CHAPTER 4

7.5K 210 5
                                    


MASAMA! IMPOKRITO! BALIW! SALOT! ADIK! NASAPIAN! LAHAT NG MASASABI KO EXCEPT SA PANGET (dahil gwapo ka paren at crush kita) YUN KA!

Ano bang ginawa ko kanina? Wala naman ah! Nag-ingay ba ko? Diba hindi! Binastos ko ba sya? Diba hindi! HINALIKAN KO BA SYA SABAY TAKBO? (Oo gagawin ko palang) PERO HINDI PARIN!

Ikaw, Yuji ah? ADIK KA NO? ABNORMAL! Kung bigyan mo ko ng parusa parang nahuli mo kong nandaya sa prelim exam! Isang folder na naglalaman ng 15 asdfghjkl na topics, irereport ko for 1 freakin' HOUR?! Are you insane?! Ikaw baliw ka talaga ano? BALIW KANA SAKEN? UMAMIN KANA PARA HINDI NA TAYO PAREHONG NASASAKTAN!

Kanina pa ko back and forth na naglalakad sa loob ng kwarto ko habang kinakausap yung mga Minions stuff toys ko. Oo galit ako! Galit ako sakanya! Kung hindi nya ko mahal, just say so! Impokrito! Impokrito! IMPOKRITO!

Sinasakal ko na yung isang stuff toy ko ng marinig ko na naman ang isinumpang boses ni Raven na lalong nakakapagpakulo ng dugo ko.

"HOY KARLOTA ANG INGAY MO! KUNG AYAW MO MAGPATULOG, BUKSAN MO YUNG BINTANA MO DYAN TAPOS TUMALON KA DON! NATUTULOG YUNG TAO SIGAW KANANG SIGAW!"

See? Lalong nagpakulo ng dugo ko ang pamangkin ni satanas na yan.

Lumabas ako ng kwarto ko at sinipa yung pinto ng kwarto nya. Nakita ko si kumag nakabrief habang nakadapa sa kama nya.

"ANAK NG. BASTOS! UMALIS KA NGA DITO! HOY!" Kinukuha nya yung kumot nya para takpan yung bahagi ng katawan nya na nakita ko naman na. Stupid.

"Aww, ang kyut kyut ng brief mo. SpiderMan pa, kanino galing yan?"

"UMALIS KA NGA DITO KARLOTA!"

"Hindi mo naman sinabi na gusto mo ng spiderman na brief, yaan mo bibilhan ka ulit ni Ate Charlotte okay? Ano gusto mong kulay PENK?" Malambing na boses na pangangasar ko sakanya.

"NAKAKASURA KA UMALIS KA NGA DITO!" Tumayo sya at pinagtutulak ako palabas ng kwarto nya. Tingnan mo yung kumag na yun, ang laking pikon din e no.

Natatawa akong bumalik ng kwarto ko ng maalala ko yung mga topics na irereport ko pa pala bukas. Bigla akong napaluhod sa kama ko at nagsisisigaw na naman ako.

MR. YUJI SALVATORE! PAG IKAW TALAGA NAPAIBIG KO, LAHAT NG HOMEWORKS, PROJECTS, EXAMS, LAHAT IKAW PAGAGAWAIN KO! PAG DI MO GINAWA BREAK NA TAYO! KUHA MO? BREAK NA TAYOOO!!

Tumayo ako at huminga ng malalim tsaka kinuha lahat ng libro ko sa mathematics. Sabi nya no props needed? Gusto nya lang makita kung paano KO naintindahan yung lessons nya? Fine! My report, my way!

--

Pagdating ko sa classroom late ako. Lahat sila nakatingin sila sakin including the devil (Sir. Yuji)

Naglakad papasok ng classroom with all the confidence and pride I have. Tumayo ako sa harapan nila at nagsimulang ieexplain lahat ng topics my way. Different equations, different formulas. Nakacrossed arms si Sir. Yuji habang tinitingnan ang bawat pageexplain ko STEP by freakin' STEP.

"Now, that you have all the denominators needed for the process of new equation you made, you're gonna have to--"

"Stop."

AND THE DEVIL DARED TO SPEAK AGAIN.

"Yes, Sir. Salvatore?" Ayoko banggitin pangalan nya, LQ kame.

"You are using the different formula I didn't discuss." Sita nya saken.

AKO YUJI, WALA AKONG TULOG HA? PINAGPUYATAN KO TO. SO DON'T YOU DARE QUESTION MY OWN WAY OF SOLVING THIS FREAKIN' EQUA--

"You used the formula that I didn't teach, very good Ms. Briones."

*Blink*  *Blink*  *Blink*

The next thing I know, everyone is clapping their hands for me even the devil ESTE si Sir. Yuji. (Ayan bati na kami, pwede ko na ulit sabihin first name nya)

"Uhh...um..T-thankyou." I bowed my head to them and smiled a little bit.

Lumapit si Sir sakin at hinawakan ang ulo ko.

"You did a really good job, Ms. Briones. Sa susunod makikinig kana sa klase ko ok?"

Sus, matapos mo kong masigaw sigawan kahapon lalambingin mo ko ngayon? Akala mo effective ha? Akala mo effective yang pangiti ngiti mo sakin na lumalabas yang cute na cute na dimples mo na gustong gusto ko sayo ha? HA?!

I smiled at him at umupo na sa upuan ko. Somehow, pakiramdam ko gumaan loob ko. Nginitian nya ko face to face....pfft. Oo na, effective na. Tss.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon