CHAPTER 48

8 0 0
                                    

"Naku Ate Kristine hindi mo na po sana ako sinamahan mag-enroll kaya ko naman po at isa pa may konting naipon naman kami ni tatay para sa tuition ko," saad ni Rhodora nang makauwi na kami sa bahay.

"Ayos lang Rhodora tulong ko na sa inyo ni Mang Domeng 'yon dahil kung hindi dahil sa inyo baka mag-isa pa rin ako hanggang ngayon"

"Basta ate kahit anong mangyari hindi ka namin iiwan ni tatay. Iwan ka man ng lahat pero kami hindi," tipid lang akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang mahaba niyang buhok.

"Oo nga pala Rhodora nakalimutan kong mag-grocery wala na pala tayong stock, pupunta muna ako sa grocery ikaw na muna ang bahala rito ah?"

"Samahan na kita ate"

"Hindi na Rhodora kaya ko naman eh at isa pa dadalawin ko rin si Ace," nakangiting wika ko.

"Siya nga pala ate, alam na ba ni Kuya Mazer na nabuntis ka?" Saglit akong hindi kumibo at muli siyang binalingan.

"Kahit naman malaman niya ang tungkol kay Ace wala na siyang magagawa, wala na ang anak namin." Para namang may kumurot sa puso ko pagkasabi kong iyon at ano mang oras ay babagsak na naman ang aking luha.

Umalis na ako ng bahay at nagtungo sa pinaka malapit na grocery dito sa aking tinutuluyan. Kumuha lang ako ng ilang mga gamit at pagkain para sa isang linggo. Dahil sa pagtingin-tingin ko ay hindi ko namalayang may nabunggo na pala akong cart.

"I'm sorry hindi ko sinasad__ Franco?" gulat kong turan.

"Oh hi Kristine! Sino ang kasama mo?" nakangiting wika niya.

"Wala ako lang. Nakalimutan ko kasing mag-grocery kanina eh. Ikaw? Who's with you?"

"Alam mo namang mag-isa lang ako palagi 'di ba?" Pareho naman kaming natawa sa sinabi niyang iyon.

"Malay mo girlfriend?"

"Wala pa akong balak magkaroon ng girlfriend ulit pagkatapos nang nangyari sa'min two years ago." Sa likod ng mga ngiti niya ay may tinatago pala siyang kalungkutan at alam kong pareho kami ng pinagdadaanan.

Habang namimili kami ay nagkukuwentuhan din kami, madalas niyang ibida kung gaano kabuti ang mga umampon sa kaniya ngayon at itinuturing niyang mga tunay na magulang. Napaka suwerte niya dahil napunta siya sa isang masayang pamilya. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makikilala ko rin ang tunay kong mga magulang. Iniwan ko muna saglit si Franco sa kabilang station at dumako muna ako sa female section. Kukunin ko sana ang isang pack ng sanitary napkin ng may isang kamay din ang humawak rito. Nagkatinginan pa kami at nagulat naman ako nang makilala kung sino ito, mabilis naman niya itong kinuha sa'kin at ngumisi pa nang nakakaloko.

"Tingnan mo nga naman dito pa tayo nagkita," sarkastikong wika niya.

"Tingnan mo rin naman halos pareho rin pala tayo nang brand ng napkin pero kahit anong hawak ko nakuha pa rin ng iba"

"So, anong pinaglalaban mo ngayon? Inagaw ko si Mazer? Look Kristine kusa niyang naramdaman na mahal na pala niya ako at isa pa may anak na kami kaya panahon na para mag move-on ka naman." Napairap na lang ako at nakita ko naman sa kaniyang likod na papalapit si Mazer at kasama ang kanilang anak.

Nag-iwas ako nang tingin at hindi pinahalata sa kanila na apektado ako, ngumiti na lang ako sa kanila at ganoon din kay Mazer. Ayokong ipamukha kay Mazer na nasasaktan ako at gusto kong itago sa kaniya kung ano ang tunay kong nararamdaman ngayon ayoko ng maging kaawa-awa sa harapan nila at alam kong pagtatawanan lang ako ng kaniyang asawa pag nagkataon.

"Hey Kristine, I'm looking for you__" Natigilan si Franco pagkakita naman sa kanila.

Pansin ko pa ang panlalaki ng mata ni Jillian nang makita si Franco at taka ko naman itong tinitigan. Hindi ko maintindihan pero parang kilala niya si Franco ngunit si Franco ay walang reaksyon ang kaniyang mukha.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now