CHAPTER 19

9 0 0
                                    

Pagkatapos naming mag-almusal ni Mazer ay lumabas naman kami para mamasyal. Sinulit namin ang bawat oras na magkasama kaming dalawa. Niyaya ko siya sa Louvre Museum kung saan matatagpuan ang portrait ni Monalisa. Matagal ko ng gustong pumunta roon at ito na nga ang pagkakataon at kasama ko pa si Mazer ngayon. Maya't-maya naman ang kuha namin ng mga larawan at aminado akong nag-eenjoy ako na kasama siya.

"You want to rest?" tanong niya sa 'kin habang naglalakad kami palabas ng Museum.

"Mamaya na lang. Punta pa tayo sa iba"

"Where do you want to go next?" saglit akong nag-isip at saka siya muling binalingan.

"I want to go to Eiffel Tower"

"Sure sweety, your wish is my command." Hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo naman sa Eiffel Tower. Ilang oras din ang binyahe namin at nakarating din kami.

"Come here my heart let's take a picture together." Ako ang naghawak ng cellphone ko at nakangiti naman akong nakatingin sa camera at siya nama'y humalik sa aking pisngi.

Habang naglalakad kami para humanap naman ng makakainan ay tinitignan ko naman ang mga pictures namin sa aking cellphone. Nakangiti ko itong tinitignan at hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. Napahinto ako na ikinataka naman ni Mazer at napansin niya ang aking paghikbi kaya bigla siyang nataranta at iniupo ako sa isang tabi.

"Hey sweety what happened? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang umuwi na tayo?" tumingin naman ako sa kan'ya at panay pa rin ang agos ng aking mga luha. Pinunasan naman niya ito at hinawakan ang isang kamay niya.

"Please don't let go of my hand my heart. Huwag mo na ulit akong iiwan kasi hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa sa 'kin.

"Sweety I will never ever leave you, I promise. Saka huwag ka nang umiyak ayokong nakikita kang umiiyak eh, kita mo pumapangit ka na," biro niya sa 'kin na ikinangiti ko naman.

"I believe you Mazer. Naniniwala ako sa pagmamahal mo." Pagkasabi kong iyon ay niyakap naman niya ako at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. Hindi ko alam ang magiging takbo ng buhay ko kung sakaling mawala ulit si Mazer. Sa kaniya lang umiikot ang mundo ko at siya lang din ang mamahalin ko habang nabubuhay ako.

Pagkatapos naming mamasyal ay dumeretso na kami sa penthouse. Dumaan muna kami sa grocery upang bumili ng ilang stock ng pagkain. Si Mazer na ang nag-ayos sa kusina ng aming mga pinamili at ako nama'y nagtungo na muna sa banyo upang maligo.

Nang matapos na akong maligo ay nagtungo ako sa aking walk-in closet at naghalungkat ng aking susuotin. Napansin ko naman ang maleta ni Mazer na nasa loob ng aking cabinet at kaagad ko itong binuksan. Kinuha ko ang mga damit niya roon at nilagay na mismo sa aking cabinet katabi ng aking mga damit. Napangiti naman ako dahil pakiramdam ko ay para na kaming isang tunay na mag-asawa. Imbes na damit ko ang isuot ko ay damit niya na lang ang isinuot ko at medyo mahaba rin naman ito sa akin.

Kaagad naman akong lumabas ng aking silid at pinuntahan na si Mazer sa kusina. Nakita ko siyang nagluluto na at seryoso ang mukha. Kung ganito ba naman kaguwapo at katikas ang pangangatawan ng magiging asawa ko hindi ako magsasawang tikman siya araw-araw. Napakagat labi na lang ako sa aking mga naiisip dahil sa kahalayan ko.

"Why so pogi ba my heart? Kung hindi lang masakit itong Dyesebel ko baka ngayon pa lang hilayin na kita papunta sa kuwarto," mahinang wika ko sa aking sarili. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Inamoy-amoy ko pa siya dahil gustong-gusto ko talaga lagi ang amoy niya. Kahit nga amoy pawis siya ay sobrang bango pa rin niya.

"You always like doing that huh," humarap siya sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi.

"Because I miss your scent"

My Last Love (Mazer & Kristine)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt