CHAPTER 38

5.5K 146 0
                                    


"So, inshort kayo na?"

"O--hindi. Oo..ata..ewan. Hindiiii, aminan lang nangyari alam mo yun, hindi sya ganun ka official para masabing kami na or what basta ang alam ko lang, mahal nya ko at mahal ko rin sya pero wala pang kami kasi wala pa namang ligawang nangyayari."

Pagkagaling ko sa parking lot kinwento ko agad kay Thunder yung nangyari. Kahit sya hindi makapaniwala sa mga sinabi ko sakanya.

"Susss, ikaw magpapaligaw kapa?" Tinitingnan nya ko na parang ayaw nya maniwala.

"He loves me and that's what matters first. Yung ligawan? Tsaka ko na iisipin yan pagbalik nya."

"Alright ikaw bahala. So, break na tayo?"

Anong brea--Ow, right.

"Yep, break na tay--"

Natigil yung sasabihin ko ng biglang pumasok si Ms. Lina na may kasamang mga senior students. May hawak silang banner tsaka nagsalita si Ms. Lina sa harapan.

"Hello Class, as you know Sir. Yuji left me in charge to handle you and this class while he's gone. So, as your new Math instructor, I'm encouraging you to join our program. May prizes tayo, games and awards. Everybody can join but the thing is, you're gonna have to find your own partner to be able to sign up to our registry list."

Iniling ko yung ulo ko at kinuha lang ang phone ko para maglaro ng titigan ako ni Thunder habang nakangiti sya ng malaki sakin.

"No no no no." Sagot ko agad sakanya. Alam ko na yang titig na yan, gusto nya sumali dun sa program at ako ang ipapartner nya.

"Sige na Sha, please???"

"No. Alam mo namang hindi ko hilig sumali sa mga ganyan ganyan plus seloso si Sir. Magseselos yun sayo."

He glared at me like he's a cop and I'm a denial suspect.

"Hindi pa kayo, kung gusto nyang pagbawalan ka sa pakikisama sakin kailangan nya munang ligawan ka at maging official kayo. E wala pa namang ligawang nangyayari tsaka nasaan ba sya? Nasa kabilang school sya Sha, hindi nya malalaman! Please please! Mukhang masaya e, may games daw oh! Sige na sige na sige na!" Nakakapit sya sa balikat ko at inaalog alog ako na parang batang gustong magpabili ng ice cream sa kanto.

"No. Nah-uh." Iling ko pa sakanya.

"Ah ganon? Sige ganyan ka naman e, matapos kitang tulungan pagselosin yang torpe mong Sir hindi mo man lang ako pagbibigyan. Tapos nakipagbreak kapa sakin na parang hindi ako naging mabuting boyfriend. Gusto ko lang naman sumali dun sa games! Kung hindi naman required na may partner dapat hindi naman kita pipilitin, e kaso required! Wala kang puso Sha! Wala kang pu--"

Pinatigil ko sya sa kakasalita ng isarado ko ang nguso nya gamit ang dalawang daliri ko.

"Ang dami mong sinabi kinokonsensya mo pa ko. Oo na! Drama mo."

"WA! Yey! Sasali kami ni Shasha, sasali kami ni Shasha! Wait here, papalista ko na pangalan mo sa registry! Mamaya wag ka mawawala, we need uniforms!"

Pumapalakpak pa sya nung tumayo sya pero uniforms? Anong uniform?

"Hoy, anong uniform? Wala namang sinabing uniform ah?"

"Alam ko. But that's a competition and we are partners! Magpapaprint tayo ng tshirts at yun ang isusuot natin sa laban!" Kinindatan nya ko sabay punta na nya agad sa harapan para magpalista.

Meet Travis Kyle Rajishima a.k.a Thunder. Gwapo, makulit, chinito, masayahin at isip bata. Not to mention na mabait sya but makulit talaga sya and he loves competitions. Sa kakakulit nya sayo, oo ka nalang talaga.

---

After class, hindi kami sabay ni Thunder umuwi dahil may practice sya, track and field varsity sya remember? Kaya magisa lang ako uuwi. Paglabas ko ng gate, pumasok sa isip ko si Sir. Isang araw ko palang syang hindi nakikita, namimiss ko na sya agad. Kamusta kaya first day nun dun? Malamang may nagkakacrush agad sakanya dun, baka nga pinagpapantasyahan na sya ng mga kababaihan dun. Nako, ako lang pwede magpantasya sakanya no! Nilabas ko yung phone ko, naisip ko syang itext pero naalala ko wala nga pala akong number nya. Greaaaat.

Pagliko ko sa kabilang kanto, nakita ko si Jess na magisang naglalakad. Naglighten up yung mukha ko at tumakbo ako papunta sakanya.

"Jess!" *BOOGSH!*

Yep. I jumped on top of him. That's how we greet each other right?

"Aw, C-charlotte?" Halatang nagulat sya ng makita nya ko. Nilahad ko yung kamay nya para tulungan syang tumayo habang nakangisi naman ako.

"Para ka namang nakakita ng multo, ba't nagiisa ka?" Tanong ko sakanya habang tinatanggal ko pa yung damo sa buhok nya.

"Pauwi na ko e, ikaw nagiisa ka ata. Nasaan boyfriend mo?" Iba tono ng pananalita nya, parang pinagtutulukan nya ko sa so-called-boyfriend ko.

Psh, hindi nya ngapala alam yung totoo.

"May practice sya and he's not really my boyfriend." I chuckled at inunahan  ko sya maglakad.

"Ha? Charlotte wait! Anong hindi mo sya boyfriend? " Tumakbo naman sya agad para maabutan ako.

"We're just pretending." Maikling sagot ko habang kinukuha sa bag ko yung Mr. Chips.

"Pretending...Why?"

"Para pagselosin si Sir. Remember crush ko yun? Este love na nga sabi mo diba?" Sagot ko habang binubuksan ko yung Mr. Chips gamit yung ngipin ko.

"Seryoso? Nagplano kapa talaga ng ganon? Ganub kalakas tama mo sa proffessor nyo?" I glared at him sabay subo ko sakanya ng Mr. Chips para manahimik sya.

"Hindi ko yun plano, it was Thunder's idea actually and we succeeded." Subo ko naman ng Mr. Chips.

"You mean nagselos nga si Sir?"

"Mm..secret!" Inunahan ko sya ulit maglakad.

"Anong secret?!" Tumakbo na naman sya para maabutan ako.

"Ayoko ngang sabihin mamaya sabihin mo kay Irene e isa pang madaldal yun. She doesn't like me and you know that, which I don't care naman pero once na sabihin ko yun sayo, mamaya ipagkalat naman nya. She's the kind of girl na gagawin yun okay? So no, I won't tell a thing." Nagkunwari pa kong zinipper yung bibig ko.

"Grabe, so ganun wala kanang tiwala sakin? Tsaka break na kami no. Matagal na."

Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung sinabi nya.

"Kailan pa?"

"Bago pa yung Mathletes."

WHAT? Ganun na katagal? Ba't wala syang sinasabi?! Edi sana binati ko na sya nun, hindi ko pa naman sya binabati nun dahil akala ko sila pa pfft.

"Ba't di ka nagsasabi?!"

"Paano? E palagi mong kasama yang si Thunder simula ng lumipat sya sa campus natin."

Ay, ngapala.

"Pero kahit na no. So, loner ka ngayon? Kaya pala nagiisa ka. Tara!" Hinila ko sya at sabay takbo ko.

"San tayo pupunta??"

"Sa bahay! May mga bago akong books, pahiram ko sayo dali!"

He smiled at nakita ko yun. Naguilty kasi ako bigla, for the past few weeks pala na hindi ko sya pinapansin at sinusumpa ko sya dahil pinili nya si Irene e nagmumukha lang pala akong ewan nun. Kailangan ko bumawi sakanya, bespren ko sya kahit ang panget nya pumili ng magiging girlfriend nya. Tss.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon