mo." Kinuha niya ang aking palad at inilagay doon ang pera.

"Salamat po mang Jerry," nahihiya kong saad.

"Siyanga pala hijo, hindi pa ba bumabalik ang ala-ala mo?" Saglit akong natigilan at pagkuwa'y nagpakawala ng malakas na buntong hininga.

"Wala pa rin po mang Jerry eh," malungkot kong saad sa kaniya.

"Hindi ba umiinom ka naman ng mga gamot mo? Dapat magaling ka na ah"

"May mga oras po na may naaalala ako pero hindi ganoon kalinaw. At saka mang Jerry ang ipinagtataka ko parati akong may nakikitang isang magandang babae kahit sa panaginip ko nakikita ko siya, " saglit siyang nag-isip at muli akong binalingan.

"Baka kamag-anak mo siya o 'di kaya kapatid mo o malapit na kaibigan?"

"Ang sabi ni Jillian hindi niya raw alam kung sino ang pamilya ko"

"Nagpasuri ka ba ulit sa doktor ha Mazer?" umiling lang ako sa kaniya at inihilamos ko naman ang aking palad sa aking mukha.

"Gusto ko ng malaman mang Jerry kung sino talaga ako. Pero sa tuwing tatanungin ko ang asawa ko parang may tinatago s'ya sa 'kin. Parati niyang sinasabi na nagpapatulong na raw siya sa kaibigan niya na hanapin ang pamilya ko kaso raw narinig daw niya na may gusto raw pumatay sa'kin kaya ipinagpaliban muna niya ang paghahanap sa pamilya ko"

"Baka nga hijo at pinoprotektahan ka lang ng asawa mo."

Pagkatapos namin mag-usap ni mang Jerry ay umuwi na muna ako para asikasuhin naman si Arthur. Iniwan ko muna siya sa sala na naglalaro at ako nama'y magluluto ng aming pananghalian.

Naghihiwa ako ng mga gulay nang mabitawan ko ang hawak ko na kutsilyo dahil kumirot ang aking ulo. Sapo ko ang aking ulo at naupo muna ako sa upuan malapit sa lababo. Bigla akong napatigil ng may maalala ako at napatingin na lang ako sa lababo.

"Parang nangyari na 'to," wika ko sa aking sarili. Pumikit ako ng mariin at pilit na may inaalala pero lalo lamang sumasakit ang aking ulo kapag pinipilit kong makaalala.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now