CHAPTER 27

4 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta ni Macelyn kung saan bumagsak ang eroplanong sinasakyan ni Mazer. Ilang oras na rin ang lumipas na kahit isang katawan ay wala pa rin silang natatagpuan. Panay naman ang dasal ko sa aking isipan na sana ay mahanap kaagad si Mazer naniniwala akong buhay pa siya dahil nangako siya sa akin na hindi na niya ako iiwan pang muli.

Matapos ang mahabang paghahanap ay dumaong na rin ang mga coast guard at kaagad ko silang nilapitan, sumunod naman sa akin si Macelyn at Marco. Napatingin ako sa kanilang bangka ngunit kahit isang katawan ay wala silang naiuwi.

"S-sir ano na po ang balita?" naiiyak kong turan sa isa sa mga coast guard.

"Ma'am ikinalulungkot po namin pero wala na po kaming makitang katawan. Ang hinala po namin ay baka inanod na sila at saka hindi na po kayang sumisid ng iba naming kasamahan dahil sa sobrang lakas nang alon at lalim na rin po ng dagat"

"Hindi puwede 'yon! Paano na lang si Mazer?! Mamaya nanginginig na sa lamig 'yon! Hanapin niyo ulit siya pakiusap!" humahagulgol kong pakiusap sa coast guard.

"Ma'am pasensya na po talaga__" hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin nang naglakad ako papunta sa dagat at lumusong doon.

"Oh my god Tin what are you doing?!" sigaw ni Macelyn. At nang nakalusong na ako sa dagat ay hinablot ni Marco ang isa kong braso para pigilan ako.

"Kristine nababaliw ka na ba?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Hahanapin ko si Mazer! Ayokong tumunganga lang, buhay pa siya Marco!" maya-maya pa ay si Mace naman ang lumapit sa amin.

"Tin, pareho lang tayo nang nararamdaman. Masakit para sa akin kasi kapatid ko s'ya. Pareho tayong nahihirapan at hindi matanggap ang nangyari, " umiiyak siyang hinarap ako.

Tinignan ko ang malawak na dagat at pansin ko ang malakas na hangin at alon nito. Napahikbi na lang ako at napatutop sa aking bibig kapag naiisip kong wala na si Mazer. Naninikip ang aking dibdib at hindi makapaniwala sa nangyari sa kan'ya.

"Aaaah! Mazer! My heart I know you can hear me! Please comeback to me Mazer! Mazer!" malakas na sigaw ko habang nakatingin sa malawak na dagat.

"Kristine, naniniwala akong babalik si kuya hangga't wala pang nakikitang katawan hindi pa siya patay," humihikbing wika ni Macelyn sa 'kin.

"He promise me Mace! He promised! Alam kong tutuparin niya 'yon"

"Huwag tayong mawalan ng pag-asa Tin. Babalik si kuya kasi ayaw niyang nakikitang nahihirapan ka. Halika na umuwi na muna tayo." Pagkatalikod naman namin ay biglang kumirot ang tiyan ko kaya napahawak ako rito.

"Aray Mace!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit nito. Mahigpit akong napakapit sa braso ni Marco at inalalayan naman nila akong makaahon sa dagat.

"Oh my god Tin dinudugo ka!" gulat akong napatingin kay Macelyn na nakatingin sa aking hita. At nang sulyapan ko ito ay nanlaki ang aking mga mata na panay agos ng dugo sa aking hita. Hinawakan ko ito at nanginginig ang aking mga kamay na tinitigan ang dugo.

"Halika Tin dadalhin ka namin sa ospital." Mabilis akong binuhat ni Marco at isinakay sa kotse. Pagkarating namin sa ospital ay hindi ko na naalala pa ang sunod na mga nangyari dahil tulala ako at pakiwari ko'y nawala ako sa aking katinuan. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako habang ginagamot nila ako sa ospital.

Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mga mata at lumapit kaagad sa akin si Macelyn at Marco nang makita nilang gising na ako. Umiiyak si Macelyn na hinarap ako at hinawakan ang aking kamay.

"T-tin, H-hindi mo ba alam?" nauutal niyang wika.

"Ang alin?"saglit muna siyang hindi nakapagsalita at nagkatinginan muna sila ni Marco na ikinataka ko.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now